Natanaw ni Damon 'di kalayuan ang isang babae, tumatakbo ito at sa likuran nito ay may dalawang aswang na humahabol.

Tumalon pababa si Damon, saktong malapit na ang babae at bumangga ang ulo ng babae sa malapad na dibdib niya. Muntik pang matumba ito mabuti nalang maagap siya at nahawakan niya ang baywang nito.

Napahawak ang isang kamay ni Wiena sa dibdib ng lalaking nabangga niya at ang isang kamay ay sa braso nito. Nagtama ang kanilang mga mata, ngunit napaiwas agad ito ng tingin at itinuon ang atensiyon sa dalawang aswang na nasa harapan nila.
Samantala siya, parang tumigil ang inog ng mundo niya habang nakatitig sa guwapong mukha nito.

Inilagay ni Damon ang babae sa likuran niya. At binigyan niya ng matalim na tingin ang dalawang aswang. Napakapangit ng mga anyo. Mabalahibo ang mga katawan, na hugis tao at ang ulo ay kagaya sa baboy-ramo. Pula ang mga matang nanlilisik. Mga ngipin na matatalas at mahahaba, tumutulo sa bibig ang malapot na laway.

Kinuha ni Damon ang espada na nakasabit sa likod, lagi niyang dala ito kahit saan magpunta. Kahit pagligo ay dala-dala niya ito. Tumalon na sumugod ang dalawang aswang. Hinigpitan ni Damon ang paghawak sa espada at sinalubong ang pagsugod ng dalawang aswang. Sa isang iglap lang ay naputol ang ulo ng dalawang aswang. Winasiwas niya ang espada para maalis ang dugo.

Napanganga si Luna at nanlalaki ang mga mata. Ang bilis ng pangyayari, 'di niya akalain na natalo ng ganoon kadali ang dalawang aswang. Kisap-mata, biglang naputol at tumalsik ang ulo ng mga ito.

"Ahhmm, ano... salamat. Nakakamangha ka naman, paano mo nagawa 'yon?" Namimilog ang mga mata ni Luna na sinilip ang mukha ng lalaki.

Hindi sumagot si Damon, tumalikod na siya at naglakad.

"Hoy! Saglit lang!" Sigaw ni Wiena. "Aray!" hiyaw niya nang kumirot ang sugat sa kaliwang hita. Kinalmot ito ng isang aswang dahil pilit siyang nagpupumiglas para makatakas nang mahuli siya, mabuti nalang nakatakas siya.

Napahinto si Damon at nilingon ang babae, nakasalampak na ito sa lupa at hawak ang dumudugong sugat sa hita. Napatingin si Damon sa nagmamakaawang mukha nito. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa sugat at sa mukha nitong nagmamakaawa.

Napabuntong-hininga si Damon at nilapitan ang babae na ngayon ay subrang lapad na ng ngiti. Binuhat niya ito na parang bagong kasal.

Napahawak si Wiena sa pisngi niya dahil ramdam niyang subrang pula na nito. Tinitigan niya ang seryosong mukha ng tagapagligtas. Hindi niya maiwasan humanga sa taglay nitong kakisigan. Subrang tangos ng ilong, makakapal na kilay na iisang linya. Dagdag karisma pa ang mala-supladong mukha nito. Bumaba ang tingin ni Wiena sa mapulang labi nito, napalunok siya ng laway. Ramdam niya ang matitigas nitong bisig na bumubuhat sa katawan niya.

"Baka matunaw ako," saad ni Damon. Iginalaw niya ang itim na mga mata para pahapyaw na tingnan ang babae.

Napahiyang iniwas ni Wiena ang tingin at nainis na napabulong. "Guwapo nga, suplado naman!."

Nakarating na silang dalawa sa baryo biño. Pinagtitinginan sila ng mga tao na may pagtatanong at pagtataka sa mga mata. Isinubsub ni Wiena ang mukha sa dibdib ni Damon dahil 'di niya makayanan ang paraan ng patitig ng mga tao.

"Simon!" Pasigaw na tawag ni Damon. Lumapit agad ang tinawag na Simon. "Gamutin mo siya," utos niya. At binaba ang babae sa silya, para umupo doon.

Magrereklamo pa sana si Wiena pero pinili nalang niya manahimik.
Nang matapos magamot ang sugat ni Wiena, may babaing lumapit sa kanya.

"Kaya mo bang maglakad?. Ako nga pala si Miya," nakangiting pakilala ni Miya.

"Oo. ako si Wiena," naiilang na sagot ni Wiena. Kinamot niya ang gilid ng kilay at alangang ngumiti.

"Tara, samahan muna kita sa kubo. Doon ka muna kumain at para makapagpahinga ka."

"Sige, salamat."

Paika-ika na naglakad si Wiena habang inilibot niya ang paningin. Iilan lang ang mga taong naninirahan dito, hindi tulad sa bayan na napakarami. Ang mga bahay ay gawa lang sa pawid, mula sa dingding at bubong. Hinanap ng mga mata niya ang lalaking nagligtas sa kanya, ngunit bigo siyang makita ito.

Huminto sa paglalakad si Miya at itinuro ang isang kubo, na nakabukas ang pintuan.
"Dito, pasok kana sa loob. May mga pagkain na diyan, tawagin mo nalang ako kung may kailangan ka."

"Sige salamat, Miya." Pumasok sa loob ng kubo si Wiena at inilibot ang tingin. Wala masyadong kagamitan sa loob. Isang lamesa, dalawang silya, isang kabinet at isang papag.

Nang makita ni Wiena ang mga pagkain sa lamesa, biglang tumunog ang tiyan. Natatawang umupo siya sa silya at napalunok ng lawat. Inihaw na manok, inihaw na isda at mga prutas ang na sa hapag.

Pagkatapos kumain ni Wiena ay nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan. Noong una ay pinipigilan niya na umihi dahil tinatamad siyang lumabas. Ngunit puputok na ang pantog niya kakapigil. Paika-ika siyang lumabas, at inilibot ang paningin sa paligid na walang katao-tao.

Nainis si Wiena nang hindi makita ang banyo, nahiya naman siyang kumatok sa mga kubo para itanong kung saan ang banyo. Nagpasya siyang pumunta sa kakahuyan at doon umihi.

"Anong ginagawa mo dito?"

Napatili at dali-daling itinaas ni Wiena ang pangbaba na kasuotan.

"Ano ka ba!? kita mong umiihi 'yong tao! nambubuso ka ba?!" Galit na sigaw ni Wiena.

Napataas ng kilay si Damon at ngumisi. Napanganga si Wiena nang makita kung paano ngumingisi si Damon, 'di niya akalain na mas lalo itong nagiging guwapo kapag nakangisi.

"Kababae mong tao kung saan-saan ka umiihi, para kang aso na kung saan lang maisipan umihi." Nakangisi at umiling-iling na saad ni Damon, na parang desmayado.

Namula sa galit at pagkapahiya si Wiena.
"Hoy! Ang kapal mo naman 'di ko lang nakita ang banyo niyo! nahiya lang ako kumatok dahil tulog na sila!"
pasigaw na saad ni Wiena.

Ngunit tinalikuran lang siya ni Damon at 'di pinansin ang mga sinabi niya.

Hahamakin Ang LahatWhere stories live. Discover now