Prologue

2 0 0
                                    

Sa mga mabibigat na hininga at mabilis na tibok ng puso kong hinanap ang aking pangalan sa bulletin board na kung saan naglalaman ang listahan ng mga estudyante sa kani-kanilang section. Kasama ko ngayon ang aking matalik na kaibigan na kasalukuyang naghahanap din. Ngunit, pagkabigo ang aking naramdaman nung malaman na maghihiwalay kami ng section sa taong ito.

"Bakit ganun? Hindi naman gaano kababa yung grades mo diba? Hindi lang din tayo nagkalayo kung tutuusin." Maktol nitong saad sa akin. Maging ako ay hindi makapaniwala sapagkat kahit hindi man ako ang pinakamagaling sa klase, hindi naman ako nagkakalayo kung akoy sasali sa rank ng top 20. Nakakapagtaka ngunit gawa nalang ng ego ko, hindi ko nalang yun ipinaglaban pa. Tatanggapin ko nalang ang hatol ng Diyos sa akin kung ito man talaga ang gusto niyang maranasan ko sa aking buhay.

"Pabayaan mo na, Gian. Tanggap ko na kung saan man section ako mapunta." sabi ko sa mababang boses. Kahit na tutol man ako, ayoko na rin maging kumplikado pa ang proseso. Kung ito na talaga, bahala na.

"Sure ka ba? Baka pwede pa nating makiusapan ang adviser ng section 1 kasi you have all the rights just purely based on your academic performance." pagsusumamo nito sa akin.

"Huwag na. Nahihiya ako at isa pa, its God's will din kung bakit ako nalipat" sabi ko ng may kalahating kumpyansa sa aking mga nasabi.

"Ikaw bahala. Basta mamaya titignan ko kung may magagawa pa ba diyan sa sitwasyon mo. Mauna muna ako, magsisimula na ang klase." sabi nito at tumakbo na paalis nung tumunog ang bell.

*sigh*

Kahit ilang beses ko pang pinatatag ang aking sarili, hindi ko mapigilang kabahan dahil makakatagpo ako ng mga hindi pamilyar na kaklase. Idagdag mo pa ang sarili kong may pagka-introvert at unsociable. Mahinhin at matahimik akong tao, minsan sarkastiko at pranka kaya hindi na ako nagtataka kung pili lang din ang mga naging kaibigan ko. 

Katapat lang ng gate ang aking silid aralan kaya madali ko lang itong napuntahan. Pagdaan ko dito ay mas lalo akong kinabahan dahil nagsisimula na pala ang introduction process na pinangunahan ng magiging adviser namin. Napagpasyahan kong dumaan na lamang ikalawang pinto at umupo sa pinakalikod.

Saktong paglingon ko sa aking katabi ay napasinghap ako. Hindi ko akalain na yung kaklase ko sa grade 7 at maging sa TVL (Technical-Vocational-Livelihood) strand na si Crizle ay magiging kaklase ko ngayon. 

"Ikaw pala yan, Shanley. Bakit ka nga pala narito? Huwag mong sabihin na magkaklase tayo?" gulat nitong tanong sa akin.

"Yeah, hindi ko rin akalain na magkaklase pala tayo" sagot ko habang nagkibit balikat.

"Bakit? I mean diba, for such a genius person like yourself to be here, I find it hard to digest." sabi nito na hindi pa rin makapaniwala.

"Anong genius ka diyan, nahiya naman ako. Nandito na nga ako oh, pingsasabi mo dyan." sabi ko at bumaling ng tingin sa harapan.

"Omg, I can't believe it! Pero seriously, bakit nga? Hindi ako naniniwala, impossibleng bumaba yung grades mo at hindi ka umabot sa standard." bulong nito sa akin.

"Honestly, hindi ko rin alam. Tinanggap ko nalang kung anong meron, total wala rin naman magbabago." sagot ko naman. Tumango nalang ito kahit hindi makapaniwala sa sagot ko. Itinuon nlng namin ang atensyon sa harap nung sabihin ng guro na magsisimula na ang klase sa pamamagitan ng pagpapakilala sa isa't isa. 

Matapos ang getting to know each other stage, pormal na din nagsimula ang klase. Hindi ko akalain na sauna lang pala ako nanibago sa bagong environment. Kalauna'y natanggap ko na rin ang sitwasyon ko. 

There was a fleeting chance to return to my previous section, an option I ultimately chose to forego. It was a decision shrouded in a sense of purpose, as if the universe intended for me to remain in this class. However, little did I know that alongside this unwavering resolve, an unexpected encounter was waiting to weave its way into the fabric of my life. And so began our tale, shrouded in mystery, as it unraveled the unforeseen twists and turns that led to an ending no one could have predicted.


---------------------------------------------------

Time of writing: October 22, 2023


Hello, my dear readers! The completion of this chapter has been a journey in itself, a path filled with countless moments of uncertainty and self-doubt. I've wrestled with the challenge of articulating the perfect sequence of words, striving to ensure this chapter remains not just engaging but truly captivating. Your unwavering support has been my guiding light throughout. And so, as we bid adieu to this chapter, I leave you with the promise of an even more enthralling tale ahead. Arrivederci!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To Where Our Storyline EndsWhere stories live. Discover now