I don't need to push and rush.

Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto kung saan kami dinala at kinulong ng mga 'yon. Parang abandonado na ang kwartong 'to. Yung katulad ng mga kwarto sa abandonadong building lang.

"Siguradong hinahanap na nila tayo," sabi ko at tiningnan si Hiro na nasa tabi ko. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at hindi naman siya nagreklamo.

"Yeah."

"Sa tingin mo, bakit nila tayo dinukot? For ransom?" tanong ko at sandaling napatingala na akala mo'y may makukuha akong sagot sa taas.

"Ransom? No." Umiling siya. "Sa tingin ko, hindi nila kailangan ng pera. May malalim na dahilan pa."

Kung gano'n, ano naman iyon? Anong kailangan nila sa aming dalawa?

Honestly, I'm scared. Natatakot kung ano man ang mangyayari sa amin habang hawak nila kami. Natatakot ako para sa kaligtasan naming dalawa.

Alam kong hindi dapat ako pangunahan ng takot pero kasi... hindi ko mapigilan lalo na't hindi namin kilala ang nagpakuha sa amin at hindi namin alam ang dahilan niya kung bakit niya kami pinakuha.

"Hiro, promise me that no matter what happens, you won't leave me. We will get out of here safely."

"Hindi naman kita iiwan," sagot niya at hinaplos ang buhok ko. "Sabay tayong aalis dito. We will go home together. Safely. Promise."

"Kilala kita, Hiro." Hinarap ko siya at nakitang nakatingin siya sa akin. "Alam kong hindi mo ako iiwan pero alam ko rin na uunahin mo ako kesa sa sarili mo."

He smiled at me. "May masakit pa ba sayo? Nagugutom kana ba?"

Napaismid ako dahil ang galing niya talagang ibahin ang usapan.

"Masakit pa rin ang katawan ko dahil sa biglang pag-bagsak sakin." Napabuntong hininga ako dahil totoo naman. Masakit pa rin ang katawan ko lalo na ang pang-upo ko. "At oo, nagugutom na ako pero kaya ko namang tiisin."

"Babawian ko ang lalaking iyon dahil sinaktan ka niya." Nakabusangot na aniya.

Natawa ako. "Ayos lang. At isa pa, anong laban mo sa kapre na 'yon? Ang laki non, e ikaw? Langgam ka lang siguro para sa kaniya."

Nagsalubong ang makapal niyang kilay dahil sa sinabi ko. "Ano naman? Ano naman kung langgam lang ako sa paningin niya? Basta babawian ko 'yon dahil sinaktan ka niya. Isusumbong ko rin siya sa pamilya mo."

"Hiro—" He cut me off. Ang hilig din niyang putilin ang sasabin ko! Hindi ko ba alam sa lalaking 'to.

"Bawal kang masaktan. Inaalagaan kita, e kaya bakit ko hahayaan na saktan ka nila?" Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Napabuntong hininga siya. "Kung sasaktan ka man nila, ako nalang. Basta huwag lang ikaw dahil baka ikamatay ko iyon."

Napaiwas ako ng tingin. Nagsimulang mag-init ang mga mata ko, naiiyak ako. Naiiyak ako dahil ganito siya sa akin, palagi niya akong pinoprotektahan habang ako ay wala man lang nagagawa kapag siya naman ang nasasaktan.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now