Chapter 26 - Love

Start from the beginning
                                    

"Stick with me all night. Wag kang lalayo," utos niya.

"Huh? Talagang gagawin mo pa akong assistant mo kahit ganito na ang kamay ko?" Hindi makapaniwalang sambit ko habang naglalakad kami palapit sa team niya.

"Assistant? Hindi ba dapat girlfriend ang term na ginagamit mo?"


Tumungo siya sa nanay niya habang ako naman ay natulala at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. Tama ba ako ng narinig? Was he joking? Pero hindi naman siya tumawa! So does that mean, he's referring to me as his GIRLFRIEND?!


"HA?" sigaw ko nang mag-sink in sa utak ko ang ibig niyang sabihin. Napatingin lahat ng mga tao sa akin. Even the cheerleaders on the side glared at me for shouting.

Kinagat ni Russell ang labi niya at pinigilan ang sarili sa pagngiti. I blushed and just stared back. Tumingin na ulit siya sa Mama niya at kinausap ito ng seryoso.

Bakit hindi niya linawin ang sinabi niya? I'm one hundred percent sure he mentioned the word girlfriend...


Ngumuso ako at inulit ulit ang mga linya niya sa utak ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagkabaliw nang lumapit si Marina sa akin. She was with Lucas but she left her boyfriend for me.

"How was your hand?" Marina asked. Hinila niya ako sa isa sa mga sofa doon at pinaupo. I told her about the results of my checkup and she was relieved to hear about that it wasn't that serious.

"Wag mo na sabihin kay Papa. Magaalala lang 'yon."


Umingay ang mga tao at nagsimula na silang maglakad papunta sa banquet room kaya tumayo na rin kami ng pinsan ko.

"Hey," Lily approached me. Invited din pala ang Russell Riders... "I saw you and Russell arrived here together. Saan kayo galing?"

"Sa hospital."

"Kayo lang?"

"Dapat ba kasama ka?" I blurted out without thinking. Na-realize ko rin naman agad na parang ang rude ng tono ng boses ko kaya tumawa ako. "Sorry, hehe. Kasama namin si Manager Lee kanina pero dalawang kotse kasi ang dala nila kaya naghiwalay rin kami ng landas."

"Bakit hindi ka kay Manager Lee sumabay? Why does it have to be with Russell?"

"Sabi niya, sa kanya ako sumama..."


Halatang may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya na nagawa pang banggitin dahil biglang tumingin sa gawi namin si Russell. Nandoon na siya sa table nila ng mga kaibigan niya pero nilingon niya pa ako.

He gestured for me to come so I hesitantly walked towards his table.


"Dito ka." Hinigit niya pa ang upuan para sa akin. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao kaya naman bumilis ang tibok ng puso ko.

"Umupo ka na, Sab. Sit down." Luh, gawin ba naman akong aso.


Tumango na lang ako at susundin na sana siya nang unahan ako ni Agatha. She confidently sat on my chair and smiled. "Thanks Russ."

Sumama ang timpla ng mukha ko. Bruhildang 'to, feelingera talaga. Ikaw ba si Sab? Parang engot potek. BOBO!


Russell didn't appear to care what his friend did. Hinayaan niya lang ito.

"Do you want to sit here, Sab?" Sa tabi ni Agatha? Ikaw na lang. Baka lagyan niya pa ng lason pagkain ko kapag hindi ako nakatingin. Or, baka ako ang gumana no'n sa kanya. Gigil niya ako!

Love Me in BrooklynWhere stories live. Discover now