Masasabi ko na mayaman kami dati, pero after nung mga nangyari, cinut off na ako ni lolo sa mga financial aspect. Wala akong nagawa noon. Buti na lang nakapamana sa akin yung pera ng parents ko. I'm glad na hindi yun alam ni lolo kase kung alam niya, for sure kukunin din niya sa akin yun. Pati yung bahay ay nakapamana na rin dapat sa akin kaso hindi na ako nagtake risk. Alam ni lolo yung bahay namin, for sure pupuntahan niya yun. Bakit kailangan pa kase mangyari lahat ng yon?

Wow! Ganda ng buhay ko, 'no?

Feeling ko nagmumukha na akong tanga ngayon. Naiyak ako mag-isa dito tapos nasa gitna pa naman ako. Edi kitang-kita ako. Buti na lang gabi na, hindi masyadong kita yung mukha ko.

I'm still happy pa rin naman sa mga nangyayari lately. Hindi na nangungulit sa akin si Ethan kaya naman maluwag luwag ang pakiramdam ko. I'm glad na nawawala na rin yung feelings ko sa kaniya and feeling ko wala na rin talaga. Ilang beses ba naman nagcheat sa akin, after ilang years ng pagsasama namin.

Pero gosh! This one person, siya lang talaga naghihila sa akin para mabuhay. Who wouldn't fall for Miss Del Rosario? Ang ganda niya, sexy, matalino, mayaman, full package na, attitude nga lang huhu. Hindi ko alam kung kelan nagstart yung feelings ko sa kaniya pero simula ng makita ko siya, I feel na I've been longing for her presence, na parang kilala ko na siya dati pa. Bakit naman kase ganon siya? Ang sweet at ang caring niya, mas lalo akong nahuhulog. I want to court her, pero natatakot ako. Hindi naman siya magkakagusto sa akin. Isa lang naman akong hampas lupa tapos siya mayaman. She deserves better.

Huminga na lang ako ng malalim saka tumingala para mapigilan yung luha na patuloy pa ring nabagsak. Ang iyakin ko naman!

Nang mahimasmasan ako ay ngumiti na ako bahagya saka kinuha yung pentel pen para makapagwish na.

Ano kaya pwedeng isulat?

Gusto ko po ng madaming chicks...

I wish na magkaroon ako ng chicken ngayon kase nagce-crave ako don ngayon...

I wish na magkaroon naman ng kwentang kaibigan si Cehir...

De joke lang! Seryoso na talaga... seryoso sa kaniya... Joke, ito na talaga HAHAHAHAHA

Napailing-iling na lang ako sa mga naisip ko habang pinaglalaruan yung pentel pen sa kamay ko.

I wish for a better life where there is freedom.

Tinitigan ko muna ulit yung lantern after kong masulat iyon. That's really my wish today. Gusto ko naman maging malaya...

Bumuntong hininga ako saka pinalipad yung lantern. Fly high my lantern!

Namatay lang?

Napangiti na lang ulit ako habang pinagmamasdan yung langit. Ang ganda talaga. I feel relaxed right now.

"Beautiful, right?" Napatingin naman ako sa nagsalita sa likod ko.

What a goddess.

"Yeah..." Sabi ko saka tumingala ulit. Umupo naman siya sa tabi ko kaya naman hindi ko na napigilan na mapangiti.

She is the only one who can do this to me.

"What are you doing here?" Napalingon naman ulit ako sa kaniya at napansin ko na may dala siyang lantern.

"I just found this. May pagganto pala, kaya naman I want to try it." Kibit balikat kong sabi habang nakatingin pa rin sa kaniya.

"Ohh." Umiwas siya ng tingin saka tumingala para tingnan yung langit.

Because Of Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن