UNANG KABANATA

19.3K 328 5
                                    

Dianna

It's already 11:56 in the evening, yet wala pa ang asawa ko. Lasing na naman 'yun pag-uwi n'ya.

"Dianna, ako na lamang ang maghihintay sa asawa mo. Magpahinga ka na, anak." ani Manang Dolor sa akin.

"Ako na lang po. Tsaka, hindi pa naman po ako inaantok. Ihahatid ko na ho kayo sa bahay n'yo." sabi ko sa kanya.

"Huwag na, anak. Iyon lang naman ang bahay tsaka, kaya mo ba? Tatawagin ko si Imelda para samahan ka."

"Manang, 'wag na ho. Maaabala pa ho ang tulog ni Ate Imelda. Sige na po. Susunod na lang po ako doon. " naka-ngiting sabi ko sa kanya.

Malungkot s'yang napangiti. Nagpaalam na s'ya at umalis na. Ang bahay ng mga katulong sa bahay na 'to ay kabukod pa. Sa isang lote, may dalawang bahay na ipinagawa si Bryan. Isa para sa kanya at kasama ko naman sa kabila ang mga katulong.

Bryan never treated me as his wife. Dito s'ya sa malaking bahay, ako doon sa mainit at masikip na bahay. He brings his flings and girlfriends here. Ano ba naman ako sa kanya? Isa lang naman akong asawang palamunin. Ako, s'ya at ang lahat lang nang nasa bahay ang nakakaalam ng sikretong 'to. I've told my parents and they told me na kapag sobra na s'ya, iwanan ko na.

Calling: Mommy

"Mom?" I answered the phone call. "Bakit po kayo napatawag? May problema po ba?"

"Dianna!" It's Dad. "Nasaan ang lintik mong asawa?"

"Na-nandito po." sabi ko. "Bakit, Dad?"

"Talaga? Nand'yan s'ya? Eh sino itong nasa bar ng Tito Noel mo?!"

I gulped and my tears fell, "Da-daddy..."

"Iwanan mo na s'ya, Dianna. Or else, kalimutan mo nang ama mo ako." he said and cutted the line.

It took me an hour bago pa tumahan. Iniisip ko kung saan ba ako nagkamali. Hindi naman s'ya ganyan noon. He's caring, loving and kind. Mabilis akong pumasok sa bahay namin nang marinig ko ang ugong ng sasakyan n'ya.

"Ikaw talaga, baby." a girl said.

"Baby, tara sa kwarto ko." he said. "Nasaan na ba ang mga kasama ko sa bahay?!" inis na dagdag n'ya.

"Hayaan mo na sila. Para walang istorbo," malanding sabi nung babae.

Napapikit ako sa narinig ko. Mas lalo akong napaiyak nang marinig ko na ang ungol ng babae. Nasa hagdanan pa lang sila, gumagawa na sila ng milagro.

Unti-unti nang nanlabo ang paningin ko at nabasag ang isang vase sa gilid ko dahil sa panlalabo ng mga mata ko.

"Nako, Dianna!" sigaw ni Ate Imelda, "Buti na lang at nagising ako. Anong nangyari sa'yo?"

"Dianna? Dianna!" malakas na tawag ni Daddy mula sa labas.

Nagulat si Bryan at binuksan ang pintuan. Lumantad ang hubad na babae at si Bryan na may kalat pa ng lipstick sa mukha. Namula sa galit si Daddy at binuhat ako, "Dad..."

"Sinabihan na kita, Dianna." mariing sabi n'ya. "Imelda, Dolor, ipake n'yo ang mga gamit ni Dianna." sabi n'ya.

"Daddy, no. Please, no." pagmamakaawa ko. "Dad..."

"Don't Dad me, Dianna. Akala ko, matino ang asawa mo! Ano'ng kagaguhan 'to?!" tanong n'ya,

"Sorry, hindi ko po alam na kasal na si Bryan. Sorry!" umiiyak na sabi ng babae.

Book 1: Tears of a Broken Wife [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon