Hilaw akong ngumiti at tumango sa kanya. Ito na nga ba ang sinasabi ko. People would surely treat me differently once they learned I'm Xaiver's wife. Mas magandang hindi nila alam habang binubuo ko pa lang ang relasyon at koneksyon ko sa kanila.

"Good morning din po, Mrs. Legaspi," bati ko pabalik.

"Joseph informed me you're reporting to work today. Ako na mismo ang magbi-brief sa 'yo ng mga gagawin mo. I hope it's okay?" Medyo may pag-aalangan ang kanyang tono. She was obviously walking on eggshells while talking to me.

"Okay lang po syempre!" Bahagya akong tumawa upang mawala ang tensyon sa pagitan naming dalawa. "Thank you for taking time po."

Maagap siyang umiling, halatang kabado pa rin. "It's my pleasure, Mrs. Dela Vega," sabi niya. "Come along. I'll show you to your table."

Bago pa makagalaw si Mrs. Legaspi upang pumasok sa loob ng department, hinawakan ko ang kanyang braso upang mapigilan siya. Her eyes widened. Mukha siyang takot at mas lalong dinapuan ng kaba.

"Bakit p-po?"

My lips parted to see her so wary of me. Mabilis kong kinagat ang labi ko saka binitiwan ang braso niya. "Uhm... Baka puwedeng Chantal na lang ulit ang itawag mo sa 'kin, Mrs. Legaspi," pakiusap ko. "Calling me by my husband's surname is too formal and intimidating. Chantal na lang po. At kung hindi pa po alam ng ibang kasamahan ko, mas mabuting huwag na lang po munang sabihin."

"Well, I can't assure you na wala silang alam tungkol sa relasyon mo with Mr. Dela Vega. It's all over the news, but... I can surely tell them not to treat you differently, uhm, Chantal."

Kahit papaano, guminhawa ang pakiramdam ko sa pagsikap ni Mrs. Legaspi na tawagin ako gamit ang aking unang pangalan.

"Ayos na po ako roon. Thank you." Tipis akong ngumiti.

Nang magkasundo kami ni Mrs. Legaspi, we went inside the office. The Finance Department was big and spacious enough to house more than thirty employees. Sa laki ng DVH at sa daming subsidiaries under nito ay hindi na ako nagulat. Nasabi ni Mrs. Legaspi na may sarili din kaming lounge slash pantry kung saan puwedeng magmeryenda o magpahinga. She isn't strict or uptight with her subordinates unless they have deadlines to meet, which was very understable.

Pagkapasok sa loob, iilan lang ang napalingon sa akin. The rest were already busy with work. Ngunit ang mga nakilala ako ay agad naging conscious sa kanilang mga sarili. I even caught most of them alerting the ones who weren't aware of my presence.

I bit my lip and felt dismayed. Ang bagay na ayaw kong mangyari ay nangyari na. Tahimik akong sumunod kay Mrs. Legaspi. Parang nawalan ako ng gana sa unang araw ng trabaho gayong excited pa ako kagabi hanggang kaninang umaga.

Hindi na ako pinakilala ni Mrs. Legaspi sa lahat ng staff. Diretso kami naglakad papunta sa aking lamesa. I sighed in relief to see it was the same cubicle as the other ones have. Ayaw kong naiiba lalo na't pare-pareho lang naman kami ng estado sa trabaho. I'm not the department head to have a huge office table and an exclusive office.

Mayroon akong katabi sa cubicle. The woman seemed to mind her own business. Naka-earphones siya habang nagtatrabaho. Kahit kasisimula pa lang ng office hours ay parang madami na siyang nagagawa.

"This will be your table from now on. Ang workload at task mo ay ise-send ko through your company email. Here's your access." May inabot ng note si Mrs. Legaspi para makuha ko ang account ng aking company email.

I already had one when I was still Xaiver's secretary. Naintindihan ko namang kailangan ko ng bago dahil iba na ang post ko at kalahating taon din akong nawala.

"I'll leave you to prepare for work. If you need anything, don't hesitate to approach me. Nasa opisina ko lang ako," sabi niya. "Kung may hindi ka maintindihan sa trabaho, Cess will be here beside you to help."

Play PretendWhere stories live. Discover now