Kabanata XI - Evanescence Lindsay & Matt Adrian

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anyare riyan sa sci-cal mo?" tanong ko. Biglang napahinto si Eva at napatitig sa sugatang sci-cal nila, sa napaka-weird na dahilan ay bigla siyang umiyak.

"Si Adan kasi, ate – kahapon lang 'to, eh! Noong tinawagan kita. Hawak-hawak ko kasi 'yong – yong –" saglit niyang hindi masundan ang sinasabi niya dahil sa sunod-sunod niyang paghikbi. Binigay ko sa kanya ang juice ko, uminom muna siya bago ipinagpatuloy ang pagkwento. "Hawak-hawak ko 'tong fabulous sci-cal ko tapos si Adan hinablot niya 'to, eh – tapos pinagbantaan niya 'yong buhay ng SC ko, kung ipagpapatuloy ko ang sasabihin sa'yo, ilaglag daw niya – tas, tas –"

"Halika nga dito, ang gulo mo magkwento pero naiintindihan ko," natatawa kong sabi at hinila ang upuan niya palapit sa'kin. "Nasugatan lang sci-cal mo, ganyan ka na." Mahinahon kong sabi habang hinihimas ang buhok niya, nakadukdok ang kanyang ulo sa balikat ko.

"Kaya nga, parang nilaglag lang, eh." Agad na tumingin si Eva sa kambal niya't binato siya ng tatlong crumpled paper. Sunod-sunod. Kapul sa pinakasentro ng ilong. Napahalakhak ako sa 'di maipintang reaksyon ni Adan.

"You dropped it 4 feet from the ground! Four fucking feet! How could you–"

"Evanescence Lindsay! Ang bibig!" Bigla akong napatigil sa pagtawa, bigla ring naitikom ni Adan ang bibig nang akma na siyang kokontra sa measurement ng paglaglag niya sa calculator ni Eva. Samantalang si Eva ay napabusangot at napa-'hmpf'na lang. Bihira lang kasing tawagin sa buong pangalan ang mga ito kaya once na nangyari 'yon, manahimik ka na para hindi mo na makita ang kasukdulan ni Papa.

"Matt Adrian also cuss and so as ate Mary," mahinang himutok ni Eva at muling binato si Adan ng crumpled paper.

"Nakaka-tatlo ka na, ah," mariin ngunit pabulong na sabi ni Adan halatang nagtitimpi. "Ang lakas kasi ng boses mo, eh!"

"Ikaw kasi, eh! Kung hindi mo sinugatan SC ko hindi sana ako mapapagalitan ni Papa!"

"Papa just warned you. Don't be ridiculous, Eva."

Hinayaan ko lang na mag-away ang dalawa habang ako ay pinagpatuloy na lang ang pagkain. Ang plato ay hawak ng kaliwa kong kamay at naka-indian seat. Ang cool din panuorin ng dalawang 'to mag-away lalo na ngayon dahil nasa mahina at pagtitimpi version ang pagtalo nila.

"Sa lahat naman kasi ng pwedeng pagdiskitahan calculator ko pa. You know it cost your life!"

"Eksaherada 'to. Problema sa inyong mga babae ang hilig ibalik ang nakaraan, eh." Sa puntong 'to ay ibinaba ko ang plato sa lamesa at tinitigan si Adan nang mataman. "What?" Biglang napalitan ng pagtataka at takot ang ekspresyon niya.

"Tell me, Adan. Who's the girl who broke your heart?" Natawa siya. Hindi matamis, syempre mapait. Nakaraan ang usapan, eh.

"The girl who broke my heart?" ulit niya. "She's nothing."

"Evidently, she means a lot to you. You're hurting, that's part of the package when you love someone."

"Believe me, ate, I moved on. Matagal na."

"Really. Bakit hindi namin siya nakilala?"

"Because we're never been like...you know, like Mary and Zac." Uminom ako ng juice para mapigilan ang sarili na kontrahin ang sinabi ni Adan. Ayokong i-open ang status ko ngayon bilang single dahil gagawa lamang 'yon ng mas malaking 'di pagkakainitindihan.

"Talaga? Hindi naging kayo? Kawawa ka naman," natatawa at mapanuyang sabi ni Eva.

"Coming from the virgin girl who never has one," sarcastikong ganti naman ng kamba niya. Dahil diyan ay muli siyang nabiyayaan ng isang crumpled paper sa kaliwang pisngi niya.

Marry Me, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon