Chapter 7
Home. Home. Home. I wanna go home.
Halos pumikit na ang mata ko sa kakahintay matapos ang org meeting namin. Good thing at nasa pinakalikod ang pinili kong upuan kaya hindi nila mapapansin kung gaano ako ka walang gana ngayon.
It's almost a month since the volleyball game, Seiji and I barely see each other although most of the time, he's bothering me through text messages. It seems that tambak siya ng plates ngayon dahil hindi ko man lang maaninag ang anino niya dito sa campus. Deserve niya naman mastress.
At sa wakas. Natapos na rin ang meeting. Naglalakad ako palabas nang campus ng biglang bumuhos ang ulan kaya dali dali akong tumakbo papunta sa pinakamalapit na shed. Kaya pala masyadong madilim na kahit 5 pa lang ng hapon.
"Pwede makisilong?" nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Kanina lang sabi ko hindi ko maaninag ang isang 'to pero ngayon narito na sa harap ko. Wow. Speak of the devil and the devil shall come nga talaga.
I saw Sei dripping wet because of the rain.
"Basa ka na rin, sisilong ka pa?" I taunted.
"I easily get sick kaya makikisilong pa rin," napantig ang tenga ko when he said that he's easily get sick. So, I handed him the extra umbrella I brought.
Kumislap ang mata niya at natatawang tinanggap ang payong.
"You're really unpredictable," he said habang natatawa.
"Take a quick shower when you get home and then warm yourself up to prevent flu," hindi ko pinansin ang sinabi niya at binilinan na lamang ng gagawin.
Sumulong na ako sa ulan gamit ang aking payong at hindi na siya muling binalingan pa ng tingin.
"Copy that, nurse!" I heard him shout behind my back that made me smile a little.
Pagdating ko sa condo ay agad akong nag hot bath dahil medyo nabasa ako sa ulan. Hindi naman ako sakitin but in order to prevent things from getting worse it is better to do some precautions.
Pagkatapos kong gawin lahat nang dapat ko gawain ay agad akong nahiga at nagbalak na matulog. I'll free myself for tonight's study time dahil I badly need some rest.
Kakapikit ko pa lang ay nakaramdam ako nang pag-vibrate ng aking phone.
Ate:
Uwi ka this end of month. Naynay will be home.
Ang advance naman ng kapatid ko. Ang layo pa nga ng katapusan.
Ade:
oksi poe
It might be a reunion. Sana sa summer na lang nila ginawa, malapit na rin naman ang christmas break.
Sana, Lord. Wala nang mang-istorbo sa akin ngayon. Amen.
Mag-uumaga na at gising pa rin ang diwa ko. Kingina naman oh. Kung kailan naman gusto ko magpahinga, doon pa ako hindi makatulog. Wala ngang nang-istorbo sa akin, ako lang rin naman pala ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog.
Badtrip akong bumangon at nagsuot ng hoodie. Kumuha ako ng cash sa wallet ko at nilagay ito sa likod ng phone ko. Maglalakad na lang ako sa labas at baka may kung anong hangin ang pumasok sa akin at bigla akong antukin.
Ngunit hindi pa ako nakakalabas ng pinto ko ay bumalik na agad ako sa higaan dahil tinamad na naman akong lumabas. Napagulo na lamang ako ng buhok at nagpagulong-gulong sa higaan dahil sa inis. Dalawang subject na tig-dalawang oras pa naman ang klase ko mamaya.
YOU ARE READING
We Are Not a Parallel Lines to Begin With
General FictionLiving the life that she wants, staying low, and avoiding issues until she graduate is Ade's goal in her college life to the point that she neglected all of the possible affection from others just to make her life as it is, not until the well-known...
