Prologue

127 16 38
                                    

SHE was so beautiful in white.

Ruby was perfect in her white wedding dress that complimented the red tuxedo that I wore.

Her red lips were in harmony with her jewelry and her hair updo was embellished with pearl accessories. She looks like the engagement ring with a pear-cut ruby stone at the center accented with diamonds that I gave her.

An exquisite glass-and-steel hall adorned with gardens, waterfalls, and a grand sculptured fountain, underneath a hundred-foot-high dome, made us feel that this was no ordinary day.

Prenup photo shoot pa lang 'to, pero parang kasal na talaga!

"One, two, three!" The photographer gave us his signal again. As their instruction, pumosisyon ako sa likod ng aking bride-to-be. Niyakap ko siya habang hawak ng aking mga kamay ang mga kamay niyang nakahawak naman sa bouquet of red roses. "Smile!" the photographer added.

After that shot, the photographer called Ruby's attention. "Ah, Miss Ruby, tapos na po tayo sa serious look. Isa pa po, ah."

"S-Sorry," Ruby apologized with an awkward tone. Pansin ko na kanina pa siya tahimik at matamlay.

Pumosisyon muli ang photographer kaya ganoon din kami. "Smile!"

"Sorry." Pero muling nagsalita si Ruby na nakapagpahinto sa tangkang pagpindot ng photographer sa shutter button. Saka siya humarap sa akin. Inisip ko na maaring hindi lang siya komportable sa posisyon namin kanina, pero sa sumunod niyang sinabi, ako naman ang hindi napalagay dahil alam kong higit pa roon ang dinadadala niya. "L-Levin, sorry."

She called me in my name instead of our endearment. "Bakit, love, is there something wrong?"

Hindi siya makasagot pero ramdam ko na mayroon siyang gustong sabihin sa akin, kaya para hindi siya mahirapan, ako na ang magsasabi. "Ay alam ko na! Nahihiya ka lang magsabi na ayaw mo ng venue? Tama ba?"

"No!" Tears started to flow down her cheeks as she dropped the bouquet on the floor. "It's not the venue."

Mas lalo akong nabagabag sa sinabi niya, kaya naudyok akong mag-usisa pa, "Then, what?"

"It's . . . you!" she shouted at the top of her voice.

Sa pagkabigla, napakunot ang noo ko at ako'y napabulalas, "What?"

"Maybe five years were enough for us." Hinugot niya ang engagement ring sa kanyang palasingsingan saka niya kinuha ang aking kanang kamay at doon iyon inilagay. "Sorry, I cannot be your 'home'."

Tumakbo siya palayo sa akin, pero naabutan ko siya at nahablot ang kanyang braso. "Love, please, pag-usapan natin 'to." Hinarap naman niya ako kaya nagpatuloy pa ako. "Ano ba ang problema?"

"I am tired of being perfect, Levin!" iyon lang pala ang rason niya.

"You don't have to be perfect." Marahan kong hinawakan ang mga pisngi niya saka pinunasan ang mga bahid ng luha na naroon, pagkatapos ay hinawakan ko ang mga kamay niya para pisil-pisilin iyon—that's my way ng pagpapaamo sa kanya sa tuwing nag-aaway kami. "I love you for who you are, remember?"

"Sorry, Levin, hindi pala ikaw ang gusto kong makasama habambuhay. Nasasakal na ako, at ayaw ko nang magpasakal sa kasalang ito! Mas lalo lang tayong masasaktan kung iutuloy pa natin, Levin!"

Paano na ako kung wala na siya? "No! Love, please."

Hindi ko na natapos ang tangka kong pangungusap sa kanya nang magtaas siya muli ng boses na umalingawngaw sa buong Grand Conservatory Hall. "Please, for the sake of our sanity, let me go!"

Namanhid ang buo kong katawan sa mga binitawan niyang salita, kaya natanggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Gusto ko mang habulin siya, pero tila naging isang rebulto na rin ako gaya ng mga dekorasyon dito na hindi makahakbang. Wala na akong nagawa kundi panoorin na lamang siya habang papalayo sa akin.

She left me. With cracks in my heart, tears in my eyes, and questions swirling in my head, she left me!

Why?

Why did it happen?

Colors of RainbowМесто, где живут истории. Откройте их для себя