Chapter 1

3 0 0
                                    

Rinig na rinig ko ang malakas na pagbuhos ng ulan kasabay ng pagkulog at pagkidlat.

Mula sa gilid ko ay dinig ko ang pagbabalita sa TV tungkol sa bagyong nagpapabaha daw sa ilang lugar sa Manila.

Titig na titig ako sa langit na lumiliwanag tuwing kumikidlat. Ang ganda.. pero bakit kaya kumikidlat tuwing umuulan?

"Anak, nano'y mata ka pa?" (Bakit gising ka pa?)

Lumingon ako at nakita si mama sa pintuan.

Lumapit sa'kin si mama at umupo sa tabi ko. She open her arms widely and smiled at me. Yumakap ako sa kanya.

I can feel her hands caressing my hair. I sighed dreamily, feeling comfort by my mother's embrace.

"Natatakot ka ba sa kidlat kaya hindi ka makatulog?" tanong niya na may halong pag-aalala.

Yakap ko pa rin si mama nang umiling ako. I looked up at her. "Mama, bakit po lumiliwanag ang langit kapag umuulan?"

Napakurap siya saka napangiti.

"Lumiliwanag ang langit dahil kumikidlat."

"Bakit po kumikidlat?"

She laughed. "Kasi may mga nag-aaway na dragon sa langit." She pinched my cheeks.

My curious eyes widen in amazement. "Really?"

"Yep, nagbubugahan sila ng mga apoy sa langit kaya nagkakaroon ng kidlat!" Nilakihan niya ang mga mata  at tinaas ang mga kamay na parang kamay ng dragon. Tila ba tinatakot ako na hindi naman tumatalab sa limang taong gulang na ako.

Imbes na matakot ay mas lalo akong na-excite at namangha sa sinabi niya. "Gusto ko po silang panoorin mama!"

Kumunot ang noo niya. "Panoorin? Sino? Ang mga dragon na maglaban sa langit?"

I seriously nodded. Natawa naman si mama.

"Dili! Hindi pwede," she shook her head while her eyes were closed. "Delikado at baka mabugahan ka nila ng mga apoy! Saka hindi ka makakapunta sa langit dahil hindi ka naman nakakalipad anak,"

"Kung gan'on sasakay ako ng eroplano para mapanood sila," I said eagerly.

Hindi ko alam pero tumatawa lang si mama sa'kin na para bang may sinabi akong joke. Pero hindi naman ako nagbibiro. Sasakay talaga ako ng eroplano at plano kong sumakay sa eroplano bukas na bukas!

"May pera ka ba?"

Natigilan ako. "Pera?"

Tumango si mama. "Para makasakay ka ng eroplano, kailangan mo muna magbayad ng maraaaaaming pera," she said exaggeratedly.

Natahimik ako ng ilang segundo bago nagsalita. "Kung gano'n pahingi po ako ng maraaaaaming pera mama," inosente kong hingi sabay lahad ng kanang palad ko kay mama.

Humalakhak si mama saka niyakap at pinugpog ako ng halik sa mukha. Todo ilag naman ako habang tumatawa.

"Mama, aalis na po ako!" sigaw ko habang abala sa pagsusuot ng sapatos ko.

"Sige anak, ingat ka!" sigaw ni mama mula sa banyo.

Inayos ko pa ng kaunti ang uniporme ko bago lumabas ng bahay.

Napapikit ako nang tumama sa'kin ang tirik na tirik na sinag ng araw pero nang magtagal ay nasanay na rin ako kung kaya't malaya ko nang nakikita ang kapaligiran ko.

Napatigil ako nang may biglang tumakbo na bata sa harapan ko. Napakaingay ng mga bata habang naghahabulan sila. Hindi nila iniinda ang madudungis nilang mga damit at mukha dulot ng paglalaro nila sa kalsada.

Would they cross the line?Место, где живут истории. Откройте их для себя