Chapter 2

0 0 0
                                    

They were suspended.

Matapos ko silang isumbong kay ma'am Julie ay agad silang pinuntahan ni ma'am sa Cr kung saan ko sila kinulong.

Do I feel guilty?

Psh. Syempre hindi. They deserve it for  exploiting someone weaker than them.

Matapang 'yang Zamudio na 'yan dahil may kakampi siyang mga alagad pero kung teacher na ang kalaban niya, wala na siyang magagawa kundi ang maparusahan.

Kinabukasan ay normal ang lahat. Pumasok ako sa school at nagkaroon ng klase. At as usual, maingay pa rin ang mga kaklase ko na kinaiinis ko dahil hindi ko na marinig ang discussion ng ibang teacher namin.

Ang iba kasi naming teacher ay hindi kayang kontrolin ang basurang pag-uugali ng mga kaklase ko pero may iba naman na kinatatakutan ng mga kaklase ko kung kaya't minsan ay tahimik sila na naghahatid sa'kin ng kalayaan na maintindihan ang mga discussion namin.

Kung ako lang talaga ang masusunod, ayoko sa section na 'to. Gusto ko ng lumipat! Ang gusto ko magkaroon ako ng mga matitino, matatalino at competitive na mga kaklase. Hindi ang mga ganito na akala mo ay mga hayop na palaging nakawala sa mga kulungan nila kapag may klase.

Isa ito sa mga moments na tahimik ang mga kaklase ko kung kaya't matiim akong nakikinig sa teacher namin na nagtuturo sa harapan tungkol sa history.

"May nakakaalam ba dito kung anong buong pangalan ni Dr. Jose Rizal?"

Magtataas na sana ako ng kamay nang may kumatok sa pintuan.

"Excuse me po ma'am," the gay teacher said. Lumapit naman si Ma'am Mira at saka sila sandaling nag-usap.

"Sino dito si Miracle July Escarez?" Malakas na tanong ni ma'am.

I blinked and hesitantly raised my hand. "Ako po ma'am."

Nagtaka naman ako nang pinalabas ako ng gay na teacher kasama pa ang mga gamit ko. Teka, anong meron?

"Good morning po sir," binati rin ako ni sir pabalik. "Pwede pong matanong kung anong meron?" Bungad kong tanong nang magkaharap kami.

Pansin ko kaagad ang makinis at gwapong mukha ni sir. Malaki ang boses nito kaya sa unang tingin mapagkakamalan mo siyang lalaki. Pero 'nong pumilantik na ang kamay niya, 'don ko na-confirm na 'confirm' nga si sir.

Habang pababa kami ay nalaman ko kay sir na mali daw ako ng napasukan na section. Hindi daw 'yon ang Section A kundi ang Section O— the last and one of the 'worst' section sa school.

Sabi 'yan ni sir ah, hindi ako.

Pero, in fairness. Hindi sila ang pinaka worst na section. One of the worst lang pala sila, ibig sabihin may mas malala pa sa kanila. I mentally shook my head.

Pinaliwanag sa'kin ni sir na may nagpanggap daw na ako. Medyo naguluhan ako 'nong una dahil akala ko nag transform siya para maging ako. Ang galing naman niya mag make-up kung gano'n.

Sabi ni sir, pareho daw kami ng pangalan. Miracle July pero magkaiba ng apelyido. Pero imbes na ang totoong apelyido no'ng babae ang sabihin nito no'ng tinanong siya. Sinabi niyang siya daw 'yong hinahanap nilang Escarez which is ako naman talaga.

Nagawa daw 'yon ng babae dahil gusto nito maging Section 1.

Napatango na lang ako at hindi na nag react pa. Nang makarating kami sa classroom ay agad akong pinakilala ni sir at sinabing ako ang 'original' Escarez sabay maarteng paglalahad nito ng kamay sa'kin na parang pinapakilala ako bilang beauty queen.

Pumalakpak at nag cheer naman ang mga kaklase ko. Nahihiya naman akong ngumiti at umupo na sa upuan ko.

"Hi!" Bumaling ako sa katabi kong petite at maputing babae. Una kong napansin ang hugis ng ulo niya na maliit. Ang cute.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Would they cross the line?Where stories live. Discover now