Chapter 27 - Suitors

Start from the beginning
                                    

Tumayo siya at tinulak ang noo ko gamit ang hintuturo niya. "Kung ano-anong iniisip mo, Sab."


He went straight to the comfort room but he left the door opened. Sumunod ako at sumandal lang sa may pintuan. Naghihilamos siya ng malamig na tubig.

"So walang nangyari?"

"What do you expect?" parang obvious na sagot niya.

Sumimangot ako. "Weh? Hindi nga? Baka naman nahihiya ka lang."


Bigla siyang humarap sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko. He was just a few inches away from me.

"You think I'd leave the bed if we did it last night?"


Napalunok ako. Ramdam ko ang pagpula ng mga pisngi ko. Luh, pinapatulan ako. Niloloko ko lang naman ikaw!!!

"A-ah, you're the cuddle type pala? Buti naman. I like hugs kasi."


Tumingin siya sa labi ko bago pumikit at umiling. He took a step back and continued washing his face. Hindi naman madumi pero bakit linis siya ng linis ng mukha niya?


"Sayang naman ang opportunity. Sana may ginawa ka na. Magpa-participate naman ako." I smiled at him.

Nilingon niya ako na para bang gulat na gulat siya sa sinabi ko kaya naman tumawa na ako. "Joke lang! Labyu!"


Umalis na ako doon at nagpunta na sa kusina. I grabbed a glass of water and gurgled. Nalimutan kong bagong gising ako, baka mabaho ang hininga ko.

Shet. 'Di kaya na-turn off sa'kin si Russell?


"What do you want for breakfast?" tanong niya habang nagpupunas ng bibig gamit ang isang puting face towel. He walked towards me and joined me in the kitchen.

Doon ko lang napagmasdan ang itsura niya. He's wearing a white shirt and printed pajamas. Bakit ang extra hot niya kapag bagong gising? Sobrang fresh, nakakagigil.


"I don't have rice here. I usually just eat bread," dugsong niya habang natingin ng pagkain sa loob ng ref.

"Hotdog and eggs will do."

He glanced at me with unreadable expression.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.


Nagkasalubong na naman ang mga kilay niya nang nagiwas siya ng tingin. Nagkibit balikat na lang ako at pinanuod siyang maglabas ng kung ano anong ingredients.

He started washing off carrots and onion leeks.


"Anong lulutuin mo? I don't feel like eating vegetables today."

"How was your sleep?" pagbabago niya ng topic para siguro hindi ko siya mapigilan sa lulutuin niya. "Nakatulog ka bang maayos?"

"Masakit ang ulo ko. Naparami yata ang inom ko kagabi. Malay ko bang nakakalasing 'yung mga nasa table namin. Wala naman akong naramdaman nung una..."

He stopped for a second to raise his eyes on me. "First time mong maginom?"

"Oo..."

"Bakit ka naglasing?" Bumalik ang mga mata niya sa hinihiwa niyang carrots. Ginagawa niyang small dice ang cut.


Hindi ako nagsalita, kumuha na lang ako ng isang mahabang carrot na nabalatan niya na pagkatapos ay kinagat at nginuya iyon.

I don't have the guts to tell Russell I got jealous again last night. Sino ba naman kasing hindi magseselos e todo bulungan sila ni Agatha? Ang layo layo niya na nga sa akin tapos iyon pa ang makikita ko...


Love Me in BrooklynWhere stories live. Discover now