Chapter 18

209 30 0
                                    

"Plea, ako na ang bahala kay Aida."Pag pi-presenta ni Denver.

"Totoo ba? Baka mamaya ay may kailangan kapang gawin." Nahihiya kong tanong.

Malaking tulong na ang pag vo-volunteer ni Denver, kulang pa ang salitang salamat para makabayad sakanya.

Nagdala na ng uniform si Caelus para magsabay na raw kami pumasok, sinabi ko sakaniya na wala kaming tubig kaya siya nalang ang nag igib sa poso.

"Baka napapagod kana, Caelus, ako na riyan." ani ko sakanya ng makita ang pawis na pawis na pangangatawan ng lalaki

Kitang kita ko ang hubog at bakat ng mga abs nya mula sa sando na suot, sobrang gwapo talaga nitong aking nobyo!

"Hindi naman nakakapagod, part na rin ng exercise." Ani niya nang punasan ang sarili

Nakasando lang din ako ngayon at may nakasabit na tuwalya sa aking balikat at nakatakip banda saaking dibdib.

Tanghali na kaya nauna na akong naligo sakanya, nang makalabas ako sa banyo ay siya na ang sunod na naligo. nakita ko si Aida na nakahiga habang nanunuod ng cartoons sa cellphone ni Denver, si Denver naman ay nakaupo lang sa gilid nito.

"Aida's really cute." nagulat ako ng magsalita si Denver, nasa likuran ko na siya ngayon na kanina lang ay nasa tabi ng kapatid ko.

"A-ah, oo mana sa ate," naiilang kong tugon

Nagsusuklay ako ngayon sa harap ng maliit na salamin, bumalik siya sa tabi ni Aida at sinamahan niya na itong manood

Tapos na rin maligo si Caelus, nakapulupot lang ang tuwalya sa bandang ibaba niya, Halos lumabas ang mata ko nang makita ang pangangatawan niya. Pumapatak pa ang tubig mula sa kulot na puti niyang buhok, para tuloy akong prinsesa na unang nakita ang prinsipe

"Bro, may bata." napatigil ang pag papantasya ko sa nobyo ko nang maagaw ni Denver ang aking atensyon.

Siguro'y kanina niya pa rin pinagmamasdan itong si Caelus, sa likod ito ng divider at malabong makita ni Aida, lalo na't busy si Aida sa panonood.

Tinignan lang ito ni Caelus, at dumiretso sa kwarto upang mag bihis. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakita ko ng lumabas ang boyfriend ko sa kwarto.

Naka slacks ito na kulay itim at naka t-shirt, hindi niya pa suot supt ang uniform niya.

"Let's go, Babe?"

Parehas kaming napatingin no Denver sakanya, gayun din ay tumingin din si Aida rito.

"Wow pogi naman ng crush mo, Ate,"Ani ni Aida

Nginitian kolang siya at nilapitan upang mag paalam na rin

"Sobra," bulong ko rito.

"Oh sya, maraming salamat talata Denver sa pag babantay ng kapatid ko, ha! didiretso na agad ako sa pag uwi para hindi kana maabala ng husto, pasensya kana." pag papaalam ko kay Denver

"Ayos lang ’yon, maliit na bagay." pag kindat niya pa.

"Aalis na ako, Aida. Huwag masyadong pasaway kay kuya mo Denver ha!" hinalikan ko sa noo ang kapatid ko.

"Opo, ate, Ingat po sa school."

"Mauuna na kami, Denver." pag papaalam ko sa lalaki ng tumayo ako sa tabi ni Caelus.

"Hindi kana ba kakain, Plea?" tanong nito

"We will eat nalang, thankyou for asking her, Bro. We need to go!" Si Caelus ang sumagot non,

Hinawakan niya ang kamay ko at lumabas na kaming pareho, binuksan muna ni Caelus ang pintuan upang makapasok ako sa sasakyan niya at umikot na sa driver seat.

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now