Lumapit ang Basilisk sa direksyon ko. Nais kong manlaban o tumayo mula sa pagkakaupo, ngunit sa sandaling gawin ko ito ay masisira ang force field na nilagay ko at masisira ang lahat sa plano.

"Ahkkk!" Nabitawan ko ang spell nang damputin ako ng Basilisk sa leeg at itinaas sa ere. Nakalambitin ako ngayon sa mga kamay nya at hindi makalaban.

Nasaksihan ng mga mata ko ang unti-unting pagkawala ng force field na ginawa ko. I failed in maintaining it dahil nawala ang konsentrasyon ko.

Sinusubukan kong luwagan ang mga daliri nya mula sa pagkakasakal niya sa leeg ko ngunit masyado siyang malakas.

Sinusubukan ko ang pagpoproject ng black energy para luwagan ang mga daliri niya pero hindi ko magawa ng maayos dahil nauubusan ako ng hininga mula sa pagkakasakal niya.

Habang nanlalaban ako para sa aking hininga, hindi ko maiwasan ang mapatingin sa mga mata ng nilalang. Nakatingin ito ng masama saakin habang ang mga labi niya ay nakangiti.

Nakakatakot ang istura niya habang napapalibutan siya ng makakapal na kaliskis. Mahirap din siyang hawakan dahil madulas ang kaliskis niya.

"I can feel your power." Bulong ng Basilisk sa kaliwang tenga ko na siyang kinagulat ko. Hindi ako makapagsalita sa pagkakasakal niya. Ngunit binibigyan ko siya ng masamang tingin, kahit na alam kong wala nang pag-asa pa.

Hinigpitan pa lalo ng Basilisk ang pagkakasakal saakin. Hindi na ako makahinga pa. Nanghihina na ang katawan ko.

Unti-unti nang nandidilim ang mga paningin ko dahil sa pagkaubos ng hangin. Naririnig ko ang bawat tibok na meron ang puso ko sa mga tenga ko. 

Ito na ba 'yun? Ito na ba yung bagay na binalaan ako ni Aquema?

Ito na nga Luna. Dito na matatapos ang lahat. 

Nakakalungkot lang isipin na mamamatay ako ng walang kalaban-laban.

All my parent's and the transcendents before me's effort in protecting the Heart of the Moon went to nothing.

Di ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ng makakapal na sanga ng halaman na gumapang sa katawan ng Basilisk at sinakal siya sa leeg.

Pumulupot din ito sa kaniyang kanang kamay na siyang pinangsasakal niya sa akin. Pinilipit siya nito, dahilan para mabitawan niya ako mula sa kaniyang mga kamay at bumagsak sa lupa.

Halos wala akong naririnig sa paligid. Hinahabol ko ang hininga ko hanggang sa manumbalik ang paningin at pandinig ko.

Nang sulyapan ko ang nangyayari. Nakita ko na pilit na nanlalaban ang Basilisk sa maraming sanga ng halaman na ibinalot ni Serenity sa buong katawan niya.

Pinipilit naman na bumangon nila Clark, Phoenix at Ayata habang may oras pang atakihin ang Basilisk.

Bumangon ako agad sa pagkakahiga at dinampot ang libro na hawak ko kanina. Naghanap ako ng combat spell na pwede kong gamitin habang may oras pa.

"Luna! Bilisan mo! Tulungan mo sila Ayata! My Vines cannot hold this creature much longer. I need back-up!"

Nang makahanap ako ng gagamitin kong spell, tumakbo ako agad sa pinaroroonan nila Ayata at inalalayan sila sa pagtayo.

"Palibutan natin siya!" Phoenix suggested.

Pare-parehas naman kaming nag-Nod sa naging idea niya. Dali-dali kaming tumakbo palapit sa direksyon ng Basilisk at pinalibutan ito.

Umungol ng malakas ang Basilisk habang nanlalaban sa mga sanga na ipinalibot ni Serenity.

Dun ko napansin, na hindi lang dalawa, kundi limang mga sanga ang ginamit ni Serenity para  hawakan ang malakas na nilalang ng ganito katagal.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Feb 25, 2023 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Luna: The Last WitchDove le storie prendono vita. Scoprilo ora