Chapter 9

19 2 0
                                    

Pia's POV

After some minutes lang, may nakita na akong paparating na kotse. Black car, pangmayaman talaga, malinis, maganda, at napakalinis. Pero malinis nga talaga siya. Malaki-laki rin.

"Sakay na. Ano pang hinihintay mo?" Di ko namalayan nanduna na siya sa may isang pintuan ng car. Psh, hindi talaga to gentleman. "Anong gusto mo pagbuksan pa kita ng pintuan? Bukas pa magsisimula ang princess life mo, panget."

Sama talaga nito. Akala mo kung sinong gwapo. Sumakay na ako sa loob ng kotse. Ang bango rin pala. Pasensya na ngayon lang ako nakasakay sa kotseng magara.

"Huy, Saan bahay mo?" Tanong niya sa akin. Kung maka-huy naman to.

"Sa Mayon Avenue, Orion street." Mataray kong sagot.

"Manong dun po tayo." sabi niya.

"Sige po sir." Sabi ni manong driver. Nilagyan niya rin ng takip ang boundary dun sa front seat at back seat. Sosyal ng kotse.

Malayo-layo pa dito bahay ko kaya napag-isipan ko magreview sa mga lessons.

"Hoy, ugly nerdy. Talikod." Utos niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Gusto mo makakita ng abs?" Tanong rin niya. "Bibihis ako dali."

"Hindi ako interesado no? Heh?" Sabi ko. "Tsaka nagrereview ako no?"

"Ang rami-raming banyo sa school hindi nagbihis doon." bulong ko.

"Anong sabi mo?" Tanong niya.

"Wala." I plastic a smile. Bumalik na ako sa pagbabasa. Out of the corner of my eye, napansin ko na lang naghuhubad siyang sando. Di ko masyadong napansin ang kanyang 'abs daw' kasi di nga ako interesado. But I can tell na macho siya. Malaki ang kanyang mga braso't balikat. Hot siya, oo. Hot na hot. Since high school pa yan hot, pero ngayon ko lang nalaman pati ulo hot rin lagi.

"Naninilip, pakipot pa kasi." Bulong niya, ngunit narinig ko pa rin. Di ko alam kung malakas lang talaga pandinig ko o malakas lang talaga yung bulong niya,

"Yuck, hindi no? Feeler!" Angal ko.

"Kinakausap ba kita? Guilty." Mataray niyang sabi. "Tsaka nagsabi ba akong pangalan?"

I rolled my eyes on him at bumalik sa pagbabasa. Ilang minuto lang biglang may pumatong na paa sa notebook ko. "Huy, ano ba? Ang baho-baho" reklamo ko sabay takip ng ilong.

"Hindi yan mabaho no? Nilalagyan ko lagi ng pabango yan at nililinisan ko lagi yan. Matutulog ako, pagod na pagod na ako." Tamad niyang sagot. Nakapikit na pala siya.

"Umayos ka. Akala mo ikaw lang pagod. Pagod na rin kaya ako." reklamo ko. Pilit kong inaalis ang paa niya sa notebook ko pero ang bigat ng malalaking paa niya. Nakakainis tong godzilla to. Nung naalis ko na paa niya, binalik niya ulit kaya naipit yung kamay ko. "Aray masakit. Ang laki kasi ng ano mo."

Napabangon siya. "Masakit ba?" Hinawakan niya kamay ko.

"Sus, dumudugo lang naman. Sipsipin mo na lang." Sabi niya. Langya to.

"Ikaw na lang kaya sumipsip. Kasalanan mo naman to." Angal ko.

"Yucks kadiri ka." Nandidiring sabi niya.

"Panindigan mo to. Ikaw ang may kasalanan."

"Hihilom din yan mamaya. Sa una lang yan masakit." Sabi pa niya. I slap his head.

"Mga bata, tama na yan. Nasa Mayon Avenue na tayo. Tsaka bata-bata niyo pa" Biglang sabi ni manong driver.

We looked at each other. "It's nof what you think, manong." Sabay naming sabi ni Vryke. Tinanggal na ni manong yung takip.

"O? Nakabihis kayo agad? Bilis ah" gulat na sabi ni manong.

Tumawa ng malakas si Vryke. Anong nakakatawa dun? I just fake a smile to him.

"Sa kanto na lang ho manong." Sabi ko.

"Hoy eto naman. Biro lang." Sabi niya. The car stopped. I was about to open the door ng mas inunahan niya ako. Di ko namalayang nasa labas na siya. Ang bilis niya ah. Bumaba na ako at tumingin sa relo. 7:50 na.

"Hindi pa naman 12:00 ah. Di ba sabi mo bukas pa magsisimula." Mataray kong sabi.

"Eto naman oh. Di mabiro." He said. I started walk on the street. "Hoy, susundiin kita bukas dito. Mag-ayos ka ng susuotin mo bukas." I heard him shouted. Pero patuloy ako sa paglalakad. Hindi ako lumingon sa likod ko.

Pumasok na ako sa bahay ko. Binuksan ko ilaw at bumungad sa akin si Mama.

"Ma?" Gulat kong tanong. She shook his head.

"Ba't ka late?" Sabay naming tanong. Except that ang sinabi ko ay "Ba't ka maaga?"

"Gumawa po kasi akong project, ma." pagsisinungaling ko. Ngayon lang ako nakapagsinungaling kay mama, lagot. "At may quiz pa kami bukas kaya, eto po nagrereview ako."

"Hmmm. Mabuti."

"Ikaw ma? Di ba mamayang 11:00 pa nagsasara ang computer shop" Tanong ko.

"May nakaaway kasi ako sa Computer Shop. Kaya nasesante ako." sagot niya.

"O, ba't ka malungkot?" Tanong ko.

"Di ka ba nalulungkot dahil wala na akong trabaho?"

"Ano ka ba ma. Sa umaga cellphone repairer ka sa mall. Kapag gabi, employee sa computer shop. May isang trabaho ka pa naman." Sabi ko kay mama.

"Kahit na. Eh ang sweldo ko sa mall, pucho-pucho lang. 500 per day. Kulang pa yan sa isang araw na pagkain natin." Paliwanag ni mama.

"Ikaw talaga ma." Nilapitan ko si mama at niyakap.

Vryke's POV

"Hoy, susundiin kita bukas dito. Mag-ayos ka ng susuotin mo bukas." Sigaw ko pa. Eto talaga binibiro lang, napakasensitive. Balat-sibuyas eh. Pero ang sarap niyang biruin, haha.

Sinundan ko siya ng hindi nagpapadakip. Ni hindi niya lang naman ako napansin. Kakaiba talaga to. Pumasok siya sa bahay na maliit. Ang cute nga. Pagkatapos  nun, bumalik na ako sa kotse.

"Manong uwi na tayo." sabi ko.

"Yun na ba sir?" Tanong niya.

"Huh?" I said in confuse.

"Yun na yung girlfriend mo."

"Ano ka ba mang Ben. Hindi no."

"Alam mo ganyan rin ako sa misis ko dati. 18 pa lang kami nung nagtanan kami..." Bago pa humaba ang istorya ni Mang Ben pinutol ko na.

"Sige na Mang Ben, uwi na tayo. Pagod na ako eh." Sabi ko.

"Sige ho sir. Mukha nga eh."

"Wala ngang nangyari mang Ben." pagdedepensa ko.

Pero napagod talaga ako kay PIAnget. Napagod ako kakatawa. Hahahahaaha

Boyfriend kong BAKLAWhere stories live. Discover now