napahinga ako ng malalim at unti unting dinidilat ang kabilang mata, ngayon palang ay parang gusto ko nang makaalis dito.

"Sumama kanga saakin, Plea," hinila ako ng baklang ito papunta sa likuran.

"Aray ko naman," pag piglas ko sakanya ng huminto na kami.

"Ano bang ginagawa mo? Hindi ka kikita sa pag iinarte mo!" Galit nitong pasigaw saakin.

hinihimas ko parin ang pala pulsuhan ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya kanina, pakiramdam ko ay naipit ako. Grabe naman itong baklang baboy na 'to!

"Gusto mo ba talagang mailigtas ang kapatid mo?" tanong nito saakin

"Malamang!" pasigaw kong sagot din dito

"Edi huwag kang mag inarte, gawin mo ang mga gusto nilang gawin kung gusto mo talaga kumita! Wala kana ngang malamon, nag iinarte kapa. Kung gusto mo makakain ulit ng laman, matuto ka ring mag benta ng laman!" Sigaw nito saakin.

kung hindi lang ako nakapag pigil ay najombag ko na ito, anong laman ang sinasabi niya?

"Ang usapan natin dito ay pag sayaw lang ang gagawin ko." pag rereklamo ko

"Nakapag down na ako ng 20,000 sa hospital, Plea. Hindi lang pag sasayaw ang gagawin mo, Matuto ka ring mag bigay aliw hindi lang sa entablado, para mabilis mong mapag trabahuan ang 20, 000 sa loob ng dalawang buwan," sigaw nito ulit. "At pag nag kataong napunta ka sa mga bigating costumer, baka hindi lang 20,000 ang kitain mo." kumindat pa ito bago umalis sabay tapon ng upos ng sigarilyo

napasandal nalang ako sa pader at napahawak sa buhok, marahan kong sinambunutan ang sarili. hindi ko naman kailangang gawin 'to eh.

medyo napatagal ang pag sandal ko rito bigla nalang nag replika ang hitsura at ngiti ni Aida. bukas na ang operasyon niya.

Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim bago pumasok sa impyernong yon.

hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa pinaka loob ay may nakita akong babaeng nakasandal din sa gilid, nag sisigarilyo. I think isa sya sa mga prostitute rito. kung titignan ay nasa 20 plus palang ang edad nito.

"Pst," napahinto ako ng sitsitan niya ako, tumingin ako sakanya at itinuro ang sarili "Ako?"

"Meron pabang iba?" tanong ulit nito.

itinapon niya ang upos ng sigarilyo at umayos ng pagkakatayo, lumakad ito papalapit saakin.

"Ikaw ba ang sinasabi ni momshy grets na bago?" Tanong nito, kung makatingin sya ay parang pinag aaralan ang buong pag katao ko.

"o-oo, oo ako nga." nauutal ko pang sagot.

"Halika, sumama ka saakin. ituturo ko ang mga gagawin mo, at mga ugali ng ma eencounter mong costumer."

tumalikod ito at naglakad palayo, sumunod ako sakanya. napaupo kami sa isang table sa taas, tanaw nito ang buong entablado na sinasayawan ng mga babae ganun din ang mga tao.

umupo ako sa tabi niya at parang pinapanood namin ang lahat ng tao sa ibaba, may mga table rin dito sa taas ngunit hindi ko kinakayang luminga linga dahil sa nakikita ko.

"Ako ang pinaka matagal ng prosti rito, kabisado ko narin ang ugali ng baklita nating amo. at sanay na sanay na ako sa mga galawan ng manyakis nating costumer," nagsindi ulit siya ng sigarilyo

"dapat hindi ka naninigarilyo, piece of cigarettes can kill you." pag puna ko sakanya

narinig ko ang pag tawa nya at nag palabas ng usok sa bibig. "Mas nakakamatay ang mag bigay aliw sa mga pamilyadong tao. Gusto mo bang malaman ang mga ugali nila o mag papa kunsolta nalang ako sayo?"Pabiro niya pa.

Waiting for your Landing My Sky (Highschool Series #2)Where stories live. Discover now