Kabanata XI - Evanescence Lindsay & Matt Adrian

Start from the beginning
                                    

"Kasi hindi pa siya dumadating," nakayukong tugon ni Eva.

"Okay, enough." Kinuha ko ang sci-cal nilang dalawa at pinagpalit iyon. Agad na umatungal ang dalawa sa ginawa ko.

"Ate!" Sabay na tawag nilang dalawa.

"Sa tingin niyo bakit kayo nagreklamo agad ng pinagpalit ko ang gamit niyo? Lalo na ikaw, Eva, walang galos, mukhang bago at makintab ang SC ni Adan na napunta sa'yo but still nagrereklamo ka pa rin."

"Ate, matagal na pinagsamahan namin nito, eh. Oo, siguro sa iba mas maganda sci-cal ni Adan–"

"Which is true." Pinandilatan lamang ni Eva si Adan sa sinabi nito at nagpatuloy.

"...kaysa sa'kin but it can't hide the fact na mas mahal ko ang sci-cal ko. Kahit marami pang nage-exist na ganito sa mga bookstore ito pa rin ang pipiliin ko as long as nagfu-function at accurate pa rin ang mga naibibigay nitong resulta sa'kin. Tsaka maganda pa rin naman siya kahit may band-aid, 'no," naka-pout niyang sagot. "Ang cute nga, eh," dugtong pa niya at hinaplos-haplos ang sci-cal kung saan nakatapal ang band-aid.

Napailing na napangiti na lamang ako. Si Adan naman ang nagsalita.

"It's just a matter of giving value to the things that matters to you the most, as well as to your love ones. Kasi kung hindi mahalaga sa'yo ang isang bagay, madali lang 'tong ipamigay. Kung hindi mahalaga sa'yo ang isang tao...madali lang siyang pakawalan."

"Paano kung sawa ka na? Paano kung pagod ka na? Is that a reasonable excuse para pakawalan ang bagay na 'yon?" sunod-sunod kong tanong habang nakatitig sa basong hawak ko.

"Sometimes people leave us no other choice. Kung hindi na kaya, kung wala ng alternatibong paraan para ayusin pa 'yon, it's time to let go. Kapag sira na kasi ang isang bagay, kahit ano'ng pilit pang pag-aayos ang gawin mo, masisira at masisira pa rin 'yon. In the end, mapipilitan ka na lang pumili ng bago dahil mas mahal pa ang pagpapaayos kaysa sa pagbili ng brand new."

Would that explains Zac's side? Tingin niya wala ng pag-asa ang relasyon namin kaya dumiretso na siya kay Honey at pinalit siya bilang bago? Ganoon lang ba 'yon?

Ang labo rin ng mga lalaki, eh.

"Paano naman 'yong mga tao na kahit sira na ang gamit nila pero ayaw pa ring ipamigay?" Nakakunot-noong tanong ni Eva.

"Display. Halimbawa si Ate Mary, nakita niyang may iba na si kuya Zac. Si Ate, nasaktan pero ayaw maniwala sa nasaksihan. Nagpakatanga. Sunod na araw gano'n ulit. Nasaktan, kinikimkim, mas lalong nagpakatanga. Tsaka ka lang papansinin 'pag naalala ka na. Display ang labas niya sa relasyon. Kumbaga sa mannequin sa department store, huhubarin lang ang suot mo kapag kailangan ka na, kapag may bibili na."

"That's harsh," sambit ni Eva at napayakap sa sci-cal niya.

"Kaya nga nakikipag-break na lang ang iba," kibit-balikat na banggit ni Adan.

"You're right, I did," bulong ko ngunit sapat na para marinig nila. Biglang natahimik ang dalawa, maski nga 'ata ang paghinga nila ay napigil rin nila.

"Ohmigod," bulalas ni Eva makalipas marahil ng sampung segundo. "Ohmygod, ate. I'm sorry." Niyakap ako ni Eva ng mahigpit at paulit-ulit na nag-sorry. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon, ewan ko ba. Hindi ko alam.

"Its fine, Eva. Wala ka namang kasalanan."

"No, I'm sorry for not noticing. Kanina pa tayo magkasama and all pero deep inside may dinaramdam ka pala."

Marry Me, MaryWhere stories live. Discover now