Chapter 10 : End in Beginning

5 0 0
                                        

"Here ohh, uminom ka muna para mapalitan yung niluha mo." Sabi ni Mershia sabay abot sakin ng isang boteng tubig. Kinuha ko rin naman iyon at ininom.

Magdidilim na rin pala, sa katutulala ko ay hindi ko na rin namalayan ang oras.

"Now, care to share kung anong nangyari kanina?" I was stan sa tanong ni Pea, I know na itatanong rin naman nila ang iyon ngunit hindi ko lang napaghandaan dahil nga sa masyadong occupied ang isip ko.


I have the same question with myself, ano nga bang nangyari sakin kanina. Bakit ganon na lamang ako makaakto eh kung tutuusin ay dapat wala akong pakielam sa kanila nung kung sino mang babae 'yon.


"Bakit hindi ka makasagot huh? Hyssa lately napapansin namin na parang umiiwas ka sa tao, even samin. And parang palaging napakalalim ng iniisip mo. Tell us what's bothering you, kaibigan mo kami." Hearing those words from Pea makes me wanted to cry again. They really know me.

"Would you believe me if I say, I doesn't know the answer as well?" I faked laughed, wishing it could take all the tears that falling down to my cheeks.

"Hyssa, paano ka namin matutulungan kung ganyan huh? Please tell us" Kitang kita ko sa mga mata nila ang pag-aalala sa akin ngunit kahit anong hagilap ko sa kasagutan sa tanong nila ay hindi ko talaga ito matagpuan.

"Pea, Mershia, hindi niyo ako kailangang tulungan sa lahat. I really appreciate na nandyan kayo sa tabi ko, it's already enough for me. Meron lang talagang bagay na ako lang ang makalulutas." I said and gave them reassuring smile.


Lumapit sa akin si Pea bago muling nag salita, "Fine, if that's the case, then we will always by your side. No matter what battle we are one for all, all for one." Then they hug me as if I will be gone when they doesn't do it.


We continue watching the sunset until it's fully down. I'm glad that I have these kinds of friends.

Napalipas pa kami ng ilang minuto Doon bago kami tuluyang umuwi sa aming mga kanya kanyang bahay. Dahil na rin sa pagod ay nag paalam na ako sa kanila mama na matutulog na ako dahil kumain na rin naman na kami kanina bago kami bumyahe.


Agad na binalot ako ng kadiliman pagkahiga ko sa kama ngunit tila ilang minuto pa lamang ang lumilipas ng may nabuong senaryo sa aking paligid.


Malabo ito noong una hanggang sa luminaw ito at gumalaw. Hindi ako maaaring magkamali, ito ang tagpo kanina sa bookstore. Simula sa paghahanap ko ng libro hanggang sa halikan ni Nhiro at ng babae kanina.



Gusto ko na lamang makaalis sa kung ano man ito. Nasasaktan ako kahit hindi naman dapat. Panaginip ba ito? Gusto ko nang magising sapagkat ang bawat tagpo ay tila nag i-slowmotion sa harap ko.


Tanging pagluha na lamang ang nagagawa ko habang pilit na ipinapakita muli sa akin ang nangyari kanina. Halos triple ng sakit ang nararamdaman ko ngayon kumpara sa kanina.

Pilit ko ng iginagalaw ang kamay at paa ko ngunit hindi man lang ito gumalaw kahit kaunti. Sa gitna ng pagpupumulit kong makaalis sa lugar na iyon at nakita ko ang pagtingin sa akin ng babaeng kaharap ni Nhiro ngayon, nakatitig ang mga mata nito at nakangiti sa akin naanimo'y nanunura. Dahil sa pagtitig sa akin ng babae ay napalingon din sa kinalalagyan ko si Nhiro at sumalubong sa akin ang tamad nitong mga mata.


Gusto ko ng makaalis dito, gustong gusto ko na. Patuloy lamang ako sa pagluha hanggang sa may malakas na tunog akong narinig kasabay ng pagsalubong sakin ng kadiliman.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Probinsyanong Bad Boy (On-Going)Where stories live. Discover now