Chapter 25 - Bruise

Beginne am Anfang
                                    

The third and last photo bothered me the most. Naka-bathrobe lang si Agatha habang nagse-selfie. Kakaligo lang yata niya at ang fresh fresh ng mukha. Nasa likuran niya si Russell, naka-jogger pants lang ito, walang suot na pangitaas at pawisan. He wasn't looking at the camera, siguro napadaan lang pero... bakit ganoon ang mga suot nila? Is it normal for them to walk around the house, almost naked?


"Are you kidding me? Gusto ka rin no'n! Why would he tell everyone he wants to stay in our classroom just to be with you? Tapos hinalikan ka pa sa pisngi! I'm sure kilig na kilig ka, ano?" Marina teased me.

Dapat nga kinikilig ako pero hindi ko magawang matuwa lalo na't may mga ganoong litrato akong nakita. I feel jealous but at the same time, I feel guilty to feel this way. Para bang kasalanan na malaki ang gusto ko kay Russell.


Sinabunutan ko na lang ang sarili ko dahil parang nababaliw na ako.

"Huy S, bakit ka ba nagkakaganyan? Aren't you supposed to be happy Russell lowkey announces to the world that he's into you? Hello, panaginip mo lang kaya ito noon!"

Isa pa 'yan. His actions are confusing me. Is he serious about me? O nagbibiro lang ba siya? Kasi kung totoong may gusto nga siya sa'kin, bakit parang may something rin sila ni Agatha? Is he two timing us? Or is he just playing with my feelings since he knows I like him? Hindi rin kasi ako makapaniwala na nagbago ang ihip ng hangin. He hates my presence before...


I groaned and scratched the back of my head.

"Para kang ewan. Hahabol habol ka kapag hindi interesado sa'yo pero kapag nagkagusto na sa'yo, ikaw naman ang lalayo."


Napailing siya ibinaba na ang cellphone sa table. That's when I saw her wallpaper, picture nila ni Lucas. He had his arms resting on her shoulder. Hindi mahilig magpaakbay si Marina kaya naman ramdam ko kaagad na may iba na sa kanila.


"Kumusta na pala kayo ni Lucas?"

"We're... good. I apologized and he did too. He tried to console me by saying his Mom's approval isn't important for him but of course, I told him I'll do everything I can para maging maayos kami ng Mommy niya." Kita ko ang pagwo-worry sa mga mata niya pero kumpara nung isang gabi, panatag naman akong mas okay na siya ngayon. Looks like she finally had the courage to fight for her love. "Thank you nga pala, S. Kung hindi ka nagplano na magkita kami ni Lucas, baka sobrang lungkot ko pa rin hanggang ngayon." She smiled a little.

"It was Russell's idea. Siya ang nagsabing dalhin daw kita sa library at isasama niya doon si Lucas."

Napangiti siya lalo. "Alam mo, nagiging Team Russell na talaga ako paunti-onti. Pangalawa na 'yan na tinulungan niya ako. Pupunta ka ba sa game niya mamaya? I'll come along with you. Magpapasalamat na ako in person."

"Uh eh..." Napakamot ako sa ulo. "Wala akong tickets," pagsisinungaling ko.

"Don't you have special access since you're the captain's assistant? 'Di ba last time nakapasok ka naman, sinama mo pa nga ako."

"Wala na ngayon!" I lied. I sounded so defensive. Crap! "Tinanggal na 'yung ganoon... Malulugi daw sila, e."

Halata sa mukha ng pinsan ko na hindi siya naniniwala sa akin. She just rolled her eyes. "Sus. Sige na nga, kay Lucas na ako lalapit. I'm sure he can get us through. Nahihiya lang naman ako nung una kaya hindi ako nanghihingi ng tulong sa kanya, but now that he's my boyfriend..."

Nanlaki ang mga mata ko. "OH MY GOSH, M! Seryoso ba? Sinagot mo na siya?"

She blushed and nodded. "Kagabi lang."

Love Me in BrooklynWo Geschichten leben. Entdecke jetzt