Prologue

314 20 0
                                    

12 years ago...

Isang kotse ang pumarada sa harapan ng bahay sa isang barangay Don Julian, na nabibilang sa probinsya ng San Mariano.

Ang bahay ay hindi mukhang mamahalin, ang dingding ay gawa sa amacan, at ang bubong ay acero.

Isang babae, na naglalaba sa labas ng bahay, at ang isang bata naman ang nag-iigib ng tubig gamit ang poso.

Napatingin ang babae sa sasakyan, at laking gulat niya na makita ang kung sino man ang bumaba sa mamahaling kotse.

Napahinto sa pagtawa ang bata ng makita niya ang kanyang ina, na natigilan nalang bigla.

Napatingin din ito kung saan nakatingin ang kanyang ina.

"Sino po sila Nay?"

"Ipasok mo muna 'yang balde doon sa loob." Utos ng kanyang ina.

"Opo."

"Pagkatapos ay bumili ka muna ng tinapay. May pera doon sa ibabaw ng durabox." Sinunod ng batang babae ang utos ng kanyang ina. Napatingin pa ito sa sasakyan nang madaanan niya ito para bumili ng tinapay sa malapit na tindahan.

Lumapit ang tila estranghero pero pamilyar na tao.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng babae.

"Kukunin ko na ang anak ko."

"Ang kapal naman ng mukha mo." Madiin na sagot ng babae. Magkahalong galit at pagkabahala ang nararamdaman ng babae ngayon.

"Kukunin ko siya at wala ka ng magagawa 'dun. Kung ayaw mo, ay matitiyak mong sa korte ang susunod nating pagkikita."

"Utang na loob, maawa ka sa akin. Hindi pa ba sapat ang dinanas ko sa kamay ng iyong mga magulang? Lalo ka na! Niloko mo ako!"

Walang emosyon ang lalaki sa pahayag ng kaharap niya. Parang walang kaluluwa itong nakatingin lang sa babae.

"Wala siyang hinaharap kapag nanatili pa siya dito. Kapag binigay mo siya sa akin, mapapa-aral ko siya, mabibigyan ng marangyang buhay, na siyang karapat dapat sa kanya."

"Ano bang kailangan mo sa anak ko?! Kayong mga Greco, marangya nga ang inyong pamumuhay, pero kayo ay mga inutil! H'wag niyong itulad ang anak ko sa buhay na inyong kinagisnan!"

"Anak ko rin siya!"

"Katuwang ka lang sa pag gawa! Ako ang nagdala sa kanya, nag luwal, at bumuhay! Ako ang ina niya, Fernan! Wala kang karapatan na kunin siya mula sa akin!"

Tumiim ang bagang ng lalaking nagngangalang Fernan.

"Laura, hindi na magbabago ang aking isipan. Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ang anak ko sa akin ngayon mismo."

Napatingin si Laura sa bahay nila. Alam niyang maya maya ay darating na ang kanyang anak.

Ayaw niyang makita ang lalaking kasama niya ngayon, at magtanong kung sino ito at anong kailangan nito sa kanila.

"Utang na loob Fernan. Tigilan mo na kami. Namumuhay na kami ng mapayapa. Kaya kong itaguyod ang sarili kong anak. Hindi ko kailangan ng tulong mo."
Pinal na sagot ni Laura na lalong nagpa-inis kay Fernan.

"Nay? Andito na po 'yung tinapay."

Napalingon pareho sila Fernan at Laura sa kinaroroonan ng batang babae.

Naguguluhan itong napatingin ng pabalik balik sa kanila.

"Nay, sino po siya?"

"You left me no choice, Laura."

Her Achilles' HeelUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum