Chapter Twenty

Magsimula sa umpisa
                                    

"This is a hoax! And if ever, a cruel one!"

"Bukas," ani Franco, "ay ihatid mo si Zach sa kanila at kilalanin ang kanyang ina. Kung tatanungin mo ako ay gusto ko ring sumama. Pero alam kong gusto mong gawing mag-isa ang bagay na iyan."

"Naisip ba ninyo na baka gawa-gawa lamang ang lahat ng ito? Modern technologies can make this picture—"

"Si Mommy ang nasa wallpaper ko!" Zach's voice rose in controlled anger.

Paggalang sa nakatatanda na siyang idiniin ng mga magulang sa kanya ang pinairal ni Zach sa mga sandaling iyon. And he had nothing against the older Navarros. They were so nice to him. Hindi niya gustong maging bastos sa paningin ng mag-asawa.

"It had been there since I had the cell phone as a gift from my father three years ago!" Sa mismong araw ng unang taon niya sa high school ay iniregalo ni Philip ang cell phone sa kanya.

Lahat ng mga mata ay nakatuon sa binatilyo. Nakita ni Nick ang magkakaibang emosyon sa mukha nito. Kalituhan, pagkamangha, at marahil ay galit sa pagdududa niyang nanloloko lang ito.

"Hindi ninyo kailangang ihatid ako sa amin bukas. I can go home alone and forget all about this mess! I am sorry if I cause you this agony, Mr. Navarro. And please, sana ay hindi ninyo guguluhin si Mommy. Natitiyak kong matatakot siyang harapin kayo..."

"Matatakot?" Halos magkasabay na sabi ng mag-asawa. "We only want to meet her, Zach. Atmas gusto kong si Nick ang makipagkita sa kanya."

Umiling si Zach. "She's always afraid. Scared of something..." ani Zach sa mababa nang tinig. "And the only one who had been there for him had just died." Idiniin nito ang huling sinabi. Kapagkuwa'y nilingon si Nick. Tumiim ang mga bagang ng binatilyo.

"Kung guguluhin ninyo ang buhay ni Mommy ay hindi kailangang makita ninyo siya! Isang pagkakamali ang lahat ng ito. Nagkataon lang na magkahawig sila ng namayapa ninyong asawa. It was a mistake on my part. Hindi ko sinasadya. Ipagpatawad ninyo ang paghahambing ko.

"Subalit walang alam si Mommy sa nakaraan niyang buhay. Wala rin siyang kamag-anak. I..." He swallowed. "I just thought for a while that my mother is a twin. Patawarin ninyo ang paggana ng imahinasyon ko."

Nakabibinging katahimikan ang namagitan. Kahit si Caleb ay minabuting maupo sa isang silya malayo sa grupo.

Zach broke the silence when he stood up. Nagtiim ng mga bagang. "Salamat sa hospitality ninyo, sir... ma'am," wika niya sa mag-asawa. "I am sorry, Mr. Navarro. Hindi ko alam na pinaparito kayo ng mga magulang ninyo. Ikinalulungkot kong naabala kayo." Pagkatapos ay nilingon si Caleb. 

"Hindi pa masyadong gabi para umuwi tayo, Caleb."

"There's no need for you to go home now," ani Nick na tulad ni Zach ay nakatiim ang mga bagang. Subalit mababa na ang tinig. "Walang mga poste ng ilaw pabalik sa Santo Cristo. Hindi ninyo makikita ang daan. First hour in the morning, ihahatid kita sa inyo, Zach. Gusto kong makilala ang mommy mo."

Zach's stand was that of a lion protecting his cub. "What for, Mr. Navarro? If you said your wife had no twin, then—"

"She... she... could be my wife." Nick hated to admit that. Hated to hope. But some things seemed to fall into places. Like a puzzle.

Biglang natilihan si Zach. And then with a sarcasm so very like Nick's, said: "Hindi po umabot doon ang aking imahinasyon. Naisip ko lang na baka kambal si Mommy. So don't patronize me, sir. You all said your wife had died in a plane crash!"

Sa ibang pagkakataon, kung hindi sa labis na kaseryosuhan ng pinag-uusapan ay matatawa si Nick sa tono ng binatilyo. It was like hearing himself arguing with Franco.

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon