May iilang nagsisiiyakan na dahil natatakot sila sa pagsigaw at sa galit na ipinapakita ng punong-guro. At karamihan sa nagsisiiyakan ay mga babae.. Naaawa na din sila sa adviser nila dahil alam nila kung gaano ka-soft ang mentality nito. Tiyak na kinukwestyon nito ang sarili ngayon..

Tumingin si Nella kay Michelle na basang-basa na ang mukha kaya pasimple niyang ibinigay dito ang panyo niya na tinanggap naman nito. Nasa gilid lang siya habang tahimik na pinapakinggan ang panenermon ng kanilang punong-guro.

Hindi ito ang unang beses na naabutan niya ang galit nito, maraming beses na.. Kaya wala na sakaniya kung sumigaw man ito o magsalita ng masasakit na salita. Naiintindihan niya naman kung bakit galit na galit ito dahil sa sobrang dami na talaga nilang issue. At hindi maganda sa reputasyon ng eskwelahan iyon.

"President Camero!"

"Yes, Sir?" kalmadong pagtugon ng dalaga sa umaapoy na ginoo.. Magalang niya pang inihirap ang katawan sa gawi nito.

"Ilan ang nahuli niyong gumagamit ng cellphone sa loob ng klase?"

"I honestly had no idea about that case, Sir.."

"WHAT??!?! You are the President of this school yet you have no idea?! Nasaan ka nung mga panahong nangyari yun?! Natutulog?! Yun ba ang ibinigay kong trabaho para sa'yo?! Hindi mo man lang sinabihan ang mga kaklase mo! Ilang beses nang bumabalik ang mga iyan sa guidance office pero dinadaan mo na lang sa pagtulog.. ?!?! Thinking na lilipas din naman?! I didn't know you're that careless, Miss Camero!"

Napatingin ang magkakaklase kay Nella na siyang kalmado padin.. Blangko padin ang mukha nito at tila hindi man lang iniinda ang lahat ng mga sinasabi ng punong-guro..

"Hindi ka man lang ba sasagot, Miss Camero?! Huh?! Tatayo ka lang riyan na para bang wala kang naririnig?!"

"Dad, stop yelling at her."

Lahat ay napabaling kay James nang magsalita ito, ultimong si Nella na hindi iyon inaasahan. Pero mukhang walang pakielam ang binata sa mga reaksyon nila, deretso lang kasi itong nakatingin sa ama.

"What did you say.. !?"

"I said.. stop yelling at Nella. Sigawan mo na ako, 'wag lang 'yan."

"Sa harap ba talaga nila na magiging bastos ka sa akin, Mister Bremen?"

"I was saying that you should stop yelling at Nella.. Wala siyang kasalanan dito. And she wasn't sleeping when that incident happened. She was busy doing your activity for her inside of SC Office.." seryoso nitong sabi.. "At 'wag mong isisi sakaniya ang mga yun.. Kung talagang tinuturuan mo ng magandang asal ang mga eatudyante mo, hindi sana hahantong sa ganito.. Admit it, your COCC's did failed to their job.."

"James Harvin!"

"What?? You're mad at me?? Again? Go on.. Tutal 'yan lang naman ang palagi mong treatment sa akin.. Right, Dad?" ngisi ng lalaki kaya napahampas ang punong guro sa lamesa niya sa pag-aakala na matatakot niya ang anak ngunit hindi man lang ito natinag.. "Instead of blaming Nella, why don't you ask yourself if you did have shortcomings for being a Principal?"

"What did you say!?"

"James, tama na.." pigil ni Nella dahil alam niyang kaonti na lang ay mapupuno na ang punong guro..

"Bakit mo isisisi sa iba ang mga pagkukulang mo? Sabagay, ikaw 'yan eh.. Jordan Haven Bremen! Always the right one, never been wrong--"

"--REPEAT IT!"

"SIR JORDAN!" awat na agad ni Nella nung sugudin ni Principal Bremen ang anak na siyang hinayaan lang nito. Mahigpit ang pagkakagusot niya sa kwelyo nito ngunit walang pakielam ang binata doon. "Sir Jordan, tama na.. Nasa harap kayo ng mga estudyante!"

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now