Chapter 1

2 0 0
                                    

CHAPTER ONE

“IKAW , BABAE, bukal ba sa iyong puso ang pagparito upang makaisang dibdib ang lalaking ito na iyong pakamamahalin at paglilingkuran habangbuhay?”

“Opo, Padre.”

“Ikaw naman, lalaki, bukal ba sa iyong puso ang pagparito upang makaisang dibdib ang babaeng ito na iyong pakamamahalin at paglilingkuran habangbuhay?”

Hindi humihinto ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso sa kaba, malakas na kabog ng dibdib na nauuwi sa sobrang sakit, habang hinihintay na sumagot ang lalaking mahal niya.

Lumingon ang binata sa paligid, tiningnan ang bawat taong naroon sa loob ng simbahan para saksihan ang pinaka-malaki at magarbong kasalan, hanggang ang tingin nito’y dumako na sa kaniya.

Kita nang dalaga sa mga mata nang lalaki ang sakit at lungkot pero nangingibabaw roon ang kasiyahan at pagmamahal.

“I do.”

Doon na tuluyang tumulo ang luha sa mga mata nang dalaga kasabay ang tila pagtusok at pagpiga sa puso niya dahil sa sobrang sakit.

“You may now kiss the bride.”

“I’m sorry…” nabasa niya mula sa labi nito bago itaas ang veil.

Hindi kinaya nang dalaga. Patakbo siyang lumabas ng simbahan.

Hindi niya na kayang panuorin ang lalaking mahal niya na masayang ikinakasal sa iba. Masaya siya para dito pero kapalit naman niyon ay pighati sa kaniyang parte. Masaya siyang nakamit na nito ang babaeng minimithi habang siya’y heto nakakulong pa rin sa pagmamahal para sa lalaking ni minsan ang pagmamahal niya’y hindi nakayang suklian.

Sa kaniyang pagtakbo palayo, napadpad ang dalaga sa isang parke kung saan nakatayo ang lalaking ni minsan sa buhay niya’y hindi naisip na iiyakan at pagsasabihan niya ng masasakit na nararamdaman.

Sa aking pagtakbo’y siya ang aking nabangga, nasumpungan, ang lalaking magpaparamdam sa akin na ako naman pala’y kamahal-mahal.


NAGISING si Sep dahil sa malakas na pagyugyog sa kaniyang balikat. Namulatan niya ang kaibigang si Lyn na nakatunghay sa kaniya nang may pag-aalala.

“Kanina pa kita ginigising dahil sa kakaiyak mo diyan.” Anito.

Naupo siya sa kamang kinahihigaan saka marahas na pinahid ang luhang patuloy pa ring tumutulo at kumakawala sa kaniyang mga mata. Tila ba hindi ito napapagod sa kakatubig kahit na dalawang linggo na ang nakalipas mula ng mangyari iyon.

Ramdam niya sa kaibuturan nang kaniyang puso ang paulit-ulit na sakit ganoon rin ang pinong kurot. Kailan ba maalis ang sakit? Ayaw na niya.

Sa kabila ng lahat nang kaniyang ginawa at ipinadama sa lalaki ay nagawa pa rin siya nitong ipagpalit. Sabagay, wala naman itong sinabing susuklian ang lahat ng ginawa at pagmamahal niya.

Kaya heto siya’t naghihinagpis sa one-sided love na nararamdaman.

“Magbakasyon ka kaya muna, September.” Suhestiyon ni Lyn, bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha.

Umiling si September. Ayaw niya. Ayaw niyang takasan ang sakit. Ayaw niyang magbakasyon at mapalayo sa lalaking mahal, na may mahal nang iba, kasal na sa iba.

“Bakit?” kunot-noo na na usisa nang kaibigang dalaga. “Ayaw mong mawala sa paningin mo ang lalaking kahit kailan ay hindi ka pinahalagahan? Hindi naman sa lahat ng oras, lalo na ngayon na kasal na si Rico, ay ikaw pa rin ang aasahan niya?”

Rico is her best friend. At mahal na niya ito simula pa lamang ng sila’y nag-aaral. Hindi lingid iyon sa kaibigang lalaki, wala man itong sinasabi at hindi kinumpirma na may pag-ibig rin, naniwala siya.
Pinaniwala ang sarili.

Kaya ngayon, heto siya at nagdadalamhati sa kaniyang namatay na pag-ibig nang ikasal si Rico sa long time girlfriend nito.

“Ayoko. A-ayaw kong masabi niya na apektado ako.” Mahinang wika ni Sep saka muling humiga sa kama.

Galit na umungot si Lyn, tumabi sa kaniya. “At hindi nga ba?”

“Hindi.”

“Kaya pala ngalngal ka diyan!” singhal nang kaibigan.

Hindi niya ito tinapunan ng tingin. Bumangon ang dalaga sa kama saka nagtungo sa banyo upang maligo at ipagpatuloy ang masakit na araw na nag-aabang sa kaniya.

“Mauuna na ako sa iyo sa labas. Magbubukas pa ako ng karinderya.” Paalam ni Lyn sa kaniya. Bahagya pa itong kumatok sa pinto ng banyo.

Ang totoo’y tig-isa sila ni Adelyn ng kwarto sa bahay. Pinilit niya ang kaibigan na sa kaniya na lamang tumira dahil wala siyang kasama sa bahay lalo na at nasa Maynila na ang kapatid at may pamilya na roon. Ang iba naman niyang kamag-anak, pinsan, tiyahin at tiyuhin ay nasa iba’t ibang parte ng bansa at ibang bansa.

Siguro’y narinig nito ang kaniyang pagtangis kaya niya ito namulatan sa kaniyang silid.

“Sige.” Mahinang tugon niya, hindi sigurado kung narinig ba nang kaibigan o hindi.

Habang kinukuskos at sinasabon ang katawan ay natuon ang tingin ni September sa kaniyang kanang dibdib. Naka-tattoo roon ang pangalan nang lalaking sinisinta. Tapat sa puso. Rico Enriquez.

Pinag-iisipan pa niya kung ipapabura ba niya ito. Hindi alam nang binata na ipina-tattoo niya ang pangalan nito sa kaniyang dibdib dahil sa labis na pagmamahal. Ngayo’y nag-iisip ang dalaga kung ipapabura o hahayaan na lamang ito roon.

Malakas siyang bumuntong-hininga saka tinapos ang pagliligo saka nagmamadaling nagbihis, hinagilap ang mga gamit bago lumabas ng bahay.

Habang naglalakad patungo sa waiting shed na pinaghihintayan niya nang sasakyan papasok ay tumunog ang kaniyang telepono.

Ang kapatid niyang panganay ang tumatawag.

“Ate? Kumusta?”

[“Ayos naman kami rito, Sep. Ikaw diyan? Maayos na ba ang pakiramdam mo?”] nahihimigan niya ang tila itinatagong pag-aalala sa boses nang kapatid.

“Ayos lang ako, Ate April.” Bumuntong-hininga si Sep habang dahan-dahang naglalakad, sinisipa sa daan ang bawat maliliit na batong nakikita. “Maayos ako. Ayos lang ako,”

[“Magbakasyon ka kasi muna rito, September. Magpahinga ka naman.”] nagsisimula ng tumaas ang boses nang Ate niya. [“Wala ka namang pamilyang binubuhay, September! Mabubuhay ka rin naman dito. Hindi naman kita pababayaan rito.”]

“Nabubuhay rin naman ako dito, Ate. Maayos naman ang sahod ko sa Grocery Store na pinapasukan ko.”

Isa siyang cashier sa Grocery Store na nasa kabilang barangay. Ang Banderas Grocery Store. Maayos naman ang sahod at ang pakikitungo nang may-ari.

[“Hindi naman iyon, Sep. Ang akin lang magbakasyon ka rin kahit papaano. Huwag mong sayangin ang magandang oportunidad na naghihintay sa’yo dito sa syudad. Sayang naman ang degree mo sa accountancy kung diyan ka rin lang sa probinsiya.”]

Pinara ni September ang paparating na tricycle habang kausap pa rin ang kapatid. Nang tumigil ang sasakyan ay mabilis siyang sumakay, hindi napansin ang lalaking nakasakay na rin sa loob, dahil abala siya sa kausap sa selpon at pagbibilang ng barya sa wallet.

[“Magbakasyon ka rito, hah! Padadalhan kita ng pamasahe kung nanghihinayang ka sa pamasahe mo.”] patuloy na pahayag nang kapatid nang dalaga.

“Ate, hindi. Hindi sa nanghihinayang, ano, sandali nga… Kuya baya—”

Hindi naituloy nang dalaga ang pag-aabot ng bayad sa driver dahil naunahan na siya nang lalaking katabi sa loob ng tricycle.

“Dalawa, Brad. Sa Grocery Store at doon sa talyer.” Wika nang lalaki.

Nagtaka si Sep dahil silang dalawa lang naman nang binata ang nakasakay pero dalawa ang ibinayad nito. Naiiling na muli niyang iniabot sa driver ang kaniyang bayad. “Kuya, bayad ko po. Sa Banderas Grocery’s.”

Hindi kinuha nang driver ang bayad niya, sa halip ay ngumisi ito at sumulyap sa lalaking katabi niya sa loob ng tricycle. “Bayad na, Miss.”

“Po?”

Napapikit ang dalaga nang magsalita ang lalaki sa kaniyang tabi. Damn that husky and deep voice.

Hindi pa rin niya nililingon ang binata para makita at makilala ang mukha nito. Nahihiya siya.

“Binayaran ko na, Sep.”

But as he said that, doon niya na ito nilingon at nahigit ni September ang kaniyang hininga nang makilala ang lalaki. Viktor Banderas. The handsome, heartthrob man of their barangay. Ang lalaking sikat na sikat sa halos lahat nang kababaihan. At anak ng may-ari ng Grocery Store na pinagta-trabaho-an niya.

“Ito,” iniabot niya sa lalaki ang pamasahe niya. “bayad ko.”

Halos lumabas sa kaniyang rib cage ang puso niya nang maliit itong ngumiti saka itinulak ang kamay ni Sep. “Hindi na. Libre na kita.”

“S-salamat…” aniya saka bumaba na sa tricycle ng huminto ito sa harap ng Grocery Store.

Tumango ang binata saka kumaway sa kaniya na sinuklian nang dalaga ng kiming ngiti. Bago tuluyang makalayo ang sasakyan ay narinig pa niya ang hiyaw nang driver tila tinutukso si Vito.

Sa totoo lang naman ay talaga namang gwapo ang binata. Moreno ang kulay nito. Matangkad at matangos ang ilong. At talaga namang nakakakaba kapag natitigan ka ng kulay dark brown nitong mata na halos maging kulay itim na.

Hawak ang dibdib at nangingiting pumasok si September sa grocery store. Sandali niyang nakalimutan ang sakit na dalawang linggo na niyang inaalagaan.


“ANO, Vito, ang lawak nang ngiti mo, ah?” Panunukso nang katropa niyang si Joshua nang makababa siya sa tricycle nito.

“E ano naman?” nakangising turan nang binata. Masaya lamang siya dahil nakasabay niya ang babaeng lagi lamang niyang tinatanaw noon sa malayo.

“Nakasabay mo, ‘e.” patuloy na panunukso nang katropa.

“Bahala ka na nga diyan.” Iniwan niya ito at pumasok sa loob ng talyer para kausapin ang may-ari. Kukunin niya kasi ang motor na pinaayos niya noong nakaraang linggo.

A-attend dapat siya ng kasal nang pinsan niyang si Rico pero nasira ang motor niya kaya hindi siya nakaabot. At laking pasalamat niya noong panahon na iyon dahil tila ba talagang itinulak nang tadhana na masiraan siya at tumambay sa parke na malapit sa simbahan kung saan nagaganap ang kasalan.

Nagkaroon ang binata nang pagkakataon na makausap at mayakap ang dalaga. Si September. Kaya hindi na niya palalampasin. Binigyan na siya nang tadhana nang pagkakataon at iyon ang gagawin niyang daan para lalong mapalapit pa sa dalaga na matagal na niyang pinapanuod lamang sa malayo.

Kumatok si Vito sa salaming pinto nang opisina nang isa pa niyang katropa na si Edgar, ang may-ari ng talyer, saka siya tumuloy papasok.

“Oh, Brad, kukunin mo na motor mo?” tanong nito nang makaupo si Vito sa upuan sa loob ng opisina.

Itinaas niya ang paa sa katapat na silya saka inihilig ang katawan at ipinikit ang mga mata upang balikan sa balintataw ang mukha ni September ng makasabay niya ito sa sasakyan.

“Ano? Pupunta ka lang rito para ngumiting parang baliw diyan.” Singhal nang kaibigan niyang binato pa siya ng kinuyumos na papel.

“Hayaan mo, Ed, tuwang-tuwa lang ‘yan dahil nakasabay ang babaeng trip na trip niya. Binayaran pa nga niya ‘yong pamasahe.” Wika nang boses na kapapasok lamang ng opisina. Si Joshua, sumunod pala sa kaniya.

“Si September? Naku, broken hearted nga pala ‘yon dahil sa ikinasal na ang lalaking mahal no’n.” banat pa ni Edgar saka binato na naman siya ng papel.

Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nila na may gusto ang dalaga sa pinsang niyang si Rico. Sakto nga na umalis ito sa simbahan at tumakbo sa parke ay naroon ang binata kaya naman siya ang umalo dito.

“Alam mo, Vito, hindi naman masamang umibig ka, Hijo,” animo matandang payo ni Joshua. “Pero siguraduhin mo munang may pag-asa ka.”

“Bakit kaya hindi ka na lang mamasada at ng may pang-date kayo nang syota mo? Hindi ‘yong pinakikialaman mo ako sa diskarte ko?” maangas na ani Vito sa kaibigang si Joshua na tumawa lamang. Bumaling siya kay Edgar na tumatawa rin. “Kukunin ko ‘yong motor ko. Papasok ako sa Hacienda bukas.”

“Naroon sa garahe sa likod. Kunin mo na lang.” sagot nito bago ihagis sa kaniya ang susi.

Tumayo na siya saka inilagay sa bulsa ang susi nang kaniyang motor. Bago tumalikod ay, “magkano ang damage ko?”

“Two-Five lang.”

“Bakit ang mahal naman?” angal ni Vito.

“Pinalitan ko ‘yong mga cable at pininturahan ng bago.” Anitong masama ang hilatsa ng mukha. “Mura na nga ‘yon.”

Ngisi na lamang ang isinagot niya sa kaibigan. “Utang muna.”

“Anak ng!”

Bago tuluyang makalabas ay narinig pa niyang pagmumura ni Edgar at ang malakas na halakhak ni Joshua.

Iiling-iling na nagtungo siya patungo sa garage na nasa likod ng talyer. Garahe iyon na para lamang sa may-ari at para sa kanilang magkakaibigan.

Nakita niya roon ang kaniyang Yamaha YZF-R1 na kulay blue na ngayon dahil sa bagong pintura ito. Dati ay kulay itim ito ngunit nagasgas minsang maaksidente siya dahil sa pagmamaneho ng nakainom.

Medyo may kamahalan ang presyo nang motor pero dahil sa gusto niya ay nag-ipon siya. Tinipid ang sarili sa mga bisyo at tropa. Nagtrabaho rin nang lagpas sa tamang oras para makaipon at mabili ang motor na kaniyang nais.

Isa pa kaya’t na-engganyo siyang bumili ng motor ay upang may maipagyabang sa dalagang iniibig. Sabi kasi ni Joshua ay dagdag ‘pogi points’ raw kapag may motor at sasakyan.

Sinuri niyang mabuti ang motor, may hinahanap. At natagpuan naman niya sa ibabaw ng tangke nang motor malapit sa manibela.

Ang pangalang, ‘September’.

August

Holding On Loose Ends (ONGOING)Where stories live. Discover now