"ANG DUDUGYOT NIYO!" sigaw ni Jay at napatawa na sinundan din ni Leon na nakapikit na. Si Bj ay tumatawa din habang nakahiga na ang likuran sa sandalan ng upuan at sapo-sapo ang mga mata. "Tang ina niyo, kadiri kayo! Bahala kayo d'yan!" sigaw nito't tumayo na.

Sumunod din naman sila Bj. Si Bj ay maayos dahil hindi naman siya uminom, kasi hindi siya umiinom. Never pa siyang nakainom. Iyong mga kasam-bahay na nananatiling gising ay agad-agad na nilinis ang hardin, habang ang iba ay inaalalayan ang magbabarkada, kasama si James.

Kinabukasan.. Lahat silang magbabarkada ay tanghali nang nagising, pwera lamang kay Leon, Bj, at Neo. Ang tanging nandoon na lang ay si James, Tonyo, June, Karl at Jay. Halos tanghali na silang nagising lahat dahil sa epekto ng alak. Bilib sila doon sa tatlo na pumasok daw pala. Halos alas-tres na silang natapos sa pag-iinom pero kinayanan nung tatlo.

"Ang sakit ng ulo ko.." ungot ni James at ibinagsak ang sarili sa sofa kung saan nakaupo din ang mga barkada niya. Nakasapo sa noo ang mga ito habang nakapikit. "Aww!"

"Gagu, sana pala hindi na tayo nag-isa pa.. Ang sakit sa ulo." angal naman ni Jay. "Aray ko.. Paano nakayanan nung dalawa yun?"

"Kaya nga, eh.. Titibay ng bungo.."

"D'yos ko, ah.. 'Wag na tayong uulit na pumangatlo. Ang sakit sa sikmura." angil naman ni Tonyo. Si June naman ay tahimik lang na nakatitig sa kisame habang yakap-yakap ang unan na nakakalong sakaniya.

"Here, my boys!" lahat naman sila'y napabaling sa ina ng binata nang magsalita ito't pumwesto sa gitna para ilapag ang mga baso ng kape. "This will help you, hehe.. Tanghali na kayong nagising, magha-half day ba kayo?"

"Hindi po ako, Tita.." iling ni Jay habang humihigop na sa maiinit na kape..

"Gano'n? Eh, ikaw ba, anak?"

"Hindi ko pa kaya, Mom, eh.. My head hurts po."

"Okay, drink it na para mawala kahit papaano.. Did you take shower na ba, mga anak?"

"Opo."

"Good!" pagkasabi nito non ay umalis na ito't pumanhik sa kusina. Iyong magbabarkada naman ay tahimik lang habang abala sa pag-inom ng kape. Wala pa sila sa wisyo para magkwentuhan dahil pakiramdam nila ay bawat paggamit nila sa lalamunan nila ay kapalit non ang kakaobang kirot sa ulo nila. Bahagya pa nga nilang nararamdaman ang pagtibok ng mga ugat nila sa uluhan.

"Salamat po, Ate.. Ako na po d'yan sa bag ko, kaya ko naman po.."

Napakunot ang noo ni James sa narinig at agad-agad lumingon sa may bandang pintuan, sa may main entrance. At gano'n na lang ang gulat na naramdaman niya nang makitang si Nella iyon. "N-nella.. ?!"

Naiangat naman ni Nella ang tingin sakaniya at tumingin sa iba niyang kaibigan na nagulat din. Napatayo pa nga ang mga ito. "Uy! Nella! Anong ginagawa mo dito??"

"Ah.. pinauwi na ako ni Principal Jordan, eh."

"H-ha? Ni Daddy? Dito ka.. pinauwi??"

"Ah, oo.." tango ng dalaga kaya dali-daling kinuha ng binata ang cellphone niya at tinignan ang petsa. November 5 na, araw ng Biyernes.

"L-lumipat ka na dito??"

"Mm.. Kagabi lang."

"KAGABI?!"

"Oo.. Sabi kasi ni Ma'am Jams na lumipat na ako.. Para pag-usapan din namin yung birthday celebration ni Sir Jordan. Humingi kasi siya ng tulong sa akin na magdesign sa venue na gaganapan natin."

"M-mom???" tawag niya sa ina na sakto namang kalalabas lang.. "Mom?"

"Yes?? Oh, hi there, Nella! How's school?!"

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now