CHAPTER 8: First Night

ابدأ من البداية
                                    

“Base sa mga sinabi mo ate Gizzy, na-i-imagine ko tuloy na maganda, classy at comfortable nga ang bar na pagta-trabahuhan niyo po.”

Tumayo ako at kinuha ang backpack na dala ko. Ngumiti ako sa kanilang dalawa. “Sa unang sahod ko, kakain tayo sa labas! Pangako niyan sa inyo lalo na't nangunguna ulit kayo sa mga klase niyo!” Tinapik ko ang magkabilang braso nila.

“Talaga, ate?”
“Thank you agad, ate Gizzy!”

“Kaya dapat pagbuntihin niyo pa, ha? Para sa sarili at sa magulang niyo, makakapagtapos kayo ng pag-aaral!” saad ko sa dalawa at sumang-ayon sila sa aking sinabi.

---

“Gizzy,” Napakislot ako ng hawakan ni Toni ang kamay ko. “Nilalamig ang mga kamay mo. Huwag kang kabahan lalong hindi ka makakapag-concentrate niyan. Relax lang!” Pagpapalakas ng loob ni Toni sa akin.

Ito na ang unang gabi ko sa Flavor of the Month bar. Kanina naka-relax pa ako habang nagpa-practice kami ng sasayawin namin mamaya. Kami raw kasi ang unang sasayaw sa harap ng mga customer namin. Hindi naman labas ang kaluluwa ng damit na suot namin, naka-sexy Cross Letter Printed Woven Ribbon Camis Tops kami and same sa aming pang-ibaba at naka-black mesh bodysuit kami.

“Galingan mo mamaya, Gizzy. Ito ang first dance niyo at paniguradong panonoorin kayo ni Manager Phil. Isa sa inyong tatlo ang magkakaroon ng big break at mag-so-solo ng mga prod sa bar na ito.” Naging mahina ang boses niya sa huling sinabi niya at brinush ulit ang pisngi ko. “Kaya dapat galingan mo, okay?”

Napatitig na lang ako sa kanya ng tumayo siya sa aking tabi. Hindi ko alam na may gano'n pala rito?

Big break?

Palihim akong tumingin sa dalawang bago na katulad ko, sina Sasha and Zoe. Matatangkad ang dalawa katulad ko. Iyon nga lang si Zoe ay may pagka-morena na bumagay naman sa kanyang mukha, maikli rin ang buhok na mayro'n si Zoe na hanggang sa kanyang batok at si Sasha naman ay may mahabang buhok katulad ko, kaya siguro si Zoe ang nasa gitna namin mamaya.

Napayuko ako at pinaglapat ang magkabilang kamay ko sa gilid ng table. “Kaya ko 'to! Kaya natin 'to, Gizzy! Para sa dalawang pinsan ko at sa future naming tatlo!” bulong ko sa aking sarili.

“Okay! Gizzy, Zoe and Sasha, mag-ready na kayo, okay? Kayo ang unang sasayaw para sa debut niyo rito sa bar!” Magiliw na saad sa amin ni Mamu – ang manager ng lahat ng mga dancer dito sa bar.

Mabait si Mamu at babae siya pero mas bet niyang tawagin siyang Mamu. Siya rin ang nagtuturo ng mga sayaw sa lahat ng dancer mayro'n dito. Halos nasa 20 yata ang dancer sa bar na ito.

Lalo tuloy akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Nanlalamig na ang aking magkabilang palad. Bwisit! Ba't ngayon pa ako ninenerbyos!

Kalma lang tayo, Gizzy! Okay, kalma lang. I-relax natin ang puso at huminga tayo nang dahan-dahan.

“Gizzy, are you okay? Kinakabahan ka ba?”

Napa-angat ang aking tingin ng may marinig akong boses at nakita ko si Zoe na nakatingin sa akin.

Nahihiya man ako pero tumango ako sa sinabi niya. “Mm-hmm...”

Tinapik niya ang aking kanang balikat. “Chillax, okay? Ganyan talaga first time natin sasayaw. Maging ako at si Sasha ay kinakabahan din pero dapat galingan natin ngayong gabi!” ani niya sa akin at kinindatan pa niya ako.

Napangiti na ako dahil sa kanyang sinabi at biglang naging normal ang pagtibok ng puso ko.

“Okay! Sasha, Gizzy and Zoe kayo na ang sasayaw! Halos puno ang bar today! Kaya galingan niyong tatlo!”

Napatayo na ako at isang malakas na buga ang aking ginawa bago nilisan ang dressing room namin.

Kailangang galingan ko 'di dahil gusto kong makuha ang solo prod, kundi dahil kay Toni para malaman ni Mr. Phil na hindi siya nagkamaling bigyan niya ako ng contract at kunin bilang dancer dito.

Ngumiti ako nang napakalaki ng marinig ang sigawan at palakpakan ng matapos magsalita ang emcee sa bar na ito. Sabay kaming tatlong pumunta sa dance floor at gano'n na lang pagkagulat ko na sobrang daming tao. Ganito ba palagi rito?

Tumugtog ang song na pinactice namin at kusang gumalaw na lamang ang aking katawan kasabay ang ritmong ng kantang lumulukob sa buong sulok na bar na ito.

Ginawa ko ang lahat para ma-impress ang mga manonood sa akin. Maging ang ekspresyon ng mga mata ko ay ginawa kong ka-akit-akit, isama mo pa ang madalas na pagkagat labi ko habang sumasayaw ako sa gitna ng mga tao.

Lumuhod kaming tatlo at pinalandas ko ang aking kanang kamay sa gitna ng dibdib ko pababa sa aking tiyan. Halos sumisigaw na ang mga tao dahil sa ginagawa naming tatlo. At, sa pagtatapos ng aming prod ay humiga kami sa floor ng stage habang nakabagsak ang mga buhok namin sa gilid ng stage at nakalagay ang kanang hintuturo ko sa aking labi. Gano'n ang ending ng sayaw namin.

Bago kami bumaba sa dance floor, may naririnig pa kaming palakpakan galing sa kanila.

“Good job, girls! Ang gagaling niyong tatlo! First time naming makarinig ng gano'ng kalakas na palakpakan!” Puri sa amin ni Mamu at binigyan niya kami ng jacket. “Pahinga muna kayo sa dressing room, may pagkain na roon. May huli pa kayong dance prod mamaya gamit ang pole, after niyong kumain magpalit kayo ng damit!”

Tumango kami sa sinabi ni Mamu. Pagka-upo ko pa lang sa dressing room, binati na kami lahat ng mga dance na nandoon.

“Congratulations first dance niyong tatlo!” Nakita ko si Toni na naka-bihis na rin. “Kami na ang next after ni Rossy the Rose, isa niyo sa pinakamalaking kinikita rito sa bar, solo prod kasi siya.” saad niya sa akin. “Kumain ka na para may lakas ka sa huling sayaw niyo. Pole dance ang huling sayaw niyo.” huling sabi niya sa akin at tinawag na sila ni Mamu, apat silang sasayaw.

Hindi ko alam pero napangiti ako nang marinig ang mga ingay kanina. Kaya gagalingan ko pa lalo.

Pole dance na mamaya!

Easton Maravilla: Taste Of Heavenحيث تعيش القصص. اكتشف الآن