Chapter Nineteen

Mulai dari awal
                                    

With a heavy sigh. Inalis niya sa isip niya si Bettina at itinuon iyon sa ama. Nick was puzzled. Si Alvaro ay tinawagan siya kanina habang nasa sasakyan siya. Ayon sa katulong sa mansion sa Quezon City ay nais ni Franco na umuwi rin ito sa Alta Tierra.

But Alvaro wouldn't leave his granddaughter unless there was an emergency. At hindi iniisip ni Alvaro na emergency ang pagtawag ni Franco dahil tiyak na sasabihin iyon ng kasambahay. He smiled at the thought of his older brother. Naloloko ang kapatid niya sa anak ni Nayumi at ni Ivan. Since Kristine's death, parang ngayon pa lang uli naka-recover si Alvaro. It took a grandchild for his brother to be happy again.

Bigla niyang naisip ang sarili. Darating ba ang panahon kung saan malilimutan niya si Alaina sa paglitaw ng isang apo mula kay Drew at Leandro? Napailing siya. A grandchild is a grandchild. Mamahalin niya ang darating na apo kung sakali. But he didn't think a dozen grandchildren would take Alaina's place in her heart.

Naroon pa rin ang sakit sa dibdib niya. Hindi na sintindi ng dati subalit naroroon pa rin. Kung kailan iyon mawawala tuwing sumasagi sa isip niya si Alaina ay hindi niya alam.

INILAPAG ni Nick ang chopper sa helipad sa tuktok mismo ng mansion. Ipinasya niyang sa itaas ibaba ang chopper kaysa sa helipad sa gilid ng mansiyon. Mas komportableng lumapag sa deck dahil may mga ilaw roon. Inaasahan niyang naroroon ang ama, impatiently waiting for him, kung ang pagbabasehan ay ang urgency sa tinig nito.

Subalit hanggang sa makababa siya sa groundfloor ay walang sumalubong na ama. Sa halip ay sinabi ng katulong na nasa family room ang mga magulang at ang dalawang mga bisita; na katatapos lang maghapunan ng mga ito.

Napakunot-noo siya. May bisita sila sa mansion sa ganitong oras ng gabi? Iyon ba ang dahilan kung bakit binali ng ama ang batas nitong huwag gagamit ng cell phone habang nasa Alta Tierra? Anong napakahalagang bagay ang dahilan ng ama para papuntahin silang dalawa ni Alvaro sa Alta Tierra?

Puzzled, binilisan niya ang lakad patungo sa family room. Nakabukas iyon at natatanaw niya ang mga magulang na magkatabi sa sofa habang kausap ang isang wari'y pamilyar na bulto. May isa pang nakatayo sa likod ng sofa at nakikinig.

Lumalim ang kunot ng noo niya nang makilala ang dalawang bisita. Sina Caleb at ang classmate nitong si Zach. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa apat.

"May problema ba?" he asked, nilapitan si Beatriz at dinampian ng halik sa pisngi kasabay ng lihim na pasasalamat na hindi naman pala ito ang dahilan ng apurahang pagpapatawag ni Franco sa kanya.

"Maupo ka, Nick." Itinuro ni Franco ang upuan sa mismong kanan ni Zach. "Remember Zach?"

"Of course I remember him. And Caleb." Ibinalikniya ang tingin sa ama. Nakikita at nararamdaman niya ang tensiyon mula rito. "Nagpasabi si Alvaro na bukas na ng tanghali siya paparito, nang matiyak na wala namang emergency. You know how crazy he is with his grandchild. Hindi nag-isip si Alvaro na emergency ang pagpapatawag dahil sasabihin iyon ng katulong sa bahay sa Quezon City."

Iwinasiwas ni Franco ang kamay. "Oh, I don't need Alvaro. It was a mistake. Tawagan mo mamaya at sabihin mong hindi na kailangang pumarito siya.

"So, there's no emergency. Ang agam-agam sa dibdib niya'y tuluyang naglaho.

"Hindi ko ito naiintindihan, Papa. Ano ang napakahalagang bagay at kailangan kong pumarito ngayong gabi? I have a breakfast meeting tomorrow with one of the executives of the Chamber of Commerce." He darted his eyes on the boys. "Bakit naririto ang dalawang batang iyan? May problema ba sa inyo, Caleb?"

Nang ituon niya ang paningin kay Zach ay nakatingin ito sa kanya sa naguguluhang anyo at pagkatapos ay ibinalik sa mga magulang niya ang paningin. Caleb had the same expression on his face.

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang