"S-SIRRR???!?!"

"Oo, basketball girls! Bihis na! Sam, Brena!"

"Wait po, Sir!"

"Halah ka.. Akala ko ba tayo?' tanong ni Bj, pero kibit-balikat lang ang natanggap niya sa mga kaibigan. Dali-dali naman silang nagsibabaan papunta sa indoor court nila kung saan nila naabutan ang sandamakmak na tao doon. Pero ang natitirang walang umuupo ay doon sa front seat, para kasi iyon sa mga players at coach. Nagsiupuan sila doon habang ang mga barkada ay nasa likuran nila.

Ang comittee nila ay pumwesto sa tabi ng scorer na katabi ng dalawang referee nila na Alumni ng SVS. Maraming alumni ang nandoon para manood dahil 1st day of foundation week iyon. "Ang tagal niyo naman, huy! Nagpapa-chix pa kayo!" seryosong saway ni Jay kila Sam na napairap. Nakasuot na ang mga ito ng jersey, at pinapatungan nila ang mga foundation shirts. Nakatali na ang buhok nilang lahat.

Ang sasabak sa first quarter ay si Brena, Sam, Michelle, Frida, Kesia. "Oh, ganito.. Ikaw na Point Guard, Ke.. Tapos ikaw Michelle, mag-Center ka. Si Sam, Shooting Guard ka naman. Ikaw Brena, Small Guard ka tapos Ikaw Frida sa Power Guard. Sa unang quarter, hayaan niyo munang lasapin muna nila yung bola saka niyo agawin tapos bantay kayo sa likod, which is yung Shooting Guard para deretso shoot na. Mas maganda kasi na kayo mauna na makapag-shoot ng dos, para dere-deretso kayo.. Madali na lang 'yan kasi wala naman kayong travelling, eh.. Agawan lang kayo d'yan saka shoot.. Basta kapag nag-shoot kayo tapos sumablay, sige lang patuloy lang.. Pwede pang bawiin. Mahaba ang oras."

Napatango-tango na ang mga kababaihan sa pagga-guide ni Bj saka na sila pumwesto sa gitna, jumpball sila.. Napasa naman agad yun sa Grade 9 kaya nagsihiyawan ang mga kaklase at kaseksyon ng mga ito. Hindi na kasali ang ibang grade 9 section dahil inilapag nila na wala silang representative.. Ang tanging maglalaban lang para sa basketball ay Grade 8, first and second section, Grade 9 2nd section at Grade 7 first section at Grade 10. Pero sa girls lang iyon, sa Boys ay maraming maglalaban. Lose to Lose, Win To Win. Gano'n din sa Volleyball at Badminton.

Nung pumito na ang isa sa mga referee ay umulit sila ng routine. Panay ang gabay sakanila ni Bj dahil panay na sila pumapalya. Lalong-lalo na si Frida dahil nalilito siya sa posisyon niya. Ang nakasanayan kasi niya ay iyong larong-kalsada lang.. Hindi naman niya kasi in-expect na gano'n pala kahirap ang pagbabasketball.. "Wala bang papalit doon? Palitan niyo si Brena! Saka Frida! Ilagay niyo si Frida sa pwesto ni Brena.. Sobrang hinhin ni Brena, naka-foul pa!" siwalat ng guro nila sakanila..

"Huy, pasok na kayo huy.. Palitan niyo muna si Brena.. Kailangan niyong maglaro ng maayos! Matatalo kayo niyan kung puro kayo arte eh!"

"Pasok ako, Sir?"

Napalingon silang lahat kay Nella na ngayon ay hihingal-hingal. Napaawang ang labi ni James nang makita kung gaano kaayos dito ang jersey nila. May suot itong foundation short at iyong hersey saka itim na short na hanggang itaas ng tuhod.

"Ayun! Saan ka ba kasi galing?!"

"Nakatulog ako, Sir.. Walang nanggising sa akin na naglalaro na pala ng Basketball girls."

"Oh, sige na.. Palit kayo ni Frida. Ikaw, Frida sa position ni Brena.. Go, go, go!"

"Uy, President Camero! Pumasok ng court!" anunsyo ng committee habang nakatitig sa dalaga na naka-focus lang sa may hawak ng bola. Nung tumakbo ito papunta sa court nila para sana mag-shoot ay agad na kumilos si Kesia at naagaw iyon kaya napahiyaw ang mga babaeng kaklase nila na nanonood din pala.

Pinasa ni Kesia kay Sam para sana i-shoot pero naagaw iyon kaya agad na kumilos si Nella para maagaw iyon at nung tagumpay nitong nagawa iyon ay ini-dribble niya iyon.. Binalak sanang agawin ng dalawang players ang bola sakaniya ngunit umikot na siya at pumunta sa may three-point line saka niya walang alinlangan na ini-shoot iyon.

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now