Kabanata 20

127 8 2
                                    

**FLASHBACK**

Ilang araw matapos ang pagkaka-ospital ko nang salakayin ako ng isang Fallen ay inalam ko kung nasan ang opisina ni Aquema. Sinadya kong hanapin siya para ipaliwanag sakanya at hingiin ang opinyon niya patungkol sa naging engkwentro ko sa Fallen at syempre, tanungin na din kung sino ang misteryosong Transcendent na nagligtas saakin.

Sa aking pag-hahanap sa kaniya, saka ko lang nalaman kung ano talaga ang posisyon niya sa Alkandina at kung bakit siya parte ng konseho noong panahon na nasa loob ako ng Court room.

Si Aquema lang naman ang Chairman ng Adamaste tribe. Bawat tribe ay may in-charge na Chairman na siyang humahawak at nagmamanage ng mga ito. 

"Lumapit siya para hawakan ang puso mo?" Aquema asked sabay tayo mula sa kanyang pagkakaupo sa mesa niya.

"Yup, the fallen came close to me para hawakan yung dibdib ko. It felt like it knows that the heart of the moon is in me." I explained.

"Have you told this to anyone, in any of your friends?" Pagtatanong niya saakin ng nag-aalala.

"Nope. Sinakyan ko yung excuse story na binigay ng Ospital kila Ayata and Serenity." Sagot ko sakanya.  "Bakit? M-may problema ba Aquema?" Dugtong ko.

Biglang nanahimik si Aquema at hindi ako kinibo. Halata sa mga mata niya na malalim ang iniisip nya.

"It's true then." Bigla niyang bulong sa kawalan.

"T-True? About what?" Tanong ko sa labis na pagtataka patungkol sa ibinulong niya.

"That they can feel the Heart of the Moon's energy. Which makes you vulnerable in their presence Luna. Dahil alam nila na nasa'yo ito." Aquema replied habang tulala sa bintana ng office niya.

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya. Dahil hindi biro isipin na madali akong matutunton ng mga Fallens sa sandali na may makaharap nanaman ako sa hinaharap. The worst case, ay masiwalat nito ang pagkatao ko.

"You have to play safe Luna. It's not that impossible na sa hinaharap, ay kakaharapin mo sila. Ngayon pa't alam nila na nasa'yo ang bagay na kailangan nila." Mas lalo naman nadagdagan ang kaba ko sa mga sinabi ni Aquema sakin.

Hindi ko naman maiwasan ang magtaka at mag-isip sa mga sinabi niya. Kaya't tinanong ko na sakanyang deretsahan kung ano ang mangyayari saakin oras na kunin nila saakin ang Heart of the Moon.

"W-what will happen kung m-makukuha nila sakin ang Heart of the Moon?"

"I'm not sure. Lalo na't ginawa ni Phineloppe na maging iisa ang puso mo at ang crystal na 'yun not just to protect you but also for the crystal to be protected this way. Marahil ay hindi niya lang naisip ahead na ikapapahamak mo din ito sa mata ng mga kalaban. I-I'm afraid, you-"

Tumigil si Aquema sa pagsasalita. Tila ba hindi niya kaya sabihin ang naiisip niya tungkol sa posibleng mangyari sakin.

"You're afraid of what?"

"I'm afraid you'll die Luna."

*END OF FLASHBACK*

"And her daughter, is here in Alkandina."

Nanlaki ang mga mata nila Phoenix, Ayata at Clark sa mga binanggit ng Basilisk. Si Serenity naman ay nabigla din sa nalalaman ng nilalang.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Feb 25, 2023 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Luna: The Last WitchNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ