"Ayoko, Philip. Tama nang nasa bahay ang aking mga kuhang larawan." Hindi niya gustong ulit-ulitin dito na muli ay naroroon ang takot sadibdib niya kapag nababanggit na kailangan niyang lumabas ng Isidro.

Katunayan ay hindi lang basta takot. Sometimes she would shiver at the thought of going places. Kahit ang takot na iyon ay hindi niya matiyak kung saan nag-ugat. If she were on that bus, hindi ba makatwirang sa biyahe o sa sasakyan siya dapat matakot?

Pero hindi ganoon. Katunayan ay siya ang nagmamaneho ng Ford truck ng mga Javier para sa regular na pagpapa-checkup ni Philip sa doktor sa bayan. Still, habang nagmamaneho siya ay hindi niya maiwasang magpalinga-linga sa paligid para sa mga aninong sa palagay niya ay nakasunod sa kanya.

She'd been living in paranoia for years. Kung mayroon man siyang gustong maalala ay ang dahilan ng di-mawaring takot na iyon.

"Kailan nga pala ang uwi ni Zach?" tanong ni Philip na muling pumutol sa daloy ng isip niya. "Tapos na ang klase at dapat ay narito na ang anak mo."

Nagdikit ang mga kilay ni Emmy at tinitigan ito. "Nakalimutan mo na bang kausap mo siya noong isang araw lang at nagpapaalam?" May pag-aalala sa tinig niya. Nitong nakalipas na mga araw ay nagiging labis na malilimutin si Philip. He was losing his strength, his memory almost.

Nakita niyang sa wari ay hinahagilap nito sa isip ang sinabi niya.

"Niyaya ng kaibigan at kamag-aral sa isang lugar sa Quezon. Isang isla raw yata ang pupuntahan at fiesta daw doon. Limang araw si Zach doon kasi nga raw parang dalawang araw ang fiesta sa..." Sandali siyang nag-isip bago, "tanda ko'y Santo Cristo ang ngalan ng lugar."

She was thoughtful for a moment. Sto. Cristo. Bakit parang pamilyar ang pangalan ng lugar na iyon sa kanya? She shook her head. She was being silly. Lahat naman ng mga bayan sa buong Pilipinas ay magkakahawig ng pangalan. Iisa ang mga pinagkuhanan—ang sarisaring santo at santa.

"Ewan ko ba at parang nais kong narito na ang anak mo. Bakasyon na kasi at buong klase ay sa dormitoryo sa Naga nakapirmi si Zach. Natatakot akong ano mang sandali ay iiwan ko kayo, Emmy. Gusto kong narito ang aking anak..."

Emmy stared at him thoughtfully. Something akin to fear spread in her heart. Takot na 'di katulad niyong lagi niyang nararamdaman kundi takot na ano mang sandali ay mawawala si Philip.

Isang pilit na tawa ang pinakawalan ni Emmy. "Kung hindi nga lang mahaba ang biyahe patungo sa Naga at pauwi rito sa atin ay hindi ko rin naman nais na mag-boardinghouse si Zach."

Inilagay ni Philip sa mga balikat niya ang braso nito at kinabig siya payakap. "Hindi ko pinagsisisihan ang mga taong magkasama tayo, Emmy," anito sa pagak na tinig. "Ang tanging pinanghihinayangan ko'y ni hindi kita nasilayan. Hindi miminsang sinabi ni Mama na isa kang napakagandang babae." Hinagkan nito ang noo niya.

Emmy smiled faintly. Totoong may bahagi ng puso niya ang kusang tumatanggi sa mga yakap at halik nito. Subalit sa paglipas ng mga taon, unti-unting nalusaw iyon. Lalo at iyon lamang naman ang kayang gawin nito.

"Kung wala kayo ni Zach, Emmy, my mother would be a very lonely woman. Gayundin ako. Kung wala ka at si Zach ay baka hindi ko natagalan ang pagkabulag at baka mas naisin ko na rin ang mawala. My mother would not survive another tragedy..."

Napatango nang wala sa loob si Emmy. Ang nakababatang kapatid ni Philip ay naaksidente sa isang kapistahan sa kabilang bayan maraming taon na ang nakararaan. Sa isang sport na kilala sa lugar nila. Ang carabao fighting.

Nahulog ito mula sa kinauupuang koral at tiyempong doon tumakbo ang isang kalabaw at nasuro ito. Hindi ito namatay sa aksidenteng iyon subalit naparalisa ang likod nito at hindi na maaaring makalakad pa. Hindi natagalan ngkapatid ni Philip ang sinapit at isang araw ay natagpuan itong patay sa may ibaba ng hagdan ng bahay ng mga Javier.

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartWhere stories live. Discover now