Chapter 22

4.1K 82 0
                                    

Chappter 22



Sue's POV



"Oh, Khalil! Long time no see!"


Nandito siya.


"Julia! Long time no see rin!" Lumingon siya sa akin. "Hi, Sue! It's good to see you again!" Ang hyper niya ata?


"H-hi. Same h-here." Geez. Why so sudden, Khalil?


Nilingon naman ako ni Juls. Tipid na ngumiti lang ako sa kanya.


"Saan kayo pupunta?" tanong niya sa amin


"Ah, bibili lang kami ng pagkain. Teka, bakit ka nandito? 'Di ba nasa Camiguin ka?" sagot ni Juls


"Ah, pwedeng sa labas na tayong mag-usap? Baka nakaka-distorbo na tayo dito sa may pintuan eh," singit ko sa kanilang dalawa.


Umatras naman nang kaunti si Khalil habang kami naman ni Juls ay lumabas na at isinara ang pinto ng kwarto.


"As soon as I heard about Ryn, agad na akong dumiretso rito. Is she alright?"


"Oh. And yes, she is. Sama ka sa amin?" Si Kathryn pa rin talaga ano?

Ano ba, Sue?! 'Wag ka ngang ganyan! Kaibigan mo si Kath.


"Sure. Saan kayo bibili ng pagkain?"


"Sa McDo na nasa tapat ng ospital. Tara na." At umalis na kami with me na nasa likod nilang dalawa.


Masaya lang silang nagkwekwentuhan habang ako rito sa likod nila ay tahimik lang na sumusunod sa kanila. Bakit ba ako nag-volunteer na bumili ng pagkain? Minsan talaga, hindi ko naiintindihan ang sarili ko. Hayy.


I liked Khalil since then. At kapag sinabi kong since then, noon pa talaga, 'yung time na nagkakilala kaming lahat.



-Flashback-



(4 years old)



"Kilala mo ba sila?" tanong ng batang si Miles kay Julia


Umiling ang batang tinanong ni Miles. "Hindi. Sinundan lang nila ako rito."

Kumunot naman ang mga noo ni Miles, Sue, at Kathryn. "Sinundan?" sabay-sabay na tanong nila


"Saan ka galing?" tanong ng batang si Sue


Nandito kasi sila sa harapan ng bahay nina Sue para maglaro. Nasa iisang subdivision lang kasi silang apat.

That Nerd Is A GangsterWhere stories live. Discover now