Nakita ko 'yung mga naglalaro sa court, napatingin ang mga ito sa direksyon namin at sinigaw ang pangalan ni Tope. Lumapit naman agad si Tope sa mga iyon habang ako naman ay tumitingin sa paligid.



Napatingin pa ako sa direksyon nila Tope, they are looking at me. Tumingin din sandali sa'kin si Tope pero binaling agad sa kausap niyang lalaki. Iyon 'yung lalaking sinungitan ko.

Hindi ako lumapit sa kanila, at naupo lang sa isang bench dito. Nagsimulang maglaro ang ilang boys na kaibigan ni Tope at 'yung Girls naman ay naka-upo sa bandang gilid ng stage habang nagkukwentuhan.



"Althea, i-message mo na kasi si Rei. Kanina pa tayo dito, late na nga dumating si Tope dadag pasya." Naiinis na sabi nong babaeng maikli ang buhok.



Iritado naman na tumingin naman 'yung tinawag niyang althea, nasa baba ito banda ng stage sa hagdan. "Ito na nga oh, ang dami ko nang message hanggang ngayon wala pang reply."




"Tignan mo si Cherry, bagot na bagot na oh, hindi niya pa hanggang ngayon na sisilayan ang crush nya." Sabi naman nong babaeng may kataba-an, habang tinuturo pa 'yung babaeng nakapahalumbaba habang nakatitig sa nga naglalaro.



Dinig ko 'yung usapan nila dahil hindi naman talaga kalayuan ang pwesto ko sa kanila. Sandali pa akong napatigil nong mahagip ng mata ko 'yung pagtingin nila sa'kin.


Nagbulungan 'yung Althea at 'yung babaeng may kataba-an. Nagtawanan sila sandali. Napairap ako. Obvious naman ako ang pinagbulungan nilang dalawa.




"Susungitan ka lang niyan, katulad ng ginawa niya kay Renz." 'Yung maikling buhok.









Sandali kong kinuha ang Cellphone ko at pinicture-an ang paligid, magma-myday ako. kumuha din ako ng picture ko ng pasimple.

Iposted it as my story. Wala pang isang minuto ng may message akong matanggap, it was nicole.

'Boring?' sabi niya sa message, nakabusangot kasi ako don sa may story ko.


'yeah, this place is boring' I replied. Tumawa siya sa kanyang message,

'See you soon, hoping you are here also.'


Yon na lang ang usap namin dalawa at naputol na. Maya-maya pa ay may lumapit sa aking pwesto 'di ko kagad iyon na pansin si Tope pala nong mag-angat ako ng tingin.



Inilahad niya sa'kin 'yung isang slice ng pizza habang nakabalot ito ng tissue, may hawak din sya sa kabila nyang kamay na disposable na baso, inilahad niya din sa'kin iyon.



"Kuhanin mo na." Nan don pa din 'yung iritado niyang boses.



Kinuha ko na lang iyon at nilapag 'yung disposable na baso sa tabi ko habang hawak ko naman 'yung slice ng pizza.




"Sabi ko naman sayo, 'wag kana sumama eh."



"Yuh! Dapat nga, pinagchi-chismisan ako ng mga kaibigan mo." Nginuso ko 'yung mga babae kanina na ngayon ay nakikipag tawanan na sa mga kaibigan nila na lalaki.



Hindi naman sya nagsalita, pero salubong ang kilay niya. Binaling niya ang tingin niya sa kanyang cellphone.




"Tope! Tara." Tawag nong lalaking may pagkakulay brown ang buhok. Sumenyas naman si Tope dito ng sandali.




"Dito ka lang?" Baling nito sa'kin.







"Wala naman ako gagawin dyan, hindi ko din naman close mga 'yan."




Stripping with his Seduction (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon