Nandito na rin nakatira ngayon si Ate Lina, ang fifty-year-old na nanay ng caretaker nitong bahay. Kinuha na ito ni Hugo na stay-in helper para may makakasama at makakatulong ako, dahil nga palagi siyang nasa Manila at tuwing weekend lang makakauwi.


Galit na galit naman si Mommy Norma nang malamang hindi matutuloy ang honeymoon namin ni Hugo sa Maldives. Nagalit ito dahil inuna ng anak ang trabaho. Ako na lang ang nagpakalma rito.


Naiintindihan ko naman kasi na hindi naman ginusto ni Hugo na magkaroon ng problema sa site. May mga insidente talaga na hindi inaasahan. Nangako naman si Hugo na kahit hindi kami matuloy sa Maldives ay aalis pa rin kami, at isasama namin si Hyde.


Na-enjoy ko naman ang pagtira namin sa bago naming bahay. Talagang inari ko na ang bahay ni Hugo bilang bahay ko na rin. Araw-araw ay nagliligpit ako ng mga gamit. Aliw na aliw ako at hindi ako mapakali sa pag-aayos.


Sinamahan ako ni Mommy Norma na mamili ng mga bagong gamit. May mga regalong gamit din sa kasal kaya nalilito na kao kung saan ko pa isasalpak ang iba. Iyon ang pinagkakalibangan ko araw-araw kapag wala akong online work at tanggap ng commission.


Nakakalungkot lang talaga dahil wala si Hugo. Bago ang kama namin sa master bedroom hindi pa kami nagkakatabi roon. Hindi naman siya pumapalya na tumawag sa gabi para mangumusta, kaya kahit paano ay masarap ang nagiging tulog ko.


Si Hyde naman ay nasa adjusting period pa rin. Naninibago ang bata sa bahay, at higit lalo sa bago niyang kuwarto. Nalalakihan daw siya roon. Hindi rin siya masanay na may sarili siyang TV. Ibinili kasi siya ng Lolo Manuel niya ng 75" na QLED TV at set of video games.


Sobrang spoiled ngayon ang anak ko. Minsan ay kahit hindi kailangan ni Hyde ay ibinibili sa kanya ng mga magulang ni Hugo. Hindi naman ako makareklamo dahil alam kong iyon ang kaligayahan ng lolo at lola niya. Ngayon na lang bumabawi ang mga ito sa apo.


Napapadalas din ngayon pagdalaw sa amin ng best friend ko na si Dessy. Halos tuwing hapon na pumupunta rito ang babae. Minsan pa ay nagugulat na lang ako na susunduin ko pa lang si Hyde sa school nito ay nasundo niya na pala.


Mula kasi nang lumipat kami rito ni Hyde ay hindi na nag-i-school service ang bata. Ako na ang sumusundo rito gamit ang kotse na pahiram sa akin ni Hugo. At iyon nga, paalis pa lang ako para sunduin si Hyde ay parating na pala ito kasama si Dessy. Katulad ngayong gabi, nandito ulit si Dessy. Siya ulit ang sumundo kay Hyde kanina sa school. Wala naman daw kasi siyang ginagawa kaya okay lang sa kanya na magsundo.


"Mommy, pupunta na po ako sa room ko," paalam ni Hyde sa akin matapos naming kumain ng dinner.


Palabas kami ng kusina at nandito pa si Dessy. Nakasunod ang tingin niya sa paakyat na bata sa hagdan. "Hyde is growing up so fine."


"And he's growing up too fast." Naupo ako sa sofa. Ang tangkad na talaga ni Hyde para sa edad na ito. Hindi pa ito circumcised sa lagay na iyon.


"Bakit parang hindi umuuwi si Hugo?" biglang tanong ni Dessy sa akin. Tinabihan niya ako sa sofa.


South Boys #4: Troublemakerजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें