Episode 10

0 1 0
                                    

Hurtful words

...

Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa sobrang lamig nang simoy nang hangin madilim pa pero may sinag narin nang kaunting araw.

Mahimbing silang natutulog. Nang tumingin Ako sa cellphone ko, 5:38 A.M pa Pala.

Kaya napagdesisyunan ko munang maglakad lakad sa paligid na Isang biscuit lang nang rebisco Ang hawak.

Medyo malayu layu na Ako sa kanila at tuluyan na talagang lumabas Ang sinag nang araw. Umihi Muna Ako sa may gilid Bago napagdesisyunang bumalik sa kanila.

Nang may marinig na kaluskos sa paligid kinabahan Ako bigla at bumilis Ang takbo nang puso ko.

Shit bat ba Kasi Ako di nagdala nang kahit anung armas.


Maingat akong naglakad para lang di makalikha nang ingay pero Yung paligid di umaayon dahil sa bawat hakbang ko lumilikha iyon nang ingay mula sa tuyong dahong naaapakan ko, naramdaman kong may papatakbo sa gawing likoran ko na syang paglingon ko kasabay non Ang pagtumba naming dalawa.



Panay Ang ungol nito na takam na takam na talaga sa pagkain sa akin. Todo Naman Ang pagkakahawak ko sa ulo nito at iniiwasang makagat.



Abot abot Ang kaba na nararamdaman ko at Hindi ako makapag-isip nang matino. Parang may nakatali sa aking katawan. Bumabaon narin Ang daliri ko sa Mukha nito kadire ampvta.




Nakahawak parin Ako sa pangit at Ang dalawang kamay Naman nito ay nakahawak sa braso ko na pumipigil sa ulo nito.


Nagpapanic parin Ako nang may makitang bote ay agad ko itong kinuha gamit ang Isang kamay ko at ibinagsak sa ulo nang pangit kaya nagkabasag-basag Ang bote dahilan upang mapahiyaw Ako, nang tumama Ang Malaking biyak nang bote sa kamay ko kaya nagdulot iyon nang Malaking sugat at Ang maraming dugong umaagos kaya mas naaakit ko Ang pangit na nakadagan sa akin.



Takam na takam sa dugo ha.


Pero bakit diman lang natinag? Tigasin Rin ha? Hulaan ko tambay tong pangit na nakadagan sa akin ngayun o di kaya basagulero. Patamaan mo nga nang bote di man lang natinag.


Diko na kaya!


Ang hapdi narin nang braso kung may sugat dahil sa maraming dugong nawala. Nanghihina narin Ako.


Nang may marinig na pagputok nang baril kasunod non Ang di paggalaw nang pangit na Nasa ibabaw ko.



Naipikit ko Ang aking mata,sunod sunod Ang pagbuga ko nang hangin. Mabilis Rin Ang pagtaas baba nang dibdib ko dahil sa hingal.



Iminulat ko Ang aking mga mata na hinang-hina. Nang makitang Ang ibang mga kasamahan ko nakatayu sa di kalayuan tumulo Ang Isang butil nang luha ko.


inalis ko Ang pagkadagan nang pangit sa akin at napaupo, habang mahigpit na hinahawakan ko Ang aking brasong may sugat at Hanggang ngayoy may tumutulo paring dugo.



Tinitignan ko Ang sugat ko. At mahinang nag angat nang tingin sa kanila kita ko Rin Ang gulat sa mga Mukha nila na nakatingin sa akin o sabihin natin sa braso Kong patuloy parin sa pag-agos nang dugo.



"May kagat sya" rinig Kong pag-aalalang Sabi ni scarlette.


Lumapit sa akin Sina lourdey ang mga baliw Kong kaibigan pati narin Ang mga mas pangit pa sa mga pangit na Wala sa pag-iisip na mga pinsan ko.


Zombie outbreak apocalypse: Disaster Where stories live. Discover now