Chapter Twenty-one

Começar do início
                                    

Sa peripheral vision niya ay nakita niya si Zach na nakamasid. Sa wari ay palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ng piloto.

"Mom..." Zach said. Pero tila nanggagaling sa malayo ang tinig nito sa pandinig niya. "Mom,are you all right?"

"I-I am... all right..."Her arms flailing. Naghahanap ng maha-hawakan. A feeling of deja vu awashed her. Something flashed her mind. She was falling. Falling into the abyss. Pero hindi nakatagal ang malabong imahe. Pinangibabawan iyon ng takot... ng matinding takot. There had been pain. And terror. And she was petrified.

"Mom!"

Ang huling nasa isipan niya bago siya tuluyang sakupin ng karimlan ay ang braso ng piloto na sumakop sa kanya bago siya bumagsak sa lupa.


NICK was pacing the floor. Hindi malaman ang gagawin. Wala pang isang minuto mula nang saluhin at buhatin niya si Alaina at ipasok sa bahay at ilapag sa divan. He even thought that he'd shame himself and injured them both kung maibabagsak niya sila ni Alaina sa lupa.

Nanginginig ang buong katawan niya habang pangko niya ang asawa. Tila bibigay ang mga tuhod niya.

Oh, god, it was Alaina!

Hindi niya matiyak ang gagawin... ang iisipin... ang daramdamin. He wanted to take her straight to Manila. Dadalhin sa ospital. Pero inawat siya ni Zach.

Hindi niya malaman kung tatawa siya o iiyak. O hihiyaw sa galak o magpa-panic. He had always dreamed of Alaina coming back to his life. Subalit, sa paglipas ng mga taon, naging isang pangitain na lamang iyon ng nagdurusa niyang puso.

Hindi niya naihanda ang sarili niya sa ganitong pagkakataon. Nitong nakalipas na mga taon ay natutuhan na niyang tanggapin ang katotohanang hindi na magbabalik si Alaina sa buhay nila ni Drew.

"Dad, maupo ka. Nahihilo ako sa iyo."

Dad.

The word melted his heart. Sa kaibuturan ng puso niya ay naroon ang malaking pasasalamat na napakadali siyang tinanggap ni Zach bilang ang tunay nitong ama. Though Zach had been quiet throughout the trip from Alta Tierra to Isidro.

He had a son! His heir. Nang mag-celebrate si Drew ng ikaapat na taon nito, sila ni Alaina ay nagsimula nang magplano na sundan ito. Hindi mahalaga kung lalaki o babae ang magiging kasunod nilang anak, as long as the child was healthy.

Subalit ang magkaroon ng anak na lalaki ay isang gantimpala. Nick, in his heart, had certainly wanted a son. Pero hindi niya iyon isinatinig kay Alaina.

Now he had a son. He had gotten his wife pregnant after seven long years! Anak na lalaking ngayon lamang niya nalaman makalipas ang maraming taon. At tulad ng una, he hadn't been there for Alaina when she had Drew. His heart was breaking and the pain seemed to be intolerable.

Mula sa divan ay umungol si Emmy/Alaina.

"Nagkakamalay na siya," ani Zach.

Sa dalawang hakbang ay nasa gilid ng solihiyang divan si Nick at naupo roon. Ginagap niya ang kamay ni Alaina at ikinulong sa mga palad niya. He wasn't even aware that he was clutching Alaina's hand too tightly.

Sa ilang sandaling wala itong malay ay nasuri ni Nick ang kabuuan ng asawa. Nakita niya ang pilat sa gilid ng noo nito na humati sa kilay nito; ang mga malalabong pilat nito sa braso at sa binti.

Ano ang pinagdaanan ni Alaina? Paano ito nakarating sa lugar na ito? Maraming mga tanong sa isip niya ang wala siyang mahagilap na kasagutan. Lalo lamang tumitindi ang sakit na nangingibabaw sa dibdib niya. Subalit sa pagkakataong iyon, ang sakit at pait ay nahahaluan ng walang kapantay na galak.

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartOnde histórias criam vida. Descubra agora