Chapter 27 - Suitors

Start from the beginning
                                    

"You were very drunk, Sab. Please don't do that again."

Tinitigan ko maigi si Russell. Bakit kaya niya nasabi 'yon?


"Did I... do something wrong last night? I can't remember most of the things that I did," I admitted.

Natigilan na naman siya. "Ano lang naaalala mo?"

"Nagpunta tayo dito."

"Tapos?"

"Tapos nagtingin tingin ako... ayun lang."


He stared at me as if he can't decide if he's going to be mad or just disappointed.

"So you don't remember anything else?"

"Oo, sorry. I'm still trying to remember. Parang bumaba ako ng hagdanan, tama ba? Then we talked. I can't remember our conversation though. Bakit hubby? May ginawa ba akong weird?"


Hindi siya umimik. Pinagpatuloy niya na lang ang pagluluto pero pakiramdam ko nangdadabog siya. Every now and then, umiirap din siya.

Oh my gosh! Mukhang may kasalanan nga ako sa kanya!


Kinagat ko na lang ang labi ko at tumahimik sa takot na baka magalit siya.

Argh! Ano ba kasing nangyari at parang naiinis siya sa'kin?


Kakatapos niya lang maghugas ng kamay at ngayo'y pinupunasan niya iyon nang twalya upang hindi basa, nang magtama ang mga mata namin. Russell suddenly reached out and touched my lower lip with his thumb. "Don't bite."


Agad kong sinunod ang gusto niya. Akala ko aalisin niya na ang kamay niya nang titigan niya ang labi ko. Pumungay ang mga mata niya at tipong lalapit pa lalo sa akin nang mabangga niya ang dulo ng chopping board. He immediately pulled his hand and turned his back on me.


Was he going to kiss me? Nah. That's impossible. Pero... parang hahalikan niya talaga ako kanina. Kapag si Russell naging first kiss ko, magwawala talaga ako sa saya! Baka ipakalat ko pa sa buong mundo sa sobrang kilig. Ano kayang feeling?

Ngumisi na lang ako at tinawanan ang sariling imahinasyon. There is no way...





Russell's POV


I can't believe she can't remember anything from my confessions. Sa dami ng mga sinabi ko, ni isa wala siyang maalala. And the worst is, she even forgot we kissed. THAT WAS OUR FIRST KISS!


Sab did her usual dance while eating our breakfast. Nawawala ang pagkainis ko habang pinagmamasdan ang ngiti sa labi niya. And there it is again, my heart beating fast as I stare at her lips.

I'm getting sick. Ano bang nangyayari sa'kin? Kahit kailan naman hindi ako naging ganito.


Tumayo na lang ako at kumuha ng malamig na tubig sa ref.

I need to get a grip. Ano naman ngayon kung si Sab ang first kiss ko? It's not like---


"I want to do it again!" She said in a loud voice.

Muntik ko na maibuga ang iniinom kong tubig. "H-huh?" She wants to kiss again? Does that mean she can remember now?


Ramdam ko ang pagpula ng tenga ko. I looked away and cleared my throat.

"Sure ka?" Nahihiyang tanong ko.

"Yes! I want to punch Ivan in the face again." Nakakunot ang noo niya at doon ko lang napagtantong may pinapanuod siyang video sa phone niya. I went to her side and took a peek. It's a short clip of her punch towards my step brother. Umigting ang panga ko at napailing.



Love Me in BrooklynWhere stories live. Discover now