58

828 27 7
                                    


**Yvette's Pov**

Nandito na kami ngayon ni Fabio sa tapat ng bahay nila. Sa totoo lang kinakabahan ako, paano kong lait-laitin lang ako ng pamilya ni Fabio? Ayukong maranasan yung naranasan ni Everlie.

Hinawakan ni Fabio yung kamay ko bago kami pumasok sa bahay nila. Wala akong idea na galing si Fabio sa mayamang pamilya. Akala ko kasi dala lang ng pagiging accla nya noon kung bakit makinis sya, yun pala dugong maharlika din ito. Bwésit, maharlika talaga? Tapos ako alipin, ganun?

Sa itsura ng bahay nila Fabio, simply lang ito pero malaki sya. Pero kung sa payamanan lang naman ang pag uusapan, walang sinabi itong bahay nila Fabio sa bahay nila Erceles at Sir Garri.

"Talaga bang balak mong itago sakin ang totoong pag katao mo noon?" Tanong ko dito habang nag lalakad kami papasok sa bahay nila.

"Wala naman kasing dahilan para sabihin ko pa. Isa pa sinumpa ko na noon na hindi na ulit ako babalik sa impyernong bahay na to." Sagot nito. Naiintindihan ko naman sya kung bakit. Kahit ako din, kung nasa katayuan ako ng baby ko, hinding hindi na talaga ako babalik sa pamilyang hindi ako kayang tangapin.

Pag dating namin sa loob, sinalubong kami ng ama ni Fabio maging ang Ina nito at ng tatlo nyang kapatid na babae. Napalunok nalang talaga ako dahil ang seseryoso ng mga muka nila. Ang titikas ng mga tindig ng ate nya, manang mana sa daddy nila.

"Magandang umaga po." Bati ko sa mga ito.

"Oh my G! Si kuya Fabio na ba talaga ito? Akalain mo yun ang gwapo gwapo nya pala!" Wika ng kapatid nitong bunso. Nasa edad 20 palang siguro ito. Lumapit ito samin ni Fabio at nilahad nito ang kamay nya sakin.

"Hi ate, I'm Fevie. Sobrang fan mo talaga ako ate!" Wika nito kaya wala na akong nagawa kundi makipag kamay dito. Medyo na shock ako sa ginawa nya, at bakit nag karoon ako ng fan? Artista na ba ako?

"Fevie!" Saway ng ate nila dito.

"Sorry ate, na overwhelmed lang talaga ako." Wika nito at agad na bumalik sa pwesto nya.

Lumapit si Fabio sa mom and dad nya para mag bless, kaya ganun din ang ginawa ko. Kinakabahan ako pero   sige lang, para ito sa relasyon namin ni Fabio kaya gagawin ko to.

"Masaya kaming pina-unlakan nyo ang imbitasyon namin. Salamat iha at nagawa mong ibalik samin si Fabio. Sobrang tagal naming hinintay ang moment na to. Hindi ko akalain na matutupad ang pangarap namin na maging tunay na lalaki sya." Naiiyak na wika ng Ina nito.

"Ang totoo po nyan, parehas po tayo ng nararamdaman noon. Ako din po nung una, nawalan din ako ng pag asa. Akala ko talaga hindi ko magagawang maging tunay na lalaki si Fabio. Pero hindi ko po sya sinukuan, nag mumuka na nga po akong disperada dahil sa mga pinag gagawa ko. Pero sulit naman po dahil nag bunga." Nakangiting sagot ko dito.

"Kyahh, kaya idol na idol kita ate eh!" Kinikilig na wika ni Fevie.

"Sa loob na natin ipag patuloy ang pag uusap." Wika ng ama ni Fabio kaya nag lakad na kami papuntang living room.

Nag pa handa naman ng makakain si ate Felicity. Naupo kami sa isang sofa ni Fabio, katapat naman namin sa upuan ang parents nya at ang dalawang kapatid nito.

"Hindi na kami mag papaligoy-ligoy pa, Fabio and Yvette. Gusto lang namin malaman kung anong plano nyo sa buhay?" Wika ng ama nito kaya medyo nabinge ako sa sinabi nya.

Anong plano? Para saan?

"Ikaw ang lalaki dito Fabio, hindi naman pwede na umasa ka nalang sa flower shop ni Yvette. Ikaw ang lalaki kaya ikaw ang may obligasyon na buhayin sya." Wika ng ama nito kaya tahimik lang na nakatingin si Fabio sa ama nya.

"Excuse lang po Sir, pero partner po kami ni Fabio sa pag papatakbo ng flower shop at malakas naman po itong kumita." Sagot ko dito.

"Hindi Iha, bilang isang lalaki obligasyon ni Fabio na bigyan ka ng magandang kinabukasan. Hindi palaging malakas ang flower shop. Darating ang time na bubuo kayo ng pamilya. Paano nalang ang magiging apo namin?" Wika nito kaya muntik na akong mapaubo sa sinabi nito.

"Tatapatin ko na kayong dalawa. Hindi na kayo pa bata dahil nasa stage na kayo ng pag gawa ng bata." Wika ng ama nito, napansin kong natawa si Fevie maging ang isang kapatid nito. Hindi ko ata kaya tong topic namin. Kung dati nasasabi ko na, kung kailangan rapen ko si Fabio, gagawin ko para maging tunay na lalaki sya per iba na ngayon.

"May plano na ba kayo iha?" Tanong ng Ina nito. Sa totoo lang, wala pa kaming plano ni Fabio. Okey na kasi kami na mag kasama sa bahay, ang importante masaya kami at nag mamahalan.

"W-wala pa po, pero-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla nanamang nag salita ang ama nito.

"May nangyare na ba sa inyong dalawa?" Tanong nito kaya tuluyan na akong naubo.

"Don't tell me wala pa?" Gulat na wika ni Ate Felicity at naupo na din ito sa tabi ng mga kapatid nya. Napayuko nalang ako sa hiya, bakit ba kailangan pag usapan pa yung ganun na bagay.

"Mas mabuti kung wala pa dahil wala pa naman palang plano itong si Fabio. So Fabio, anong plano mo para sa future nyo ni Yvette. Dahil kung wala kang plano, hindi ka nararapat para maging asawa si Yvette." Wika ng ama nito kaya napatingin ako kay Fabio. Parang ang bigat ng sinabi ng daddy nya sa kanya.

Hindi naka sagot si Fabio, mukang hindi nya inaasahan na ganito ang magiging usapan dito.

"Tangapin mo ang trabahong ibibigay ko sayo para wala tayong maging problema Fabio. Para ito sa future nyo at sa future ng mga magiging apo ko." Wika ulit ng ama nya kaya napangiti ako.

  Hehehe, hindi naman pala masama ang pag punta namin dito. Akala ko talaga pag hihiwalayin kami ng daddy nya eh.

"Thank you dad, akala ko totoong lalaki na ako, pero hindi pa pala. Ang isang tunay na lalaki pala, may plano para sa babaeng minamahal nya. Salamat dad dahil minulat mo ako sa bagay na yan." Wika ni Fabio sa ama nito.

Tumayo si Fabio at lumapit sa ama nito. Tumayo din ang daddy nito at bigla nalang silang nag yakapan.

"I'm so proud of you Fabio, masaya kaming bumalik kana." Wika ng ama nito. Nakitang napaiyak ang mommy nya. Nakakataba naman ng puso ang pangyayaring ito. Masasabi kong buo na talaga ang pag katao ng baby ko ngayon.

"Balik tayo sa usapan, wala pa talagang nangyayare sa inyong dalawa? Diba mag kasama kayo sa iisang bahay?" Tanong ni ate Felicity kaya kinabahan nanaman ako.

"Tigilan mo na nga yan Felicity, namumula na si ate Yvette. Mukang wala pa talagang nangyayare sa kanila. Mag hintay lang tayo. Dun din naman ang punta ng mga yan." Wika ng Ina nito.

Haist, feeling ko talaga hindi magandang ka bonding itong ate ni Fabio. Feeling ko puro kalokohan lang gagawin nito, muka lang syang matino pero hindi talaga. Pero sobrang saya ko dahil hindi tutol ang daddy nya sa relasyon namin.

Mag papa-pansit talaga ako pag uwi namin with tinapay at juice, invited lahat ng mga sumuporta sa relasyon namin!

Mr Billionaire's Fake Wife Место, где живут истории. Откройте их для себя