"Hey, anong nginingiti-ngiti mo riyan?"


"Nothing." Nakangiti pa rin ako. Bakit nga ba ako nakangiti? Para akong tanga na masaya na hindi sigurado kung bakit nga ba ako masaya.


Bumangon si Hugo at mahinang tinuktukan ako sa noo. "Anong iniisip mo, ha?"


Tinabig ko ang kamay niya at bumaba ang aking paningin sa crotch niya. "Hugo, you know that we're getting married already. Hindi rin naman ito ang unang beses na may mangyayari sa atin, if ever. May anak na nga tayo. Bakit kailangan mo pang magpigil?"


I just found it hard to believe. Imposible kasi na gusto niyang ikasal muna kami bago namin gawin ulit iyon. Hindi naman siya conservative na tao at mas lalong hindi siya santo.


"I was thinking of you, okay?" He pushed his hair back with his long fingers. "I just don't think that you're ready for this."


"What if I am?" Hindi ko alam kung saan ko napulot ang salitang aking binitiwan. 


Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ko.


Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito kay Harry. Bakit kay Hugo ay parang nagiging ibang tao ako? Kahit mula pa noon, pagdating sa kanya ay ganito ako. Iyon bang kahit hindi ko pag-isipan ang sasabihin ko sa kanya ay okay lang. That I didn't have to be composed, and careful in choosing words. 


I didn't have to wear my mask in front of this man. I could be weird, cranky, or silly, and there would be no problem. I could be honest with myself and I would still be fine.


Napanganga siya. "Hey, your eyes..."


Dinama ko ang gilid ng aking mga mata at nakapa ko roon ang luha. Napangiti na naman ako na parang tanga. Hindi ko kasi namalayan na naiiyak na pala ako. Bakit nga ba?


Ah, naalala ko ang pagka-stranded namin kanina. Sinisi ko si Hugo, nagsisihan kami, to the point na nagsigawan na kami. But in the end ay nagkasundo rin kami. Pero bago iyon ay nailabas ko muna ang lahat ng nararamdaman ko.


Iyong frustration ko, iyong takot ko na baka abutin kami ng dilim, iyong pagsang-ayon ko sa paghahanap ng tulong, at iyong excitement ko nang finally ay makakita na kami ng bahay sa daan — Lahat iyon ay walang pagpipigil na na-express ko kanina nang buo.


Sa tagal ng panahon, ngayon ko na lang napalaya ulit nang ganito ang sarili ko. Ngayon na lang. At lahat iyon ay dahil sa lalaking ito.


"Hugo, I want to kiss you."


Nagulat naman siya dahil hindi niya inaasahan. "W-what are you saying?"


Napangiti ako dahil parang ganoon din ang tanong ko kanina sa kanya nang sinabi niya na gusto akong halikan.


"I said, I want to kiss you," ulit ko. "No, hindi ko lang pala gustong halikan ka. I want to do more than that..."

South Boys #4: TroublemakerWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu