"Huh?" hindi ko maiwasang tumaas ang tono ko.

It sent a flashback in my mind! On how Juni came out with the idea of calling him Nuts as a code name!

"Ayaw mo rin no'n?" he sounds innocent. Kumurap pa siya ng dalawang beses. I unconsciously shook my head. "Let's go with nuts, then." He gave me a small smile.

Naubos yata ang hangin sa katawan ko, at umangat ang dugo mula sa aking ulo!

God, does he knew about it? Na may roon akong crush sa kaniya?

Umiling ako sa kawalan. Nilunok ko ang laway na bumara sa lalamunan ko. Hindi ko na yata kayang tumagal kasama siya.

"Ano nga pala yung lilinawin mo?" direktang tanong ko.

He raised his hand to call for the waiter.

"Kain muna tayo."

"Ethane." This is my first time to call him directly by his name. Mukhang nagulat din siya sa tawag ko sa kaniya.

Hindi ko talaga kayang tumagal kasama siya. I can feel my heart would explode any minute.

Saglit siyang umiwas ng tingin, at binalik din naman sa akin.

"Okay."

Huminga ako ng malalim at inayos ang postura ko.

"About the letter."

Kumurap ako ng ilang beses.

"I gave you space to think about it... But instead, I noticed how much you avoid me."

"I just think na baka pinaglalaruan mo lang ako."

"Bakit ko naman gagawin sa 'yo 'yon?"

Nagkibit balikat ako. "Ewan ko. Hindi naman kita ganoon kakilala upang malaman ko kung seryoso ka ba o hindi." Nagsalubong ang kilay niya.

"That's why I'm letting you know me."

Suminghal ako. "Talaga ba?"

Pinatitigan niya lang ako.

Bakit sa dinarami-raming tao sa mundo, siya pa ang pinili ng puso ko upang magliwaliw? Bakit nga ba ako patuloy na naghuhumaling sa kaniya kahit pa sinusubukan ko na siyang layuan--iwasan?

I shook my head. "Ano ba kasing lilinawin mo?"

Lumamlam ang mga mata niya. He stared at my eyes, which made me feel awkward. Para kasing sinisisid niya ang kailaliman ng isipan ko.

"Gusto kita." He directly stated. Walang pag-aatubili na mahahalata. Gulat ko lamang siyang tinitignan. "I can't just demand myself to stop my feelings for you, Yvonne. Kaya kung nakukuryoso ka pa, I'll express this love for you."

This time, I felt my heart just exploded. Gosh, akala ko malala na ang nararamdaman ko. May mas ikalala pa pala.

Hindi ko alam kung paano ko nalagpasan ang araw na iyon. Dahil hanggang ngayon, pakiramdam ko lumilipad pa rin ako sa alapaap.

Back then, I'm just watching him from afar. But now, he confessed his feelings towards me.

So this is how love feels? Ito pala ang tinutukoy ni Josaiah. It's hard to express, but also hard to keep.

Ethane Silvestre sent you a friend request.

Ethaneraneus sent you a friend request.

'Di ko mapigilang mapasinghap sa hangin. I stalked his main account, kung noon ang kaniyang bio ay 'hiding' now it changed into 'no more hiding'.

Lost, Lose (Loose Trilogy #1) UNDER-REVISIONWhere stories live. Discover now