CHAPTER 48 BETRAYAL

208 13 0
                                    


I was reading all comments from Chapter 1 up to the last update.  

________________________________________________________________________________

"Ilang Zombies meron kayo at ang organisasyon niyo Gon?" Bigla kong tanong ng makabawi ako sa sarkastikong pagtawa ko. Naisip kong dapat ay hindi ko ito tinatanong pero dinadala ng pagkakataong magtanong na naman ako ng bagay bagay. "Hindi.. Wag mong sagutin.." Biglang pagpigil ko. Napatitig lang sa akin si Gon. Titig na parang may mali sa akin.

"Nababaliw na ata ako Gon?" Bigla kong sabi sa kanya habang siya ay nakatingin lang sa akin. "Tingin mo?"

"Hindi Gin. Nabibigla ka lang sa nangyayari." Mahinanong sabi niya. At sa di malamang dahilan ay natawa na naman ko. Ano bang nangyayari sa akin? Sa di inaasahang pagkakataon ay nagulat na naman ako ng bigla niya akong niyakap. Hindi ko alam pero ng niyakap niya ako ay parang biglaang gumaan ang pakiramdam ko at bigla nalang akong umiyak. "Shhhh..Shhh" Alo niya sa akin habang ako naman ay patuloy pa din sa pag iyak. Walang laman ang utak ko. Pagod na siya. "Relax okay. Breath in Breath out" Sinusunod ko naman ang instruction niya habang nakayap ako sa kanya at unti unti ay nakakalma ko na ang sarili ko. Hanggang sa unti unti na niyang binitaw ang pagkakayap niya sa akin. At hinawakan ako sa mukha. "Don't Snap Out again.." He mentioned at napatulala nalang ako sa mata niya. Hindi ko alam kung Segundo o ilang minuto kong tinitigan ang mga mata ni Gon Pero siya mismo ang umiwas sa titigang iyon. Hindi pa sana ako gagalaw kung hindi kami nakarinig ng malakas na putok sa kabilang kalsada at nakita naming ang dalawang taong patakbo papunta sa amin at hinahabol sila ng grupo ng mga Eaters.

"Tulungan natin sila" Sabi ko sabay kuha ng nag-iisa kong baril at ikinasa ito.

"No" Malakas na sabi ni Gon. At hinawakan niya ako. "Its none of our business Gin"

"I don't care. Tutulungan ko sila" Sabi ko sabay tawid sa kalsada at pinagbabaril ang mga Eaters na humahabol sa isang babae at lalaki. Nagulat nalang ako ng sumunod sa akin si Gon sa kabila ng pag pigil niya sa akin kanina.

"Unahin niyo yung mga mabibilis, Tapos isunod natin ung mga mababagal" sigaw niya sa dalawa. Kaya naman ay pinagbabaril naming ang mga mabibilis at ng maubos naming ito ay yung mga Slow Eaters ang isinunuod namin. Hindi ko na ginamit ang Baril ko sa halip ay ang kutsilyo at itak ko na ang ginamit ko. Nakita ko ding marunong makipaglaban ang 2 iniligtas namin. At ng matapos ang sagupaang iyon ay nagharap harap kami.

"Salamat" sabi ng babae ng magkaharap kami. Nagngitian kami ng babae. Pero nagulat ako ng bigla nalamang ay nagkasa ng baril si Gon at itinutok ito sa lalaki. Matapos niyang gawin iyon ay hinatak ng lalaki palayo sa akin ang kasama niyang babae.

"Ano ba Yong?" Sabi nito at sakto naman ay hinawakan ni Gon ang braso ko.

"Long time no see, Aragon." Sabi nito sabay ngiti ng matalim. "Himala ata at tinulungan mo kami ni Gellie. Ayos ka na ba?" Nakangiti nitong sabi.

"Wala sana akong balak tulungan kayo. Kung hindi niya ginusto" Sabi nito sabay tingin sa akin. Bigla kong naisip ang kaninang reaksyon niya ng sinabi kong tutulungan ko sila.

"So dapat pala akong magpasalamat sa binibining kasama mo. Hanggang ngayon parehas na parehas pa din kayo ng kapatid mong si Red. Madali pa din kayong madala.. "

"Wag mong idinadamay dito si Red. Wala na kaming koneksyon ng kapatid kong iyon" Galit na sabi niya.

"Pwede ba Aragon. Wag mo kong gaguhin alam kong ang pamilya niyo ang kumakalaban kay Dok. Ayaw na ayaw niyo talaga sa mga Castañeda, Kahit na noon palang ay matataas na talaga ang ere niyo sa pamilya namin" Galit na sambit nito.

"Yong pwede ka tumigil ka na nga. Gon umalis na kayo. Salamat sa tulong pero hindi dapat kayo nagtagpo. Salamat din sayo" Sabi sa akin nung babaeng tinawag na Gellie.

"Nasaan ang kapatid mo at san niya dinala si Eliza?" Sambit nito.

"Wala akong alam. Wala kaming komunikasyon ni Red. At pangalawa ka na sa grupong humahanap sa kanya. At katulad ng sinabi ko sa kabila. Hindi ko alam" Nakatitig lang ako sa mukha ng sinasabi nilang Yong. Yung mukha niya kasi ay parang pamilyar sa akin. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.

"Can we just call it a cease fire Yong? Can't you see Gon already help us. At hindi mo ba narinig ang sinabi niya hindi niya alam kung nasaan si Red" Nangagalaiting sabi ni Gellie kay Yong. Pero napa TSK lang ang lalaki.

"Hindi ko alam kung anong problema niyong dalawa ni Gon, pero sana naman hindi tayo nag-aaway sa gitna ng kalsada. Madaming Eater na pwedeng makakita sa atin" Biglaan kong sinabi. Pero hinigpitan ni Gon ang hawak niya sa braso ko. Na parang ipanapalabas niyang huwag na akong magsalita.

"Wala kang pakialam dito Miss. Labanan ito ng pamilya. Labanan ito para matigil na ang apocalypse. Nakita na namin ang sagot dito. Pero tinangay siya ng kapatid nito. Bago pa namin makuha ang kelangan naming sa babaeng iyon. Tinangay siya ni Red. Inilayo. Naiintindihan mo ba?" At idinikdik niyang bigla ang baril niya patungo sa amin.

"You don't threaten her Yong, wala siyang alam dito. Wala siyang kinalaman sa galit niyo sa pamilya namin lalong lalo na ang galit mo sa akin"

"Hindi ka talaga nagbabago Aragon. Kaya nga ikaw ang napili ni Dad na magkalat ng Eaters dito sa mundo ei. Naalala mo ang bangkay ni Diana? Hindi ba't kung iningatan mo ang bangkay na iyon. Eh di sana walang CEL PROJECT ngayon?? Ikaw naman talaga ang may kasalanan kung bakit may Eater ngaun ei."

"I took care of it but you betrayed me" Biglaang sabi ni Gon. I saw how it weakens his shoulder.

"We betrayed you? Your family betrayed us. Alam nila kung nasaan ang panganay na anak ni Tito na si Cara. Yung pinsan ko itinago niyo sa amin. Itinakas niyo sa Amerika. Nagpakasal siya sa Smith na iyon at hawak niya ang notebook na ngayon ay hawak ng anak niya. Wala na patay na ang mag-asawa at nawawala ang bata"

"Nobody betrayed your family. Naging gahaman lang talaga si Dok Rod, siya ang pumatay sa sarili niyang kapatid na si Dok Rob para sa gamot na iyon" Hindi ko na alam kung iilang minuto na silang nagtititigan ni Yong alam ko lang ay wala sa kanila ang gusting magpatalo.

Nararamdaman kong matindi ang galit nila sa isa't isa. Na halos pati sila ay magpatayan sa pagtitig sa isa't isa. Napatitig din ako sa maamong mukha ng babaeng kasama niya pero tulad niya wala kaming magawa sa galit na pumapaloob sa dalawa.

Iniisip kong kasalanan ko pa kung bakit ito nangyari. Kung hindi umiral sa akin gang pagiging matulungin ko. Hindi sana maghaharap ang magkaaway ngaun. At sa bawat salitang sinasambit nila ay nararamdaman kong isa itong away pamilya. Nag-ugat marahil sa magulang at naipasa sa mga anak nila.

Betrayal between Families. Isa na naming dahilan sa pangyayaring ito. Power. Fame. Money. Leads to Treachearous act of the two people in front of me. Hindi pa sana sila titigil kung hindi lamang biglaan at sumunod ay buhos ng malakas na ulan.


________________________________________________________________________________

Twas this is a battle of two families everyone. 

The Lee and the Castañeda's. 


Kaye :) 

STAY ALIVEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz