"Sa playground sa kanto," sagot ni Julia.


"Eh bakit ka nila sinundan?" nakakunot pa rin ang noong tinanong si Julia

Julia just shrugged. "Tanungin niyo sila."


Humarap naman silang apat sa dalawang batang lalaki na nasa likod nila.


"Hi!" panimula ni Miles at kumaway


Ganoon din ang ginawa ng iba. 'Yung dalawang batang lalaki naman ay bumati at kumaway rin sa kanila.


"Bakit niyo ako sinundan?" puno ng kuryosidad na tanong ni Julia


Nagkatinginan naman ang dalawang batang lalaki bago sumagot. "Gusto lang naming makipagkaibigan," nakangiting sagot nung nasa kaliwa. Tumango naman 'yung nasa kanan.


Sila lang kasing dalawang magpinsan ang naglalaro palagi kaya napag-isipan nila na maghanap ng ibang mga kaibigan.


"'Yun lang tapos sinundan niyo pa ako rito?" Tumango naman 'yung dalawa at napatawa nalang 'yung apat na batang babae.


"Sige. Ako nga pala si Julia."


"Ako si Miles! Hi sa inyo!"


"Bago lang ba kayo rito? Ay, ako pala si Kathryn."


"Hi! I'm Sue!"


Tumango naman ang dalawang batang lalaki. "Oo, bago lang kami rito," sagot nung nasa kanan. "Ako nga pala si Diego. Ito namang katabi ko ay si Khalil. Nice to meet you all!"



-End of Flashback-



'Yun 'yun. Simula't sapul, gusto ko na siya. Ewan, hindi ko rin alam kung paano. Maybe, the way he smiled when he answered Julia's question. I don't know.


Oo, alam kong bata pa ako noon pero crush lang naman 'yun eh. At hanggang ngayon nandito pa rin. Pero nalaman kong crush niya pala si Kathryn noong 7 years old na kami kaya itinago ko nalang sa sarili ko.


As much as I wanted to tell everything to him, I just can't. Alam ko namang iba ang gusto niya eh. Iba - meaning, hindi ako. But, why does it have to be Kathryn? Matatanggap ko pa sana kung ibang tao eh, pero si Kathy talaga? Hindi sa ayaw ko kay Kath pero talaga bang hindi ako? Bakit ba hindi nalang ako? Bakit nga ba? May mali ba sa akin? Naman! Walang taong perpekto eh.

Maybe, I should just really accept that he still likes Kath. Na hindi talaga ako ang gusto niya. Na si Kathy talaga. Pero, alam naman nating lahat na mahirap gawin 'di ba? Lalo na at matagal ko na siyang gusto. Hindi ko lang talaga kaya. Ganoon naman talaga 'di ba?



****


That Nerd Is A GangsterWhere stories live. Discover now