Nagulat ako nang maramdaman ang paa ni Caelum na sinisipa ang paa ko. Tumagal iyon kaya sa injs ko ay sinipa ko siya pabalik na ikinangiwi niya. Red

Nabaling ang atensyon ko kay Priel na kararating lang, lumabas kasi siya para kausapin ang girlfriend niya sa cellphone.

"Oh, ansabe?" usisa ni Harrison.

"Saturday, may christmas party sa amin invited kayo." Tumingin si Priel sa akin at ngumiti "Ikaw rin, Aisha, pumunta ka."

Pilit akong ngumiti. Alam kong pupunta rin ang girlfriend niya pero ayos lang, dahil inaya niya ako pupunta narin ako ro'n kahit gustuhin ko lang siya sa malayo ay ayos na.

Siguro gano'n talaga may mga bagay na hindi ko talaga pwedeng ipilit lalo na kung ang bagay na iyon ay tungkol sa nararamdaman ko. It's obvious he only see me as his friend or Jacob's cousin wala nang hihigit pa roon.

Hanggang sa matapos kami sa pagkain ay inaaway pa rin ako ni Caelum napapamura pa siya dahil masakit daw ang binti niya.

Kinabukasan ay tinapos ko lang ang mga outputs ko 'tapos ay nagligpit na ng mga gamit na dadalhin ko sa condo ni Jacob. May break kami para sa nalalapit na Christmas at talaga namang ito ang inaabangan ko. Malayo kasi sina Mommy at Daddy ayoko munang pumunta sa ibang bansa.

Ang sabi ni Jacob isasama niya raw ako sa agency na papasukan nila, kapag nakapasok sila roon magkakaroon na sila ng studio magiging ganap na manager na talaga siya. Mayaman naman sila at may sariling studio pero gusto niya pa rin ang may kontrata.

"I'm done, saan ka sa Christmas?" Tanong ni Clarisse.

"Condo ni Jacob." Ngumiti siya at binigyan ako ng mahigpit na yakap.

"Doon ako sa Japan, uuwian kita ng pasalubong." Nagtinginan kaming dalawa ngumuso siya at sabay naming niyakap ang isa't isa.

"Another years with you, sister!"

"Another karupukan pa rin ba kay Jacob?" Taas kilay kong tanong. Alam kong may gusto siya kay Jacob kahit hindi niya aminin ay napapansin ko iyon sa kaniya.

"H-ha? Hindi ah!" Namuka ang pisngi niya kaya natawa ako.

Pabiro kong binagga ang braso niya.

"Stop denying it's obvious, don't worry your secret is always safe with me." I said while winking at her. my friend smiled at me and hugged me.

Bago kami umalis sa dorm ay nagkita-kita muna kami nina Simone at Clarisse sa café aalis rin kasi si Simone magiibang bansa ngayong pasko at doon rin siya sa bagong taon.

We have been friends for several years and I can say that I have been happy with them.

Hinatid ko ang dalawa sa airport, magkikita pa naman kami pero ang oa nilang dalawa maypa-iyak effect pa.

Nag-taxi nalang ako papunta sa sa mall may bibilhin ako at sunod sa condo na ni Jacob. Iniwasan ko na rin ang social media simula nang dumugin ako ng fans ni Caelum parang naging makasalanan ako dahil sa comment na iyon.

Pagkarating sa condo ay dumaretso ako sa boutique para mamili ng mga bagong damit. Daddy sent me money for Christmas and new year, they will be home before the new year kaya may badget pa rin ako. Pumili na rin ako ng susuotin kong damit sa sabado para sa christmas party kila Priel.

Dala ang mga pinamili ko dumaretso ako sa condo ni Jacob. Hindi pa ako nakakarating sa room niya nang madatnan ko siya sa labas.

"Bakit andito ka?" Taka kong tanong. Parang dismayodo ang loko.

"Nawalan ng power sa buong building baka bukas pa raw maayos ng electricians." Aniya bumagsak ang balikat ko.

"Pano 'yan?" Alinlangan siyang ngumiti sa akin.

"Hindi kasi pwede sa condo ni Harrison dahil darating ang pamilya niyo roon, ayaw din ni Theo mukang may tinatago, hindi naman available si Rupert ngayon habang si Priel ay nasa bahay ng family niya." Tumaas ang kilay ko.

"Doon muna tayo kay Cael—"

"Ayoko!" Pagmamaktol ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Doon nalang ako sa dorm."

Akmang tatalikod na ako nang kunin niya ang mga gamit ko.

"Huwag kang maarte d'yan baka isipin ko na may crush ka rin kay Caelum kaya ka umiiwas." Asar niya na ikininis ko.

"The heck?! Never kong magugustuhan ang bwisit na 'yun!"

"Dapat lang, babaero si Caelum." Aniya sabay tango. Hindi naman halata kay Caelum na babaero siya. Bad boy vibes pwede pa.

"Wala nang iba?" Nakanguso kong tanong habang pasakay kami sa kotse niya.

"No choice insan, sanay na ako sa condo ni Caelum kaya ayos lang sa akin."

"How about me? Hindi ako sanay."

"Sanayanin mo nalang ang sarili mo."

Sa huli wala rin akong nagawa kahit na labag sa loob ko'y pumayag ako na sumama sa kaniya. Mas matanda sa akin si Jacob pero hindi ko siya tinatawag na kuya dahil ayaw niya masyado raw nakakatanda.

Malinis ang condo ni Caelum, amoy ko rin ang bango niyon naabutan namin siya sa kusina na nagluluto alam kasi ni Jacob ang passcode ng condo kaya nakapasok kami agad.

"It looks like we will have a hard time getting into the MIV studio." Nakatunganga lang ako sa kanila na nag-uusap tinapunan ako ng tingin ni Caelum kaya inirapan ko siya.

"Kaya nga e, tanginang Harrison kasi 'yan bakit niya nilandi ang anak nang may ari nun?" Napapailing na usal ni Jacob.

"Nilandi ni Harrison?" Gulat kong tanong.

Tumango silang dalawa. "Nalaman ko na nilalandi pala dati ni Harrison si Mabe."

Natawa ako bigla sa itsura ni Jacob ang haba ng pag-nguso niya but at the same time nalulungkot dahil gusto niya talagang makapasok sa MIV studio.

"Si Aven? Bakit hindi mo kontakin?" Natigilan si Jacob, nagkatinginan sila ni Caelum at napangisi.

Si Aven kasi ang pinsan pa namin ni Jacob na kasalukuyang nasa US ngayon, kaibigan niya si Mabe at madalas din siyang nagpupunta sa studio dati dahil solo singer siya at maraming fans ang studio'ng MIV ang naging studio niya kaya mas naging kilala rin ito sa iba't ibang bansa.

"The best ka talaga, Insan!"

MIV Entertainment.


Thanks, HaterWhere stories live. Discover now