CHAPTER 57 IS THAT TRUE?

29 2 3
                                    

Are we really close to the truth?  


____________________________________________________________________________

Oo nga pala si Gon, Nawala na siya sa isip ko matapos ang mga pangyayari.

"Gon?" Krane asked.

"Nagkahiwalay kami habang tumatakbo." Sagot niya. "Tingin ko naman ay kaya niya ang sarili niya Gin, hindi na dapat naten siyang problemahin"

"Anong hindi Luis? Kung totoong iba ang mga Eater na to sa mga nakakasagupa naten mas lalong dapat akong mag alala" ani ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niyo, pero hindi din tayo pwedeng pakalat kalat sa gubat nito. Maliban sa kanila may iba pa ding klase ng eater dito na hindi ako immune or kayo" Sabat ni Krane. "Ang Mabuti pa hanapin nalang naten siya pag umaga, isama na din naten si Red"

Hindi na muli kaming nag-usap nila Krane at Luis habang naglalakad ng biglaang tumigil si Krane at ..

"Red, ung lubid" sigaw nito at maya maya pa ay bumabang lubid na hagdanan mula sa itaas ng malaking puno. "Akyat muna tayo dito" Naunang umakyat si Krane kasunod ako at si Luis. Ng makapasok ako sa sa loob ay nakita kong isa itong maliit na kubo. May liwanag ng kandila at isang anino ng lalaki ang sumalubong sa amin.

"Gon?" bigla kong sabi kung hindi ko lang napansin ang ibang gupit ng buhok nito at may sugat ito sa sa gilid ng kanyang mata.

"Red" biglang sabi nito. Magkaboses sila ni Gon at talaga namang magkamukhang magkamukha. I heared Luis tsk so loud. "May problema ka? " At nagkatitigan sila. Mabuti nalamang at binasag ni Krane ang katahimikan.

"Red, si Gin at Luis."

"Bakit kilala niyo si Gon?"

"Ikaw ang kambal niya."

"Ako nga. Nakita niyo ba siya?"

"Kasama namin siya kanina pero nagkahiwalay kami kanina. Masyadong madami ang mga nasa baba"

" Sa tingin niyo ay ayos lang kaya siya?" nag aalala nitong tanong.

"Sana, mabilis naman siyang tumakbo at alam kong magaling din naman siyang makipaglaban sa mga Eaters." Sabi ko sa kanya. Nakakapagtaka ang hinahon niyang magsalita sa kabila ng panganib na kinakaharap ng kapatid niya. At hindi lang niya to kapatid kambal niya ito.

"Sabagay, si Gon iyon" Sabi nito and shrugged. "Pasensya na kayo maliit lang ang kubo na ito. Hindi din kami makaalis ni Krane dito dahil ayaw niyang sumama sa akin hanggat di namin nakikita si Sam"

"At san naman kayo pupunta, sa lungga ng mga Lee?" Luis said while staring blankly outside.

"Luis." Sabi kong sinisita siya.

"Mukhang madami na din kayong alam" Sabi niya. "Si Krane dito ang sagot sa lahat" dagdag nito. "Lalo na at nakita niyo naman na immune siya sa mga Eater na nasa baba ibig sabihin siya ang hinahanap naming nawawalang anak ni Dok Rob"

"uulitin ko, Red. Hindi ako ang anak ni Dok Rob. Tumira lang ako sa kanila. Ang tatay ko ang bodyguard at driver ni Dok Rob." Inis na saad ni Krane. Mukhang may kwento na namang naungkat sa usapang iyon. "At alam mong sumama lang akong tumakas sayo dahil alam ko kung papaanong kadumi kumilos ng mga tao sa harbour lalo na ang matandang doctor na yun."

"Krane, baka hindi mo lang matandaan ang lahat. Trauma can cause people to forget and think they are a different person" I heard Luis chuckled. I stare at him again. "May problem ba? Kanina ka pa kasi."

STAY ALIVEWhere stories live. Discover now