✨ Ikatlo ✨

675 12 1
                                    

✨✨✨

Two years after being engaged, Engineer Jonas Hererra will finally tie his knot wih his girlfriend, Norien Ferrer before the year ends! Congratulations couple!


Engineer Jonas Hererra is getting married!




Engineer Jonas Hererra and his girlfriend Norien Ferrer, happily announced that they are getting married!








Labis na pagkagalit ang naramdaman ni Stef nang mabasa niya ang mga iyon sa isang article sa social media. Mahigpit niyang naikuyom ang mga kamao niya na tila gustong sumapak ng isang taong makapal ang pagmumukha. Tumulo na rin ang kaniyang mga luha sa labis na pagkamuhi.







She just wanted to surprise her girlfriend and her family, pero bakit siya pa ang nasorpresa. She was in London for five years. She was in a long distance relationship with Norien. Tapos malalaman niya mula sa article na iyon na two years na pala silang engaged ng pinsan niyang si Jonas!








Kahit kailan ay hindi niya pinagdudahan ang nobya dahil mahal naman nila ang isa't isa. Hindi niya kailanman naisip na lokohin siya nito, dahil parehas nilang pinaglaban ang relasyon nila. Nag tiwala siya kay Norien na siya na ang mamahalin nito hanggang dulo.






Napasabunot siya sa sarili niyang buhok. Wala na siyang pakialam kung pagkamalan siyang baliw ng mga kapwa niya pasahero sa eroplanong sinasakyan niya pauwi ng Pilipinas.








"Are you alright?" Mahinhing tanong sa kaniya ng flight attendant. Inabutan rin siya nito ng tissue. Hindi na niya napansin na pinagtitinginan na pala siya ng mga tao sa paligid niya. But she doesn't care. Hindi naman nila alam kung gaano kasakit ang nararamdaman niya.







"What's wrong with me?" Pabulong niyang tanong sa sarili. Humahagulgol siyang napatakip sa kaniyang sariling mukha. Hindi niya maintidihan ang nararamdaman niya. Tila ba pinagtulungan siya ng buong mundo para pabagsakin. Hinang hina siya at hindi na maramdaman ang buong pagkatao niya.








"There's nothing wrong with you, sir." The flight attendant tap her back. As if she knows what Stefanie is talking about.







"There's a lot wrong with the world you live in." Then she smiled. But Stefanie didn't see it. Dahil labis pa rin ang sakit na nararamdaman niya. Gusto na nga niyang talunin nalang ang eroplano at maglanding kung saan man naroon si Jonas at Norien. Nais niyang putulin ang hininga ng dalawang iyon, ngunit ayaw niyang madungisan ang malinis niyang kamay. Ayaw niyang maging isang kriminal.










"S-Stefanie?" Nanlalaki pa ang mga mata nito nang buksan niya ang pinto dahil sa sunod sunod at walang tigil na pagkatok ni Stefanie. She is so sure na ito ang bestfriend niyang limang taon din niyang hindi nakasama. Nakatapis lamang siya ng kumot na halatang nabitin pa sa session niya with her fling.









Seduced By A Lesbian: StefanieWhere stories live. Discover now