✨ Ikalima ✨

Magsimula sa umpisa
                                    





"Huwag ka ngang sumabat diyan, hindi naman kita kilala." Maris rolled her eyes. Kung maari lang na ingungod niya ito sa buhangin ay kanina pa niya ginawa.





"Sino po si Ms. Catrice?" Matapos icheck ng receptionist ang kanilang system ay mabilis naman niyang binalikan ang dalawa.




"Ah, that's my friend." Tumango naman ang receptionist sa mabilis na sagot ni Stef.





"Kung makaasta ka naman, libre lang naman pala ng kaibigan." Bulong ni Maris sabay irap.





"Lakasan mo kaya, hindi kasi masiyadong marinig." Muli siyang tinawanan ni Stef at napapakagat labi nalang dahil nag eenjoy siya sa pang aasar ngayon.





"Hoy teka teka teka!" Pigil ni Maris nang mapansin niyang kay Stef na iniaabot ng receptionist ang susi ng cottage room.




"So paano ako? Paano yung room ko?" Turo nito sa sarili. Antok na antok na talaga siya.





"Hahanapan nalang kita ng bagong room, ma'am after five hours pag check out nung ibang gues——"




"Ano?" Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ng receptionist.




"Uhm, based po sa system namin, yung room po ay under sa name ni Ms. Catrice. Yung friend po ni ma——"





"Bakit? Sigurado ka bang kaibigan niya yun?" Pagputol muli nito sa sasabihin ng receptionist.





"Ito nga oh, hindi mo ba nakikita? Naka print na dito yung number ng room ko!" Pinanlakihan niya ng mata ang receptionist habang inginungudngod sa mukha ng dalawa ang brochure.




Nakita niya ang biglang pananahimik ng kanina lang ay putak ng putak na kausap niya at pati na rin ang receptionist ay napalunok sa iniasta ni Maris.





"If you don't mind ma'am, you can stay on Room 135. Pupuntahan ko nalang po kayo kapag may vacant room na po." Mahinahong sagot ng receptionist sa kaniya kahit pa pinagtaasan niya ito ng boses.





"Kasama 'to?" Tinuro niya si Stef at saka inirapan.





"Wala namang problema sa akin." Nginisian siya ni Stef na mas ikinaasar nito.





"Don't worry good for two naman po yung na-ireserved na room, for sure wala po kayong magiging problema."





"Thank you, Clara." Binasa lamang nito ang pangalan na naka imprenta sa name plate nito. At kinuha na nga ni Stef ang susi mula sa receptionist at saka magaang dinampian ng halik ang likod ng kamay nito. Namula kaagad ang mukha nito sa ginawa ni Stef at tumawa na may kasamang harot.




Wala namang sabi sabing nilagpasan na lamang ni Stef si Maris na masamang nakatingin na pala sa kanilang dalawa.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seduced By A Lesbian: StefanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon