I turn around nang nasa tapat na ako ng hallway papunta sa mismong pintoan ng suit ni Arshed. Tumigil rin ito sa paglalakad.

"I'll go ahead, Arshed." I pointed to my place. He nodded at me.

"Tamam..." (Okay...)

Nang tumalikod ulit ako ay dumiritso na ako sa kwarto ko. Agad akong naligo, nag-ayos at kumain pagkatapos. I put my pilot cap on my bed and changed it to my pilot uniform. I finished my luggage last night already, so it won't be a bother anymore.

Saktong alas cuatro y medya nang dumating ako sa parking lot. Agad akong sumakay sa sasakyan ko at nagmaneho papunta sa QIA.

Nakita ko agad si Devon sa lobby ng building at agad itong ngumiti nang makita ako. She waved her hand at me kaya nilapitan ko ito.

"Good morning, Captain!" I creased my forehead in anticipation of her energetic aura.

"Good morning?" nag-aalangan kong sagot.

Devon pouted her lips, pero agad namang ngumiti ulit.

"May chika ako sa 'yo!" She giggled excitedly, like it was the best thing she was going to do early in the morning.

I shook my head in disbelief. Kahit kailan talaga itong si Devon!

Hinila ako ni Devon palapit sa sofa at agad na pinaupo. May hawak itong disposable cup na may laman na kape. I stared at her blankly, which made her giggle even more.

"Bakit maganda yata ang gising mo ngayon?"

Malapad na ang ngising iginawad ni Devon sa akin. Uminom pa ito ng kape bago naupo ng maayos at humarap sa akin. Halata sa mga mata nito ang saya na hindi ko alam kong ano ang dahilan.

"My crush and his girlfriend broke up already!" She excitedly exclaimed and giggled. Napailing na lang ako.

"Ang aga-aga, Devon!" I hissed at her. Tumawa nang malakas si Devon kaya natawa na rin ako. I'm happy to see her happy. Kahit hindi nito sinasabi kung sino ang crush nito ay masaya na rin akong nakikita siyang masaya.

Despite what Devon went through, I'm happy that she's genuinely happy now, kahit pa dahil lang iyon sa crush niya.

"Ewan ko sa 'yo, Devon. Diyan ka muna, pupunta lang akong opisina, magre-report ako." Devon nodded nonchantly. Halata ritong masaya nga. Kanina pa ito nakangiti nang papasok pa ako sa building.

I knock on the door. When I heard Sir Jansen's voice letting me come in ay pumasok na ako. Pagpasok ko sa opisina ay agad kong nakita si Sir Jansen na may binabasang papel sa mesa nito. Agad naman nitong binaba ang papel na hawak nito at ngumiti sa akin.

"Good morning, Sir, sorry if I interrupt you," agad na bati at humingi ng paumanhin. Sir Jansen nodded at me and pointed the chair in front of his table, gesturing for me to sit down. Agad naman akong naupo.

"Sir, I know I just came back from a trip and I'm just returning to my duty now, but can I file for one week leave? I need to go home to the Philippines," nag-aalangan kong paalam.

I am not sure if he'll allow me. Okay lang din naman sa akin kung hindi ako papayagan, pero kailangan ko lang din subukan kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin nina Mommy kapag hindi ako umuwi. Though, sinabi ni Cassimer na pwede naman akong hindi um-attend sa anniversary, pero mas ipinagtataka ko pa iyon. Kadalasan kasi sa tuwing tumatawag ito at sinasabing kailangan kong umuwi, he always insisted that, pero ang pigilan ako ay nakakapagtaka.

"Is it very urgent, Captain Yara?"

Nabalik ang isip ko sa kasalukuyan nang marinig ko ang boses ni Sir Jansen. Tumango ako.

"Yes, Sir."

"Okay. Send me your paper and I will process it until you come back from your flight."

Agad akong nagpaalam kay Sir Jansen nang matapos kong permahan ang letter ko. Nang makalabas ako sa opisina ay nakita ko kaagad si Arshed na nakahilig sa dingding ng opisina. Nang makita akong lumabas ay tumayo ito ng maayos.

"Why are you here?" salubong na tanong ko.

"Devon told me that you were here." He licked his lips and looked away.

"Yeah... I reported that I'd be back on duty now, and I filed again for a leave."

Agad nagsalubong ang mga kilay ni Arshed nang bumaling ulit ito sa akin. Nagtataka.

"Why are you leaving again?" Medyo nagulat ako dahil sa sinabi ni Arshed. Parang double meaning pa yata, ah.

I shrugged my shoulders at him at nagsimula nang maglakad. Sumunod si Arshed sa akin.

"I need to go home," puno ng pait na saad ko.

Home. I wonder if I can really call it home when I just went there for occasions and for socializing. It's only for the sake of my family's whims. I never felt at home whenever I went back to the Philippines. Only Cassimer will gladly welcome me there. He never let me feel like an outcast. But it's not really what I need. He told me to come back home, but I never felt like I was home. It's more like I'm in my own prison whenever I go to our mansion. It's just a house; it never became a home for me.

_

GorgeousYooo

Coastline From The Sky- (COMPLETED)Where stories live. Discover now