Epilogue

39 3 0
                                    

Gelo Dela Peña

2:41 AM

Marleen :

Gelo alam kong tulog ka na ngayon pero may gusto kasi akong sabihin sa'yo

Gelo :

Hindi pa

Gising pa ako

Marleen :

Hala bakit gising ka pa ng ganitong oras? Gabing gabi na ha

Gelo :

May binabasa pa kasi ako

Ikaw bakit gising ka pa? Saka ano ba iyong sasabihin mo?

Ang importante siguro niyan, hindi ka makatulog eh.

Marleen :

Gelo sorry 🥺

Alam kong malaking favor 'to para sa'yo pero please wag ka nang magalit sa akin

Gelo :

Wag magalit? Ni hindi nga ako galit sa'yo

Marleen :

Kahit iniwasan at tinaboy kita ng ilang araw hindi ka pa rin galit sa akin?

Gelo :

Actually it's 3 weeks and 4 days mo na akong iniiwasan

Marleen :

Galit ka?

Gelo :

Nagtamtampo, oo. Kasi ayaw mo akong kausapin ng maayos tapos inaaway mo pa ako kapag nagkikita tayo o susubukan kong lumapit sa'yo

I just wanted to talk to you and know what the problem is. Kasi okay naman tayo diba o baka akala ko lang iyon?

Nakaraan pa ako nababaliw sa kakaisip kong anong problema, kung anong maling ginagawa ko

Marleen :

Wala naman eh. Wala kang maling ginawa Gelo

Saka isa pa. Nasa sa akin iyong problema, wala sa'yo kaya napagdesisyonan kong umiwas nalang muna

Akala ko nga magagalit ka o kaya naman hahayaan mo nalang ako at pipiliing iwasan nalang din pero bakit hindi mo ginawa?

Gelo, okay lang sa akin kahit magalit ka dahil sa ginawa ko, kahit nga mainis ka pa sa mukha ko sa tuwing magkikita tayo promise maiintindihan pa kita

Pero wag mong tagalan magalit ha?

Gelo :

Mas maiintindihan ko kung sasabihin mo sa akin kung anong problema

Leen makikinig ako sa'yo. Kahit ano pa iyan

Marleen :

Iniwasan kita kasi sobrang nahihiya ako sa'yo.

Gelo, I failed.

Gelo :

Saan?

Unexpected Confession (Epistolary)Where stories live. Discover now