PROLOGUE: THE INCIDENT

35 6 0
                                    

DANICA'S POV

" Sure ka ba na ayaw mong sumama?"

" Hindi na, Sammy. Nakakahiya naman, family event niyo yun," pagtanggi ko sa alok niya sa akin habang umiiling.

" Eh, sabi naman nila mommy, pwede kitang isama," pagpilit niya sa akin.

" Kahit na. It is a family affair saka walang tao sa apartment natin. Kailangan kong linisin yun lalo na malapit na magpasukan," sagot ko naman sa kaniya.

" I can ask our maid naman to clean it. Sumama ka na ,please," turan niya saka hinawakan ang mga kamay ko. Pinapungay niya din lalo ang mga mata niya.

" Sammy, hindi nga pwede, saka may raket ako mamaya," paliwanag ko naman rito. Nakita ko ang bahagya niyang pagnguso.

" Listen, babawi ako sa iyo. But for now, you should go na at baka mahuli ka pa. Dalhin mo na rin ito," sambit ko saka inabot ang mga shopping bag na bitbit ko.

" Fine, I will see you later," turan niya saka kinuha ang mga shopping bag ngunit bago niya pa makuha lahat ay kinuha na ng mga bodyguards niya.

" See you," nakangiting turan ko saka bumeso sa kaniya.

Niyakap muna niya ako bago pumasok sa kotse nila. Bago niya isinara ang bintana ay kumaway muna ito kaya naman kumaway rin ako. Nanatili ako sa tapat ng mall kung saan kami nagshopping kanina hanggang sa hindi ko na matanaw ang sasakyan nila.

Nag-unat muna ako bago ko napagdesisyunang umalis na rin. Naglakad na lamang ako sapagkat di naman gaano kalayo ang apartment namin ni Sammy sa mall na pinuntahan namin. Habang naglalakad ako sa eskinita ay nakarinig ako ng usapan mula sa apat na lalaki.

" Sigurado ka bang dadaan yun dito?" tanong ng isang lalaki.

" Yes boss. Sabi ng tao natin sa loob ay dito daw dumadaan yun palagi," sagot naman ng isa.

" Good, tingnan lang natin ang yabang niya kapag baldado na siya," nakangising turan nung lalaking nagtanong kanina.

Nakaramdam ako nang takot dahil sa narinig ko. Kaya naman nagpatay malisya akong dumaan sa harap nila habang nagdadasal na hindi nila ako mapansin. Ayaw ko madamay sa kung anong kaguluhan ang magaganap.

" For sure mawawala ang angas ng mga taga Beyond Horizon University nito kapag nabaldado yung mokong na iyon,"

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang pangalan ng eskwelahan na binanggit nila. Beyond Horizon University? Teka, ayun ang pangalan ng school namin ah. Ibig bang sabihin schoolmates ko ang bubugbugin nila?

' Danny, please lang, huwag ka ng makialam'  kausap ko sa sarili ko.

" Hoy mga kuya, sino yang bubugbugin niyo ha?" matapang na tanong ko sa kanila matapos ko silang harapin. Gustuhin ko mang batukan ang sarili ko sa pangingialam ko ay hindi ko na magagawa.

" Aba, Miss, bakit nangingialam ka ha?" tanong ng isa sa akin saka tumayo. Lihim naman akong napalunok sa takot.

" M-masama yun," nauutal kong turan sa kanila. Nakita ko ang pag ngisi ng isa sa mga lalaki sa akin saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

" Kung ako sa iyo Miss, hindi na ako mangingialam kasi sayang naman ang ganda mo." Nagsitaasan ang balahibo ko dahil sa sinabi niya. Nakita ko rin ang malagkit na titig sa akin ng iba niyang kasamahan.

" B-basta huwag niyo na po yun gawin ha, Ba-bye." Matapos kong sabihin iyon ay mabilis ko silang tinalikuran saka nagmamadaling naglakad.

' Nakakainis talaga ang pagiging pakialamera mo, Danny,' pagalit ko sa aking sarili.

" At saan ka pupunta?" Bumilis ang tibok ng puso ko ng hawakan ako ng mahigpit ng medyo matabang lalaki saka ako pinalibutan ng iba pa niyang kasamahan.

" A-anong gagawin niyo sa akin? H-huwag niyo ako sasaktan," nauutal kong pakiusap sa kanila sapagkat talagang nanlalambot na ang tuhod ko sa takot.

" Hindi ka naman namin sasaktan. Pasi---"

Hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin niya sapagkat may bumato sa kaniya ng lata. Sabay-sabay kaming napatingin sa kinaroroonan ng gumawa nun.

" Wala na ba kayong magawa kung hindi mang-away ng babae?" maangas na tanong niya. Sinubukan kong aninagin kung sino ang nagsalita ngunit bigo ako sapagkat madilim sa lugar na iyon.

" Ayos ah! Matapang ka talaga," usal ng matabang lalaki saka sinenyasan ang kasamahan niya.

Ang sunod ko na lamang na nasaksihan ay kung paano pinalibutan ng apat na lalaki yung tumulong sa akin. Sinubukan niya pa manlaban ngunit hindi rin siya umubra sapagkat apat ang kalaban niya. Hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan kaya naman nag-umpisa akong sumigaw ng tulong.

" Wag!" Malakas kong sigaw ngunit hindi niya ako pinakinggan. Nakita ko kung paano napaluhod yung lalaki ng paluin ng tubo ang kaniyang paa.

" Tama na po!" Sigaw ko sapagkat hindi rin ako makalapit sa kanila dahil natatakot ako at wala naman akong kakayahang pigilan sila. Napapikit ako ng muling hatawin ng tubo ang mga paa nung tumulong sa akin. Pagkatapos nilang paluin ang kaniyang paa ng higit sampung beses ay tumawa sila.

" Ayan ang napapala ng mayayabang at pakialamero," Turan nung mataba saka dinuraan ang lalaking kalunos-lunos na ang hitsura ngayon.

" Boss, paano itong babae?" tanong ng isang lalaki.

" Pabayaan niyo na yan. Hindi yan magsasalita. Alam naman niya siguro ang mangyayari kapag nagsalita siya," makahulugang turan nung matabang lalaki at nginitian ako ng nakakatakot.

Nagkibit balikat na lamang ang mga kasamahan niya saka sila naglakad papalayo. Nang masiguro ko na wala na sila ay agad kong tinungo yung lalaki na kasalukuyang hawak hawak ang mga binti niya.

" Kuya, ayos ka lang ba? Teka tatawag ako ng tulong," natataranta kong turan sa kaniya saka nagmamadaling hinalungkat ang bag ko upang hanapin ang cellphone ko.

" Kiel nasaan ka ba?"

Nataranta ako ng marinig ko na may lalaking sumisigaw. Nakita ko rin ang bahagyang pagkilos ng lalaking tumulong sa akin. Tila kakilala niya ang sumisigaw na iyon. Agad akong napatayo dahil sa kaba at takot na madamay sa nangyari sa kaniya.

" Sorry po," Paghingi ko ng paumnahin sa kaniya. Bago ako tuluyang tumalikod sa kaniya ay nakita ko ang suot niyang jogging pants. May logo ito ng eskwelahan namin.

" Kiel!" Lumakas ang sigaw nung lalaking naghahanap kaya naman wala na akong nagawa kung hindi tumakbo paalis sa lugar na iyon. At iniwan ko yung lalaking napahamak upang iligtas ako. Patawad!

ITUTULOY

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now