Seventh Color

32 6 6
                                    

Mazarine

Levin's POV

DAHIL sa pagod ko sa tour namin kahapon, tinanghali ako ng gising—na naman! After brunch, I decided to stroll on the beachside. Hoping that I will see Olive, Pula . . . whoever he is. Naalala ko tuloy ang sinabi niya kagabi na nakapagbigay sa akin ng pag-asa: 'Hindi man ako ang katauhan ng katawang ito, makikita mo pa rin ito na gagala-gala sa isla, kaya 'wag kang mag-alala kung kailangan mo ng kasama.'

Gustong-gusto ko siyang tawagan dahil gustong-gusto kong marinig ang boses niya. Iyon nga lang baka hindi na siya, siya. Baka may trabaho siya na baka mamaya makaistorbo lang ako, kaya aasa na lang din ako na makita siya o kaya ay siya ang tumawag sa akin.

Paano naman kaya kapag nakaharap ko na ang host personality nilang si Rayvee? Para rin kaya siyang si Olive na may pagkamasayahin? I am eager to meet and know him!

Tinawag naman ang atensyon ko ng mga nakasalubong kong dalawang babae. Hindi dahil sa magaganda sila, kundi dahil sa hawak nilang papel. Parang medyo kakaiba lang na makakita ng mga ganoon sa beach.

Na-curious ako kaya tinawag ko rin ang atensiyon nila, "Ah, hello, puwedeng magtanong, ladies?"

"Sure, ano 'yorn?" sagot ng isa sa dalawang babae na humawi pa ng mga hibla ng buhok na nakalugay papunta sa likod ng kanang tainga.

"Saan kayo nagpagawa niyan?" tanong ko habang itinuturo ang hawak nila na sa tingin ko ay works of art na hinala ko ay ginawa ng isa sa pagkatao ni Rayvee na si Blue. "Mukhang maganda, ah."

"Ito po ba?" Iniharap nila sa akin ang mga charcoal sketch portrait na nakakamangha talagang pagmasdan dahil kuhang-kuha ang mga detalye ng mga mukha nila at mas lalo na nang makita ko na kung ano ang hinahanap ko—ang pirma ng artist na nagngangalang Blue ayon sa aking pagkakabasa. "Doon lang po sa lalaking nakaupo sa may ilalim ng puno ng buko." Tumuro siya sa direksyong dadaanan ko pa lang.

"Ah, okay, salamat." Excited akong ipinagpatuloy ang paglalakad sa pinong buhangin hanggang marating ko na ang sinasabi nilang puno.

Malalaman iyon dahil sa mga makikitang sample portrait paintings at sketches na nakadikit sa isang puno ng buko. May larawan ng mga artista at kahit pa mga hayop—lahat ay detelyado ang pakakaguhit kaya nakakaengganyong magpagawa. Hindi ko man kilala ang artist, siguro ay magpapagawa pa rin ako dahil nakikita ko iyong magandang remembrance.

Nakita ko siya sa likod ng punong may mga nakadikit na mga artworks. Nakasuot siya ng blue and white stripe na sando, denim shorts, at, iyong—palagay ko—flip flop na green ni Olive. Namamahingang nakatingin sa may dalampasigan at nakaupo sa isang bangkito. Pinutol ko ang kanyang katahimikan ng bati at tanong, "Good morning! Ikaw ba ang gumawa ng mga ito?"

Humarap siya sa akin na blangko ang reaksiyon ng mukha. "Ah, opo, sir, ako nga. Gusto niyo rin po bang magpagawa ng portrait? Three hundred pesos lang po."

"Actually, yes, iyon nga ang pinunta ko rito."

Tumayo siya para buhatin ang kanyang bangkito saka inilipat sa tapat ng isang puno ng buko na nakabuwal sa tabi ng puno na aming sinisilungan.

"Tamang-tama po ang dating niyo dahil wala na po akong ginagawa. Upo po muna kayo rito." Itinuro niya ang tumbang puno na inupuan ko naman. "Para ma-picture-ran ko po kayo. Balikan niyo na lang po ang portrait niyo pagkatapos ng isa hanggang dalawang oras."

Wala naman akong maisip na gagawin ko, kaya parang gusto ko na lang ring hintayin. "Huwag mo na akong picture-an. Puwede bang iguhit mo na lang ako ng aktwal? Ako na mismo—in person—ang gawin mong kopyahan." Gusto ko rin kasing matitigan siya ng matagal.

Colors of RainbowWhere stories live. Discover now