Chapter Twenty-seven

Začít od začátku
                                    

Nagitla pa siya nang marinig ang ring ng cell phone niya. Kinuha niya iyon at sinagot. Si Asuncion. Muli siyang napamura lalo at tinatanong ng tiyahin kung malalaman niya kung saan dinala ang asawa nito at kasama.

Sa nagpupuyos na dibdib ay inihagis niya ang cell phone niya na tumama sa dingding at nagkabasag-basag. Hindi pa nasiyahan ay tinabig niyang lahat ng mga bagay na naaabot ng kanyang mga kamay. Sa mga gamit niya ibinuhos ang nagpupuyos na galit. 


NASA Roxas Boulevard na si Nick at nakahinto sa traffic light nang tumunog ang cell phone niya. Nang sulyapan niya ang LCD ay landline ni Bettina ang numerong nakarehistro doon.

"Yes, Bettina?" pormal niyang sagot.

"Nasa bahay ka ba?"

"No. Sa penthouse kami natulog at nasa labas ako. May kakausapin lang akong tao..."

Ilang segundo ang lumipas na hindi ito nagsalita na binalak na niyang putulin ang linya.

"Masama ang pakiramdam ko, Nick," Bettina said. "I think I'll spend the whole day in my condo. Oh, Nick, I wish you'd—"

Pinutol niya ang sasabihin nito. "Take a leave for a day or two, Bettina. See a doctor. Iyon ang kailangan mo. At huwag mo akong tatawagan kung hindi rin lang tungkol sa trabaho. Anyway, tulad ng napagpasyahan sa meeting kahapon, kay Leandro mo sabihin ang ano mang may kinalaman sa hotel." Hindi na niya hinintay ang isasagot nito at pinutol niya ang linya. 


BUMANGON na si Alaina pagkatapos magising nang isang tawag na wala naman. Must be wrong number. Lumabas siya ng silid at tinungo ang silid ni Zach at kinatok iyon. Ilang sandali pa'y bumukas ang pinto at bumungad si Zach na naghihikab pa.

"Yes, Mom?"

"What do you want for breakfast, honey? We can have room service. Umalis sandali ang daddy mo."

"Hot chocolate and pancake with ham and blueberry jam. Mag-iisip pa ako ng idadagdag." He gave her a sleepy smile.

Alaina rolled her eyes. Dinuro niya ang ilong ng anak. "Maligo ka na muna." Tumalikod na siya at tinungo ang telepono at nagsimulang um-order ng pagkain sa ibaba ng hotel. 


"YES, KURT," sagot ni Nick sa tawag nito ilang sandali pagkatapos niyang i-disconnect si Bettina. Nasa intersection siya at pula ang stoplight. "I'm on my way to your office."

"Naipadala na sa akin ngayon lang ang identity ng tatlong babaeng nakita ni Alaina papalabas ng hotel." Sinabi nito ang pangalan ng dalawa.

"They could be anyone," he said.

"The other one is Asuncion Lauchengco. Ring a bell?"

"No." He shook his head in frustration. Nang bigla'y, "Wait! Pamilyar sa akin ang apelyido." Kinulta ni Nick ang utak para lamang maalala kung bakit pamilyar ang apelyido ng babaeng binanggit ni Kurt.

"She's one of Lance's employees, Nick..."

"What?"

"At the canning factory. Isa sa mga trabahador doon. Sampung taon nang empleyado ng FNC si Lauchengco."

"Hindi ko kilala ang mga empleyado sa pabrika, Kurt. Nakita ko ang video kahapon. Dalawa sa tatlong babae ay printed ang suot. So I focused on the one with short hair. Hindi ko siya namumukhaan. Tatawagan ko ang personnel sa FNC para... wait!" Lauchengco... Lauchengco...

 "No!"

"What?"

"Bettina's middle name is Lauchengco! Bettina Lauchengco Blanco."

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartKde žijí příběhy. Začni objevovat